KABANATA 23
Kung Bakit Nagkakasakit ang mga Tao
MAY kilala ka bang maysakit?
Ang lahat ay nagkakasakit paminsan-minsan. Alam mo ba kung bakit ang mga tao ay nagkakasakit, tumatanda, at namamatay?
Si Jesus ay pansamantalang nakatira noon sa isang bahay sa isang bayang malapit sa Dagat ng Galilea. Isang pulutong ng mga tao ang dumating para makita siya. Napakaraming tao ang dumating anupat hindi na makapasok sa bahay ang iba. Ni wala nang makalapit man lamang sa pinto. Pero, patuloy pa rin ang pagdating ng mga tao! Isang grupo ng mga tao ang nagdala ng isang paralitiko na hindi man lamang makalakad. Kinailangan ang apat na lalaki para mabuhat siya sa isang maliit na higaan, o teheras.
Alam mo ba kung bakit gusto nilang madala kay Jesus ang lalaking ito na may sakit?
Buweno, ipinakikita ng larawan dito kung paano nila ito ginawa. Una, iniakyat nila ang lalaki sa bubong. Iyon ay isang patag na bubong. Pagkatapos,
gumawa sila rito ng malaking butas. Pinakahuli, ibinaba nila ang lalaking may sakit sa mismong butas na iyon tungo sa kuwarto sa ibaba habang nakahiga sa kaniyang teheras. Napakalaki nga ng kanilang pananampalataya!Nagulat ang lahat ng tao sa loob ng bahay nang makita nila ang nangyayari. Ang paralitikong nakahiga sa teheras ay ibinaba sa gitna nila mismo. Nagalit ba si Jesus nang makita niya ang ginawa ng mga lalaki?
Ipinalagay ng ilang naroroon na hindi dapat sinabi ito ni Jesus. Hindi sila naniniwalang puwede siyang magpatawad ng mga kasalanan. Kaya para
ipakita na talagang magagawa niya ito, sinabi ni Jesus sa lalaki: “Bumangon ka, buhatin mo ang iyong teheras, at umuwi ka sa iyong tahanan.”Nang sabihin ito ni Jesus, gumaling ang lalaki! Hindi na siya paralisado. Ngayon ay nakatatayo na siyang mag-isa at nakalalakad. Manghang-mangha ang mga taong nakakita sa himalang ito. Ngayon lamang sila nakakita sa buong buhay nila ng ganitong kamangha-manghang bagay! Pinuri nila si Jehova dahil ibinigay sa kanila ang Dakilang Gurong ito, na nagpapagaling pa nga sa sakit ng mga tao.
Ano ang natutuhan natin sa himalang ito?
Yamang tayong lahat ay nagkakasakit paminsan-minsan, ibig bang sabihin nito na tayong lahat ay makasalanan?
Tayo ay nagkaganito dahil sumuway sa Diyos ang unang taong si Adan. Nagkasala siya nang labagin niya ang utos ng Diyos. At nakuha nating lahat kay Adan ang kasalanan. Alam mo ba kung paano natin nakuha sa kaniya ang ating kasalanan? Hayaan mong ipaliwanag ko ito sa iyo sa isang paraan na maiintindihan mo.
Si Adan ay gaya ng baking pan na iyon, at tayo naman ay gaya ng tinapay. Siya ay naging di-sakdal nang suwayin niya ang utos ng Diyos. Para bang siya ay nagkaroon ng yupi, o pangit na marka. Kaya kapag nagkaroon siya ng mga anak, ano ang makikita sa kanila?
Karamihan sa mga bata ay hindi naman ipinanganganak na may malaking diperensiya na aktuwal mong nakikita. Hindi putol ang kanilang braso o binti. Pero ang di-kasakdalang taglay nila ay sapat na upang sila’y magkasakit at pagkatapos ay mamatay.
Mangyari pa, may ilang tao na mas madalas magkasakit kaysa sa iba. Bakit kaya? Dahil ba sa sila ay ipinanganak na mas marami ang kasalanan?
Kung gayon, bakit may mga taong mas madalas magkasakit kaysa sa iba?
Kung ipinakikita natin na ayaw nating magkasala at kinapopootan natin ang mga bagay na mali, pagagalingin tayo ni Jesus. Sa hinaharap, aalisin niya sa atin ang di-kasakdalang taglay natin ngayon. Gagawin niya ito bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Ang kasalanan ay hindi agad aalisin sa atin. Aalisin ito sa loob ng mahaba-habang panahon. At kapag sa wakas ay nawala na ang ating kasalanan, hindi na tayo magkakasakit uli kahit kailan. Tayong lahat ay magkakaroon na ng sakdal na kalusugan. Napakalaki ngang pagpapala ito!
Para sa higit pang mga punto tungkol sa kung paano nakaaapekto ang kasalanan sa bawat isa, basahin ang Job 14:4; Awit 51:5; Roma 3:23; 5:12; at 6:23.