ARAL 8
Sumunod sa Diyos Sina Abraham at Sara
May isang lunsod na malapit sa Babel. Ito ang lunsod ng Ur. Ang mga tao doon ay mas sumasamba sa maraming diyos kaysa kay Jehova. Pero may isang lalaking taga-Ur na ang sinasamba ay si Jehova lang. Siya si Abraham.
Sinabi ni Jehova kay Abraham: ‘Umalis ka sa iyong bahay at iwanan ang iyong mga kamag-anak, at pumunta ka sa isang lupain na ipapakita ko sa iyo.’ Nangako ang Diyos: ‘Ikaw ay magiging isang malaking bansa, at gagawan ko ng mabuti ang maraming tao sa buong lupa dahil sa iyo.’
Hindi alam ni Abraham kung saan siya papupuntahin ni Jehova, pero sumunod pa rin siya kasi nagtitiwala siya kay Jehova. Kaya si
Abraham, ang asawa niyang si Sara, ang tatay niyang si Tera, at ang pamangkin niyang si Lot ay nag-impake at naglakbay.Si Abraham ay 75 taon nang makarating sila sa lugar na gustong ipakita ni Jehova. Ito ang lupain ng Canaan. Doon sinabi ng Diyos kay Abraham ang pangakong ito: ‘Ibibigay ko sa iyong mga anak ang buong lupaing ito na nakikita mo.’ Pero walang anak sina Abraham at Sara, at matanda na sila. Kaya paano matutupad ang pangakong ito ni Jehova?
“Dahil sa pananampalataya, sumunod si Abraham nang utusan siyang pumunta sa lugar na tatanggapin niya bilang mana; umalis siya kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta.”—Hebreo 11:8