Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 54

Ang “Tapat at Matalinong Alipin” at ang Gawain Nito

Ang “Tapat at Matalinong Alipin” at ang Gawain Nito

Si Jesus ang Ulo ng kongregasyong Kristiyano. (Efeso 5:23) Mula sa langit, nangangasiwa siya sa mga tagasunod niya sa lupa sa pamamagitan ng “tapat at matalinong alipin.” (Basahin ang Mateo 24:45.) Si Jesus mismo ang nag-atas sa “alipin” na ito kaya mayroon din itong awtoridad na gumawa ng mga desisyon. Pero kailangan pa rin nitong manatiling alipin ni Jesus at maglingkod sa mga kapatid ni Kristo. Sino ang aliping ito? Paano tayo pinapangalagaan ng aliping ito?

1. Sino ang “tapat at matalinong alipin”?

Laging gumagamit si Jehova ng isang lalaki o maliit na grupo ng mga lalaki para magbigay ng tagubilin sa mga lingkod niya. (Malakias 2:7; Hebreo 1:1) Pagkamatay ni Jesus, ang mga apostol at matatanda sa Jerusalem ang inatasan para mangasiwa. (Gawa 15:2) Ganiyan din sa ngayon. Isang maliit na grupo ng mga elder ang nagbibigay ng espirituwal na pagkain at nangangasiwa sa gawaing pangangaral. Tinatawag itong Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova. Ang grupong ito ay “ang tapat at matalinong alipin na inatasan [ni Jesus].” (Mateo 24:45a) Lahat ng miyembro ng Lupong Tagapamahala ay mga pinahirang Kristiyano at mamamahala silang kasama ni Jesus sa Kaharian sa langit kapag natapos na ang buhay nila sa lupa.

2. Anong espirituwal na pagkain ang ibinibigay ng tapat na alipin?

Sinabi ni Jesus na magbibigay ang tapat na alipin ng “pagkain sa tamang panahon” sa mga kapuwa Kristiyano niya. (Mateo 24:45b) Nagbibigay sa atin ng lakas ang literal na mga pagkain. Ganiyan din ang espirituwal na mga pagkain o ang mga tagubilin mula sa Salita ng Diyos. Nagbibigay ito sa atin ng lakas para manatili tayong tapat kay Jehova at magawa ang atas na ibinigay sa atin ni Jesus. (1 Timoteo 4:6) Natatanggap natin ang mga espirituwal na pagkaing ito sa mga pulong, asamblea, at kombensiyon, pati na sa mga literatura at video na mula sa Bibliya. Natutulungan tayo ng mga ito na maunawaan ang kalooban ng Diyos at mapatibay ang kaugnayan natin sa kaniya.

PAG-ARALAN

Alamin kung bakit kailangan natin ang “tapat at matalinong alipin”​—ang Lupong Tagapamahala.

Ang Lupong Tagapamahala ay nagbibigay ng espirituwal na pagkain, tagubilin, at praktikal na tulong sa mga Saksi ni Jehova sa buong mundo

3. Dapat na maging organisado ang bayan ni Jehova

Sa ilalim ng pangunguna ni Jesus, inoorganisa ng Lupong Tagapamahala ang gawain ng mga Saksi ni Jehova. Ganiyan din ang nangyari noon sa unang mga Kristiyano. Panoorin ang VIDEO.

Basahin ang 1 Corinto 14:​33, 40. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Paano ipinapakita ng tekstong ito na gusto ni Jehova na maging organisado ang mga Saksi niya?

4. Inoorganisa ng tapat na alipin ang gawaing pangangaral

Ang pangangaral ang pinakamahalagang gawain ng unang mga Kristiyano. Basahin ang Gawa 8:​14, 25. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Sino ang nangunguna sa gawaing pangangaral ng unang mga Kristiyano?

  • Ano ang ginawa nina Pedro at Juan nang matanggap nila ang tagubilin ng mga kapuwa apostol nila?

Ang pangangaral ang pinakamahalagang gawain na inoorganisa ng Lupong Tagapamahala. Panoorin ang VIDEO.

Idiniin ni Jesus kung gaano kahalaga ang gawaing pangangaral. Basahin ang Marcos 13:10. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Bakit napakahalaga para sa Lupong Tagapamahala ang gawaing pangangaral?

  • Bakit kailangan natin “ang tapat at matalinong alipin” para maorganisa ang gawaing ito sa buong mundo?

5. Nagbibigay ng mga tagubilin ang tapat na alipin

Nagbibigay ng mga tagubilin ang Lupong Tagapamahala sa mga Kristiyano sa buong mundo. Paano sila nakakabuo ng mga tagubilin na ibinibigay nila? Tingnan kung paano ito ginagawa ng lupong tagapamahala noong panahon ng unang mga Kristiyano. Basahin ang Gawa 15:​1, 2. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Anong isyu ang naging dahilan ng pagtatalo ng ilang Kristiyano noon?

  • Kanino nagpunta sina Pablo, Bernabe, at iba pa para maayos ang isyung ito?

Basahin ang Gawa 15:​12-18, 23-29. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Bago magdesisyon, ano ang ginawa ng lupong tagapamahala noon para malaman ang kaisipan ng Diyos tungkol sa isyung bumangon?​—Tingnan ang talata 12, 15, at 28.

Basahin ang Gawa 15:​30, 31 at 16:4, 5. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Ano ang naging reaksiyon ng unang mga Kristiyano sa tagubiling ibinigay ng lupong tagapamahala?

  • Dahil naging masunurin sila, paano sila pinagpala ni Jehova?

Basahin ang 2 Timoteo 3:16 at Santiago 1:5. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Saan kumukuha ng patnubay ang Lupong Tagapamahala kapag gumagawa sila ng mga desisyon ngayon?

MAY NAGSASABI: “Mga tao lang ang sinusunod n’yo kasi sumusunod kayo sa Lupong Tagapamahala.”

  • Ano ang nakakumbinsi sa iyo na pinapatnubayan ni Jesus ang Lupong Tagapamahala?

SUMARYO

Ang Lupong Tagapamahala ay “ang tapat at matalinong alipin” na inatasan ni Kristo. Nagbibigay sila ng tagubilin at espirituwal na pagkain sa mga Kristiyano sa buong mundo.

Ano ang Natutuhan Mo?

  • Sino ang nag-atas sa “tapat at matalinong alipin”?

  • Paano tayo pinapangalagaan ng Lupong Tagapamahala?

  • Naniniwala ka ba na ang Lupong Tagapamahala ay “ang tapat at matalinong alipin”?

Subukan Ito

TINGNAN DIN

Tingnan kung paano inoorganisa ng Lupong Tagapamahala ang gawain nila.

“Ano ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova?” (Artikulo sa jw.org/tl)

Alamin kung paano sinisigurado ng Lupong Tagapamahala na tama at maaasahan ang tinatanggap nating espirituwal na pagkain.

Paggawa ng Tumpak na mga Publikasyon (17:18)

Ano ang nararamdaman ng mga miyembro ng Lupong Tagapamahala sa atas na ibinigay sa kanila ni Jesus?

Isang Napakahalagang Pribilehiyo (7:​04)

Paano pinapatunayan ng mga pulong at kombensiyon natin na pinapatnubayan ni Jehova ang Lupong Tagapamahala?

Tinuturuan ni Jehova ang Bayan Niya (9:​39)