KABANATA 19
Manatiling Malapít kay Jehova
1, 2. Saan tayo makakahanap ng proteksiyon sa ngayon?
ISIPING naglalakad ka sa labas. Nagdilim ang langit, at nagsimulang kumulog at kumidlat. Bumuhos na rin ang ulan. Naghanap ka ng isang lugar na masisilungan. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakakita ka ng tuyo at ligtas na lugar!
2 Ganiyan din ang sitwasyon natin ngayon. Pasama nang pasama ang kalagayan sa mundo. Baka maitanong mo, ‘Saan kaya ako makakahanap ng proteksiyon?’ Isinulat ng salmista: “Sasabihin ko kay Jehova: ‘Ikaw ang aking kanlungan at moog, ang aking Diyos na pinagtitiwalaan ko.’” (Awit 91:2) Oo, matutulungan tayo ni Jehova sa mga problema natin ngayon, at bibigyan niya tayo ng magandang pag-asa sa hinaharap.
3. Paano natin magiging proteksiyon si Jehova?
3 Paano tayo mapoprotektahan ni Jehova? Matutulungan niya tayong makayanan ang mga problema natin, at talagang mas makapangyarihan siya kaysa sa sinumang gustong manakit sa atin. Kahit may mangyaring masama sa atin ngayon, makakatiyak tayong aayusin ni Jehova sa hinaharap ang pinsalang idudulot nito. Kaya sinasabi sa atin ng Bibliya: “[Panatilihin] ninyo ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos.” (Judas 21) Kailangan nating manatiling malapít kay Jehova para matulungan niya tayo kapag may mga problema tayo. Pero paano natin magagawa iyan?
PAHALAGAHAN ANG PAG-IBIG NG DIYOS
4, 5. Paano ipinakita ni Jehova ang pag-ibig niya para sa atin?
4 Para manatiling malapít kay Jehova, kailangang malinaw sa isip natin kung gaano niya tayo kamahal. Isipin ang lahat ng ginawa ni Jehova para sa atin. Binigyan niya tayo ng magandang planeta na punô ng sari-saring halaman at hayop. Binigyan niya rin tayo ng masasarap na pagkain at malinis na tubig. Sa Bibliya, itinuro ni Jehova sa atin ang pangalan niya at ang magagandang katangian niya. Higit sa lahat, ipinakita niya ang pag-ibig niya para sa atin nang isugo niya sa lupa ang kaniyang minamahal na Anak, si Jesus, para ibigay ang buhay niya para sa atin. (Juan 3:16) At dahil sa sakripisyong iyon, may napakaganda tayong pag-asa sa hinaharap.
5 Ibinigay ni Jehova ang Mesiyanikong Kaharian, isang gobyerno sa langit na malapit nang mag-alis ng lahat ng pagdurusa. Gagawing paraiso ng Kaharian ang lupa, at mabubuhay roon ang mga tao nang payapa at maligaya magpakailanman. (Awit 37:29) Ipinakita rin ni Jehova na mahal niya tayo dahil tinuruan niya tayo kung paano mabubuhay nang maligaya ngayon. Gusto rin niyang kausapin natin siya sa panalangin, at lagi siyang handang makinig sa atin. Talagang ipinakita ni Jehova kung gaano niya kamahal ang bawat isa sa atin.
6. Paano mo pahahalagahan ang pag-ibig ni Jehova?
6 Paano mo pahahalagahan ang pag-ibig ni Jehova? Pasalamatan mo siya sa lahat ng ginawa niya para sa iyo. Nakakalungkot, marami sa ngayon ang walang utang na loob. Ganiyan din ang marami noong nasa lupa si Jesus. Minsan, nagpagaling si Jesus ng 10 ketongin, pero isa lang ang nagpasalamat sa kaniya. (Lucas 17:12-17) Gusto nating tularan ang lalaking nagpasalamat kay Jesus. Gusto nating laging pasalamatan si Jehova.
7. Gaano natin dapat kamahal si Jehova?
Mateo 22:37.) Ano ang ibig sabihin nito?
7 Kailangan din nating ipakita ang pag-ibig natin kay Jehova. Sinabi ni Jesus sa mga alagad niya na dapat nilang ibigin si Jehova nang buong puso, buong kaluluwa, at buong pag-iisip. (Basahin ang8, 9. Paano natin maipapakitang mahal natin si Jehova?
8 Sapat na bang sabihin na mahal natin si Jehova? Hindi. Kung iniibig natin si Jehova nang buong puso, buong kaluluwa, at buong pag-iisip, dapat natin itong ipakita sa gawa. (Mateo 7:16-20) Maliwanag na itinuturo ng Bibliya na kung mahal natin ang Diyos, susundin natin ang mga utos niya. Mahirap ba iyon? Hindi, dahil ang “mga utos niya ay hindi pabigat.”—Basahin ang 1 Juan 5:3.
9 Kapag sinusunod natin si Jehova, nagiging masaya tayo at kontento sa buhay. (Isaias 48:17, 18) Pero ano ang tutulong sa atin na manatiling malapít kay Jehova? Alamin natin.
PATULOY NA MAGING MALAPÍT KAY JEHOVA
10. Bakit dapat kang patuloy na matuto tungkol kay Jehova?
10 Paano ka naging kaibigan ni Jehova? Sa pag-aaral mo ng Bibliya, lalo mong nakilala si Jehova at naging kaibigan mo siya. Ang pagkakaibigang iyan ay gaya ng apoy na gusto mong patuloy na magningas. Kailangan ng gatong para patuloy na magningas ang apoy, kaya kailangan mo ring patuloy na matuto tungkol kay Jehova para manatiling matibay ang pagkakaibigan ninyo.—Kawikaan 2:1-5.
11. Ano ang puwedeng maging epekto sa iyo ng mga turo ng Bibliya?
11 Habang patuloy mong pinag-aaralan ang Bibliya, may mga matututuhan ka na talagang aantig sa puso mo. Pansinin kung ano ang naramdaman ng dalawang alagad ni Jesus nang ipaliwanag niya sa kanila ang mga hula sa Bibliya. Sinabi nila: “Hindi ba nagniningas ang puso natin habang Lucas 24:32.
kinakausap niya tayo sa daan, habang malinaw niyang ipinapaliwanag sa atin ang Kasulatan?”—12, 13. (a) Ano ang puwedeng mangyari sa pag-ibig natin sa Diyos? (b) Paano natin mapananatiling nagniningas ang pag-ibig natin kay Jehova?
12 Nang maintindihan mo ang Bibliya, baka naramdaman mo rin ang naramdaman ng mga alagad nang maintindihan nila ang Kasulatan. Nakatulong iyan sa iyo para makilala si Jehova at mahalin siya. Hindi mo gugustuhing lumamig ang pag-ibig na iyan.—Mateo 24:12.
13 Kapag naging kaibigan ka ng Diyos, kailangan mong magsikap para manatiling matibay ang pagkakaibigang iyon. Dapat kang patuloy na matuto tungkol sa kaniya at kay Jesus. Dapat mo ring pag-isipan ang mga natututuhan mo at kung paano mo ito isasabuhay. (Juan 17:3) Kapag nagbabasa ka o nag-aaral ng Bibliya, tanungin ang sarili: ‘Ano ang itinuturo nito sa akin tungkol sa Diyos na Jehova? Bakit dapat ko siyang ibigin nang buong puso at kaluluwa?’—1 Timoteo 4:15.
14. Paano makakatulong ang panalangin para manatiling matibay ang pag-ibig natin kay Jehova?
14 Kapag may malapít kang kaibigan, lagi mo siyang kinakausap, kaya tumitibay ang pagkakaibigan ninyo. Kapag lagi rin nating kinakausap si Jehova sa panalangin, mananatiling matibay ang pag-ibig natin sa kaniya. (Basahin ang 1 Tesalonica 5:17.) Ang panalangin ay isang magandang regalo mula sa ating Ama sa langit. Kaya dapat na lagi natin siyang kausapin mula sa puso. (Awit 62:8) Hindi natin dapat kabisado ang mga panalangin natin, kundi kung ano talaga ang nasa puso natin. Oo, kung patuloy tayong mag-aaral ng Bibliya at mananalangin mula sa puso, mananatiling matibay ang pag-ibig natin kay Jehova.
SABIHIN SA IBA ANG TUNGKOL KAY JEHOVA
15, 16. Para sa iyo, ano ang gawaing pangangaral?
15 Kung gusto nating manatiling malapít kay Jehova, kailangan din nating sabihin sa iba ang paniniwala natin. Isang pribilehiyo na sabihin sa iba ang tungkol kay Jehova. (Lucas 1:74) At isa itong responsibilidad na ibinigay ni Jesus sa lahat ng tunay na Kristiyano. Dapat ipangaral ng bawat isa sa atin ang mabuting balita tungkol sa Kaharian ng Diyos. Ginagawa mo na ba iyan?—Mateo 24:14; 28:19, 20.
16 Para kay apostol Pablo, napakahalaga ng gawaing pangangaral; tinawag niya itong ‘kayamanan.’ (2 Corinto 4:7) Ang pangangaral tungkol kay Jehova at sa layunin niya ang pinakamahalagang gawain na puwede mong gawin. Isa itong paglilingkod kay Jehova, at pinapahalagahan niya ang ginagawa mo para sa kaniya. (Hebreo 6:10) Kapag nangangaral ka, makikinabang ka at ang mga pinangangaralan mo dahil tinutulungan mo sila at ang sarili mo na mapalapít kay Jehova at magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Basahin ang 1 Corinto 15:58.) May iba pa bang gawain na mas magpapasaya sa iyo?
17. Bakit apurahan ang gawaing pangangaral?
17 Ang gawaing pangangaral ay talagang apurahan. Dapat nating ‘ipangaral ang salita ng Diyos’ at ‘gawin ito nang apurahan.’ (2 Timoteo 4:2) Kailangang marinig ng mga tao ang tungkol sa Kaharian ng Diyos. Sinasabi ng Bibliya: “Ang dakilang araw ni Jehova ay malapit na! Malapit na ito at napakabilis ng pagdating nito!” Ang wakas ay ‘hindi maaantala!’ (Zefanias 1:14; Habakuk 2:3) Oo, napakalapit nang puksain ni Jehova ang napakasamang mundong ito ni Satanas. Pero bago mangyari iyan, kailangan munang mababalaan ang mga tao para magkaroon sila ng pagkakataong paglingkuran si Jehova.
18. Bakit dapat nating sambahin si Jehova kasama ng iba pang tunay na Kristiyano?
18 Gusto ni Jehova na sambahin natin siya kasama ng iba pang tunay na Kristiyano. Sinasabi ng Bibliya: “Isipin natin ang isa’t isa para mapasigla natin ang bawat isa na magpakita ng pag-ibig at gumawa ng mabuti, at huwag nating pabayaan ang pagtitipon natin, gaya ng nakaugalian ng iba, kundi patibayin natin ang isa’t isa, at gawin natin ito nang higit pa habang nakikita nating papalapit na ang araw.” (Hebreo 10:24, 25) Kaya sikapin nating madaluhan ang lahat ng pulong, dahil pagkakataon ito para mapatibay ang isa’t isa.
19. Ano ang tutulong sa atin na mahalin ang mga kapatid natin?
19 Kapag dumadalo ka sa mga pulong, magkakaroon ka ng mga kaibigan na tutulong sa iyo na sambahin si Jehova. Makikilala mo ang maraming kapatid na ginagawa rin ang lahat para sambahin siya. Gaya mo, hindi rin sila perpekto. Kaya kapag nagkamali sila, maging handang magpatawad. (Basahin ang Colosas 3:13.) Kung lagi mong titingnan ang magagandang katangian ng mga kapatid, mamahalin mo sila at mas mapapalapít ka kay Jehova.
ANG TUNAY NA BUHAY
20, 21. Ano ang “tunay na buhay”?
20 Gusto ni Jehova na magkaroon ng masayang buhay ang lahat ng kaibigan niya. Itinuturo ng Bibliya na ibang-iba ang magiging buhay natin sa hinaharap.
21 Mabubuhay tayo magpakailanman, at hindi lang 70 o 80 taon. Masisiyahan tayo sa “buhay na walang hanggan” na may mabuting kalusugan, kapayapaan, at kaligayahan sa isang magandang paraiso. Iyan ang tinatawag ng Bibliya na “tunay na buhay.” Nangangako si Jehova na ibibigay niya sa atin ang tunay na buhay, pero dapat tayong magsikap na ‘manghawakang mahigpit’ dito.—1 Timoteo 6:12, 19.
22. (a) Paano tayo ‘makapanghahawakang mahigpit sa tunay na buhay’? (b) Bakit hindi nakadepende sa pagsisikap natin ang buhay na walang hanggan?
22 Paano tayo ‘makapanghahawakang mahigpit sa tunay na buhay’? Dapat tayong “gumawa ng mabuti” at “maging mayaman sa maiinam na gawa.” (1 Timoteo 6:18) Ibig sabihin, kailangan nating isabuhay ang mga natututuhan natin sa Bibliya. Pero hindi ito nakadepende sa pagsisikap natin. Regalo ito ni Jehova sa tapat na mga lingkod niya, isang halimbawa ng “walang-kapantay na kabaitan” niya. (Roma 5:15) Gustong-gustong ibigay ng ating Ama sa langit ang regalong ito sa tapat na mga lingkod niya.
23. Bakit kailangan mong piliing gawin ang tama ngayon?
23 Tanungin ang sarili, ‘Sinasamba ko ba ang Diyos sa paraang gusto niya?’ Kung may mga pagbabago kang kailangang gawin, dapat mo itong gawin agad. Kapag nagtitiwala tayo kay Jehova at ginagawa natin ang lahat para sundin siya, magiging proteksiyon natin si Jehova. Iingatan niya ang tapat na mga lingkod niya sa mga huling araw
ng napakasamang mundo ni Satanas. Titiyakin sa atin ni Jehova na mabubuhay tayo magpakailanman sa Paraiso, gaya ng ipinangako niya. Oo, magkakaroon ka ng tunay na buhay kung pipiliin mong gawin ang tama ngayon!