Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Introduksiyon sa Seksiyon 6

Introduksiyon sa Seksiyon 6

Nang sa wakas ay makarating sa Lupang Pangako ang mga Israelita, ang tabernakulo ang naging sentro ng tunay na pagsamba. Mga saserdote ang nagturo ng Kautusan, at mga hukom naman ang gumabay sa bansa. Makikita sa seksiyong ito kung gaano kalaki ang puwedeng maging epekto sa iba ng desisyon at pagkilos ng isang tao. Ang bawat Israelita ay may pananagutan kay Jehova at sa kaniyang kapuwa. Ipakita kung paano naging mabuting halimbawa sina Debora, Noemi, Josue, Hana, Samuel, at ang anak ni Jepte. Ipakita din na kahit ang mga di-Israelitang gaya nina Rahab, Ruth, Jael, at ng mga Gibeonita ay nagdesisyon ding kumampi sa mga Israelita dahil alam nilang kasama ng mga ito ang Diyos.

SA SEKSIYONG ITO

ARAL 29

Pinili ni Jehova si Josue

Ang tagubilin ng Diyos kay Josue ay makatutulong din sa atin.

ARAL 30

Itinago ni Rahab ang mga Espiya

Nagiba ang pader ng Jerico. Pero hindi nagiba ang bahay ni Rahab, kahit nasa tabi ito ng pader.

ARAL 31

Si Josue at ang mga Gibeonita

Nanalangin si Josue sa Diyos: “Araw, huminto ka!” Pinakinggan ba ito ng Diyos?

ARAL 32

Isang Bagong Lider at Dalawang Matatapang na Babae

Pagkamatay ni Josue, sumamba sa mga diyos-diyusan ang Israel. Naghirap sila, pero natulungan sila ng hukom na si Barak, propetisang si Debora, at ni Jael!

ARAL 33

Sina Ruth at Noemi

Dalawang babae na pareho nang patay ang asawa ang nagbalik sa Israel. Isa sa kanila, si Ruth, ay nagtrabaho sa bukid, at doon siya napansin ng lalaking si Boaz.

ARAL 34

Tinalo ni Gideon ang mga Midianita

Pinahirapan ng mga Midianita ang mga Israelita, kaya humingi sila ng tulong kay Jehova. Paano tinalo ng maliit na hukbo ni Gideon ang 135,000 kalabang sundalo?

ARAL 35

Nanalangin si Hana na Magkaroon Siya ng Anak

Isinama ni Elkana sa tabernakulo sa Shilo sina Hana, Penina, at ang pamilya nila para sumamba. Doon, nanalangin si Hana na magkaanak siya ng lalaki. Nang sumunod na taon, isinilang si Samuel!

ARAL 36

Ang Pangako ni Jepte

Ano ang pangako ni Jepte at bakit niya ginawa ang pangakong iyon? Ano ang reaksiyon ng anak na babae ni Jepte sa pangakong binitiwan ng tatay niya?

ARAL 37

Nakipag-usap si Jehova kay Samuel

Mga saserdote sa tabernakulo ang dalawang anak ng mataas na saserdoteng si Eli, pero hindi nila sinusunod ang batas ng Diyos. Iba ang batang si Samuel, at nakipag-usap sa kaniya si Jehova.

ARAL 38

Galing kay Jehova ang Lakas ni Samson

Binigyan ni Jehova ng lakas si Samson para labanan ang mga Filisteo, pero nang makagawa ng maling desisyon si Samson, nabihag siya ng mga Filisteo.