KABANATA 41
Mga Batang Nagpapasaya sa Diyos
SA PALAGAY mo, sinong bata sa lupa ang nagpasaya nang husto kay Jehova?
Ang pamilya nina Jesus ay nakatira sa isang lugar na mga tatlong araw na lakbayin mula sa Jerusalem, na kinaroroonan ng magandang templo ni Jehova. Ang templo ay tinawag ni Jesus na “bahay ng aking Ama.” Siya at ang kanilang pamilya ay pumupunta roon taun-taon para dumalo sa Paskuwa.
Isang taon, nang si Jesus ay 12 anyos, ang kanilang pamilya ay pauwi na pagkatapos ng Paskuwa. Napansin lamang nila na wala si Jesus sa grupo ng kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan nang sila’y huminto para magpalipas ng gabi. Kaya bumalik agad sina Maria at Jose sa Jerusalem para hanapin si Jesus. Sa palagay mo, nasaan kaya siya?
Natagpuan nila si Jesus sa templo. Nakikinig siya sa mga guro, at nagtatanong sa kanila. At kapag tinatanong nila siya, sumasagot siya. Hangang-hanga sila sa mahuhusay na sagot na ibinibigay niya. Nakikita mo ba kung bakit natuwa ang Diyos sa kaniyang Anak?
Mangyari pa, nakahinga nang maluwag sina Maria at Jose nang makita nila si Jesus. Pero si Jesus ay hindi nag-aalala. Alam niyang isang ligtas na lugar ang templo. Kaya nagtanong siya: “Hindi ba ninyo alam na ako ay dapat na mapasabahay ng aking Ama?” Alam niyang ang templo ay bahay ng Diyos, at gustung-gusto niyang naroroon siya.
Kaya isipin mo ito: Kahit na sakdal si Jesus, sinunod niya ang kaniyang di-sakdal na mga magulang. Nagpasaya ba ito sa Diyos?
Ang isa pang paraan na mapasasaya mo ang Diyos ay ang pagsasabi sa iba ng tungkol sa kaniya. Maaaring may magsabi na hindi para sa mga bata ang gawaing ito. Pero nang pigilan ng mga tao ang mga batang lalaki sa paggawa nito, sinabi ni Jesus: ‘Hindi ba ninyo nabasa kailanman sa Kasulatan, “Mula sa bibig ng maliliit na bata ay Mateo 21:16) Kaya tayong lahat ay puwedeng magsabi ng tungkol kay Jehova at ng tungkol sa kung gaano siya kabuting Diyos, kung talagang gusto natin. At kung gagawin natin ito, mapasasaya natin ang Diyos.
naglaan ang Diyos ng papuri”?’ (Saan kaya tayo matututo ng tungkol sa Diyos na puwede nating sabihin sa iba?
Buweno, ano ba ang ginagawa ng mga taong ito sa kanilang mga pulong? Talaga bang itinuturo nila ang Bibliya? Binabasa ba nila ito at pinag-uusapan? Sa ganiyang paraan tayo nakikinig sa Diyos, hindi ba?
Heto pa ang isang dapat pag-isipan. Sinasabi ng Bibliya na ang bayan ng Diyos ay magiging “isang bayan ukol sa kaniyang pangalan.” (Gawa 15:14) Yamang ang pangalan ng Diyos ay Jehova, puwede nating tanungin ang mga taong ito kung si Jehova ang Diyos nila. Kung sasagot sila ng hindi, malalaman natin kung gayon na hindi sila ang kaniyang bayan. Ang bayan ng Diyos ay nagsasabi rin sa iba ng tungkol sa Kaharian ng Diyos. At ipinakikita nilang iniibig nila ang Diyos sa pagsunod sa kaniyang mga utos.
Kung may nalalaman kang mga taong gumagawa ng lahat ng ito, dapat kang makipagpulong sa kanila ukol sa pagsamba. Dapat kang makinig na mabuti sa mga pulong na ito at sumagot kapag may mga tanong. Ganiyan ang ginawa ni Jesus nang siya ay nasa bahay ng Diyos. At kapag ginagawa mo ang mga bagay na ito, mapasasaya mo ang Diyos, gaya ng ginawa ni Jesus.
May naiisip ka pa bang ibang mga bata na binabanggit sa Bibliya na
Nang lumaki na si Timoteo, dumalaw si apostol Pablo sa kanilang bayan. Napansin niyang gustung-gustong maglingkod ni Timoteo kay Jehova. Kaya niyaya niya si Timoteo na sumama sa kaniya para higit siyang makapaglingkod sa Diyos. Saanman sila maglakbay, sinasabi nila sa mga tao ang tungkol sa Kaharian ng Diyos at kay Jesus.
Pero mga batang lalaki ba lamang ang mga halimbawa natin sa Bibliya na nagpasaya sa Diyos?
Si Naaman ay may sakit noon na tinatawag na ketong. Hindi siya mapagaling ng mga doktor. Pero naniniwala ang batang babaing Israelita na matutulungan si Naaman ng isa sa mga pantanging lingkod ng Diyos na isang propeta. Mangyari pa, si Naaman at ang kaniyang asawa ay hindi sumasamba kay Jehova. Sasabihin kaya ng batang babae ang kaniyang nalalaman? Kung ikaw siya, ano ang gagawin mo?
Buweno, ang sabi ng batang babae: ‘Kung pupunta po lamang sana si Naaman sa propeta ni Jehova sa Israel, kung magkagayon, gagaling ang ketong ni Naaman.’ Nakinig si Naaman sa bata, at pumunta siya sa propeta ni Jehova. Nang gawin niya ang ipinagawa sa kaniya ng propeta, gumaling siya. Dahil dito, si Naaman ay naging mananamba ng tunay na Diyos.
Gusto mo bang may matulungan na matuto tungkol kay Jehova at sa kaniyang magagawa, gaya ng ginawa ng batang babae?
Ang higit pang pampatibay-loob sa mga kabataan upang masiyahan sa paglilingkod sa Diyos ay makikita sa Awit 122:1; 148:12, 13; Eclesiastes 12:1; 1 Timoteo 4:12; at Hebreo 10:23-25.