KABANATA 12
Paano Ka Magiging Kaibigan ng Diyos?
1, 2. Sino ang ilang kaibigan ni Jehova?
SINO ang gusto mong maging kaibigan? Siyempre, isang tao na gusto mo, kasundo mo, mabait, at may mga katangiang gusto mong gayahin.
2 May mga tao na naging kaibigan ng Diyos na Jehova. Halimbawa, naging kaibigan ni Jehova si Abraham. (Isaias 41:8; Santiago 2:23) Naging kaibigan din ni Jehova si David. Sinabi niyang si David ay “isang lalaking kalugod-lugod sa puso” niya. (Gawa 13:22) At ang propetang si Daniel ay “talagang kalugod-lugod” kay Jehova.—Daniel 9:23.
3. Bakit naging kaibigan ni Jehova sina Abraham, David, at Daniel?
3 Paano naging kaibigan ni Jehova sina Abraham, David, at Daniel? Sinabi ni Jehova kay Abraham: “Pinakinggan mo ang tinig ko.” (Genesis 22:18) Nagiging kaibigan ni Jehova ang isang tao kung mapagpakumbaba ito at masunurin. Kahit ang isang bansa ay puwede niyang maging kaibigan. Sinabi ni Jehova sa bansang Israel: “Makinig kayo sa tinig ko, at ako ay magiging Diyos ninyo, at kayo ay magiging bayan ko.” (Jeremias 7:23) Kung gusto mo talagang maging kaibigan ni Jehova, kailangan mo rin siyang sundin.
PINOPROTEKTAHAN NI JEHOVA ANG MGA KAIBIGAN NIYA
4, 5. Ano ang ginagawa ni Jehova para protektahan ang mga kaibigan niya?
4 Sinasabi ng Bibliya na gumagawa ng paraan si Jehova “para ipakita niya ang kaniyang lakas alang-alang sa nagbibigay 2 Cronica 16:9) Sa Awit 32:8, nangangako si Jehova sa mga kaibigan niya: “Bibigyan kita ng kaunawaan at ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita habang nakatingin ako sa iyo.”
ng buong puso nila sa kaniya.” (5 Ayaw ng isang makapangyarihang kaaway na maging kaibigan tayo ng Diyos. Pero gusto ni Jehova na protektahan tayo. (Basahin ang Awit 55:22.) Bilang mga kaibigan ni Jehova, naglilingkod tayo sa kaniya nang buong puso. Tapat tayo sa kaniya kahit mahirap ang sitwasyon. At masasabi rin natin ang nasabi ng salmista tungkol kay Jehova: “Dahil nasa kanan ko siya, hindi ako matitinag.” (Awit 16:8; 63:8) Ano ang ginagawa ni Satanas para hindi tayo maging kaibigan ng Diyos?
ANG AKUSASYON NI SATANAS
6. Ano ang akusasyon ni Satanas sa mga tao?
6 Sa Kabanata 11, natutuhan natin na kinuwestiyon ni Satanas si Jehova at inakusahan Siyang sinungaling at hindi patas dahil hindi Niya hinayaan sina Adan at Eva na magdesisyon kung ano ang tama at mali. Itinuturo sa atin ng aklat ng Job na inaakusahan din ni Satanas ang mga tao na gustong maging kaibigan ng Diyos. Sinasabi ni Satanas na naglilingkod lang sila sa Diyos dahil sa pakinabang na nakukuha nila, at hindi dahil sa mahal nila Siya. Sinabi pa nga ni Satanas na kaya niyang italikod ang sinuman sa Diyos. Tingnan natin kung ano ang matututuhan natin kay Job at kung paano siya pinrotektahan ni Jehova.
7, 8. (a) Ano ang tingin ni Jehova kay Job? (b) Ano ang sinabi ni Satanas tungkol kay Job?
7 Sino si Job? Isa siyang mabuting tao na nabuhay mga 3,600 taon na ang nakalipas. Sinabi ni Jehova na noong panahon ni Job, walang taong katulad niya sa lupa. Job 1:8) Oo, tunay na kaibigan ni Jehova si Job.
Talagang iginagalang ni Job ang Diyos, at galít siya sa masama. (8 Sinabi ni Satanas na naglilingkod si Job sa Diyos dahil sa pakinabang. Sinabi ni Satanas kay Jehova: “Hindi ba naglagay ka ng bakod sa palibot niya at sa palibot ng sambahayan niya at sa lahat ng pag-aari niya? Pinagpala mo ang mga ginagawa niya, at dumami nang husto ang alaga niyang hayop sa lupain. Pero para mapaiba naman, iunat mo ang kamay mo at kunin ang lahat sa kaniya, at tiyak na susumpain ka niya nang mukhaan.”—Job 1:10, 11.
9. Ano ang hinayaan ni Jehova na gawin ni Satanas?
9 Inakusahan ni Satanas si Job na naglilingkod lang ito kay Jehova dahil sa nakukuha nitong pakinabang. Sinabi rin ni Satanas na kaya niyang pahintuin si Job sa paglilingkod kay Jehova. Hindi sang-ayon si Jehova kay Satanas, pero hinayaan Niyang subukin ni Satanas si Job para makita kung talagang kaibigan siya ni Jehova dahil sa pag-ibig nito sa Kaniya.
SINUBOK NI SATANAS SI JOB
10. Paano sinubok ni Satanas si Job, at ano ang reaksiyon ni Job?
10 Una, ninakaw at pinatay ni Satanas ang lahat ng alagang hayop ni Job. Pagkatapos, pinatay niya ang karamihan ng alipin ni Job. Nawala ang lahat kay Job. Pinakahuli, pinatay ni Satanas ang 10 anak ni Job sa pamamagitan ng bagyo. Pero tapat pa rin si Job kay Jehova. “Sa lahat ng ito, hindi nagkasala si Job at hindi niya sinisi ang Diyos.”—Job 1:12-19, 22.
11. (a) Ano pa ang ginawa ni Satanas kay Job? (b) Ano ang reaksiyon ni Job?
11 Hindi tumigil si Satanas. Sinabi pa niya sa Diyos: “Saktan [mo] ang kaniyang buto at laman, at tiyak na susumpain ka niya nang mukhaan.” Kaya binigyan ni Satanas Job 2:5, 7) Pero nanatili pa ring tapat si Job kay Jehova. Sinabi niya: “Mananatili akong tapat hanggang kamatayan!”—Job 27:5.
si Job ng malubhang sakit. (12. Paano pinatunayan ni Job na sinungaling si Satanas?
12 Walang alam si Job sa akusasyon ni Satanas o kung bakit siya nagdurusa nang ganoon. Akala niya si Jehova ang dahilan ng mga problema niya. (Job 6:4; 16:11-14) Pero nanatiling tapat si Job kay Jehova. Kitang-kita na ngayon na hindi makasarili si Job. Kaibigan siya ng Diyos dahil mahal niya ang Diyos. Puro kasinungalingan ang akusasyon ni Satanas!
13. Ano ang resulta ng katapatan ni Job?
13 Kahit hindi alam ni Job ang nangyayari sa langit, tapat siya sa Diyos at pinatunayan niyang masama si Satanas. Pinagpala ni Jehova si Job dahil sa katapatan nito.—Job 42:12-17.
KUNG PAANO KA INAAKUSAHAN NI SATANAS
14, 15. Ano ang akusasyon ni Satanas sa lahat ng tao?
14 May matututuhan ka sa nangyari kay Job. Sa ngayon, inaakusahan tayo ni Satanas na naglilingkod lang tayo kay Jehova dahil sa nakukuha nating pakinabang sa Kaniya. Sa Job 2:4, sinabi ni Satanas: “Ibibigay ng isang tao ang lahat ng kaniya para sa buhay niya.” Kaya inaakusahan ni Satanas na makasarili ang lahat ng tao, hindi lang si Job. Daan-daang taon pagkamatay ni Job, iniinsulto pa rin ni Satanas si Jehova at inaakusahan ang mga lingkod Niya. Halimbawa, mababasa natin sa Kawikaan 27:11: “Magpakarunong ka, anak ko, at pasayahin mo ang puso ko para may maisagot ako sa tumutuya [o, umiinsulto] sa akin.”
15 Puwede mong piliing sundin si Jehova at maging tapat na kaibigan Niya para patunayang sinungaling si Satanas. Kahit malalaking pagbabago ang kailangan mong
gawin sa buhay mo para maging kaibigan ng Diyos, ito ang pinakamagandang desisyon na magagawa mo! Seryosong bagay iyan. Sinasabi ni Satanas na hindi ka magiging tapat sa Diyos kapag may problema ka. Dinadaya niya tayo para suwayin natin ang Diyos. Paano?16. (a) Anong mga paraan ang ginagamit ni Satanas para pahintuin tayo sa paglilingkod kay Jehova? (b) Ano ang puwedeng gawin sa iyo ng Diyablo para pahintuin ka sa paglilingkod kay Jehova?
16 Gumagamit ng iba’t ibang paraan si Satanas para masira ang pakikipagkaibigan natin sa Diyos. Umaatake siyang “gaya ng isang umuungal na leon, na naghahanap ng malalapa.” (1 Pedro 5:8) Huwag kang magugulat kung susubukan kang pahintuin ng mga kaibigan, kapamilya, o ng iba pa sa pag-aaral ng Bibliya at sa paggawa ng tama. Baka maramdaman mong sinusubok ka. * (Juan 15:19, 20) Nagkukunwari din si Satanas na “anghel ng liwanag.” Kaya baka dayain niya tayo para sumuway kay Jehova. (2 Corinto 11:14) May isa pang paraan si Satanas para pahintuin tayo sa paglilingkod kay Jehova. Gusto niyang isipin natin na hindi tayo karapat-dapat maglingkod sa Diyos.—Kawikaan 24:10.
SUNDIN ANG MGA UTOS NI JEHOVA
17. Bakit tayo sumusunod kay Jehova?
17 Kapag sinusunod natin si Jehova, pinapatunayan nating sinungaling si Satanas. Ano ang tutulong sa atin na maging masunurin? Sinasabi ng Bibliya: “Dapat ninyong ibigin ang Diyos ninyong si Jehova nang inyong buong puso, buong kaluluwa, at buong lakas.” (Deuteronomio ) Sumusunod tayo kay Jehova dahil mahal natin siya. Habang lumalalim ang pag-ibig natin kay Jehova, mas tumitindi ang kagustuhan nating sundin siya. Sumulat si apostol Juan: “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos: Sundin natin ang mga utos niya; at ang mga utos niya ay hindi pabigat.”— 6:51 Juan 5:3.
18, 19. (a) Ano ang ilang bagay na ayaw ni Jehova na gawin natin? (b) Paano natin nalaman na hindi ipinapagawa ni Jehova ang hindi natin kaya?
18 Pero ano ang ilang bagay na itinuturing ni Jehova na mali? May ilang halimbawa sa kahong “ Kapootan ang Kinapopootan ni Jehova.” Sa una, baka isipin mong hindi naman ganoon kasamâ ang ilan sa mga iyon. Pero kapag binasa mo at pinag-isipan ang mga teksto sa Bibliya, maiintindihan mo kung bakit magandang sumunod sa mga batas ni Jehova. Baka maramdaman mo ring may kailangan kang baguhin sa buhay mo. Pero kung gagawin mo ito kahit mahirap, magiging masaya ka at panatag dahil naging tapat na kaibigan ka ng Diyos. (Isaias 48:17, 18) Paano natin nalaman na kaya mong gawin ang mga pagbabagong iyon?
19 Hindi ipinapagawa sa atin ni Jehova ang hindi natin kaya. (Deuteronomio 30:11-14) Bilang tunay na Kaibigan, mas kilala niya tayo kaysa sa pagkakakilala natin sa sarili natin. Alam niya kung saan tayo malakas at kung saan tayo mahina. (Awit 103:14) Pinapatibay tayo ni apostol Pablo: “Ang Diyos ay tapat, at hindi niya hahayaang tuksuhin kayo nang higit sa matitiis ninyo, kundi gagawa siya ng daang malalabasan para matiis ninyo ang tukso.” (1 Corinto 10:13) Makapagtitiwala tayo na lagi tayong bibigyan ni Jehova ng lakas na gawin ang tama. Bibigyan ka niya ng “lakas na higit sa karaniwan” para makayanan mo ang mahihirap na sitwasyon. (2 Corinto 4:7) Matapos maranasan ang tulong ni Jehova sa mahihirap na sitwasyon, nasabi ni Pablo: “May lakas akong harapin ang anumang bagay dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.”—Filipos 4:13.
IBIGIN ANG MGA INIIBIG NG DIYOS
20. Anong mga katangian ang dapat mong ipakita, at bakit?
20 Kung gusto nating maging kaibigan ni Jehova, dapat tayong tumigil sa paggawa ng mga bagay na sinasabi niyang mali. Pero hindi lang iyan. (Roma 12:9) Iniibig ng mga kaibigan ng Diyos ang mga katangiang gusto niya. Mababasa ang mga ito sa Awit 15:1-5. (Basahin.) Tinutularan ng mga kaibigan ni Jehova ang mga katangian niya at nagpapakita sila ng “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.”—Galacia 5:22, 23.
21. Paano mo maipapakita ang mga katangiang gusto ng Diyos?
21 Paano mo maipapakita ang magagandang katangiang iyon? Kailangan mong malaman ang mga bagay na gusto ni Jehova. Magagawa mo iyan kung regular kang magbabasa at mag-aaral ng Bibliya. (Isaias 30:20, 21) Kapag ginawa mo iyan, mas mamahalin mo si Jehova at mas gugustuhin mo siyang sundin.
22. Ano ang magiging resulta kapag sinunod mo si Jehova?
22 Ang mga pagbabagong ginagawa mo ay puwedeng ikumpara sa pagpapalit ng damit. Sinasabi ng Bibliya na kailangan mong ‘hubarin ang lumang personalidad at isuot ang bagong personalidad.’ (Colosas 3:9, 10) Baka hindi ito madaling gawin, pero kapag sinunod natin si Jehova, nangangako siyang bibigyan niya tayo ng “malaking gantimpala.” (Awit 19:11) Sundin si Jehova at patunayang sinungaling si Satanas. Maglingkod kay Jehova, hindi dahil sa pakinabang na makukuha mo, kundi dahil mahal mo siya. Kung gagawin mo ito, magiging tunay na kaibigan ka ng Diyos!
^ par. 16 Hindi ito nangangahulugan na kinokontrol ni Satanas ang mga taong ito. Pero si Satanas ang “diyos ng sistemang ito,” at “ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan” niya. Kaya hindi tayo magtataka kung may mga tao na gusto tayong pahintuin sa paglilingkod kay Jehova.—2 Corinto 4:4; 1 Juan 5:19.