ARALIN 14
Idiin ang Pangunahing mga Punto
Hebreo 8:1
KUNG ANO ANG GAGAWIN: Tulungan ang mga tagapakinig na masundan ang tinatalakay mo, at gawing malinaw ang koneksiyon ng bawat pangunahing punto sa layunin at tema ng pahayag.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
-
Magkaroon ng layunin. Isipin kung ang layunin ng pahayag mo ay magbigay ng impormasyon, mangumbinsi, o magpakilos sa mga tagapakinig, at iayon doon ang bubuoin mong pahayag. Siguraduhing lahat ng pangunahing punto ay makakatulong sa iyo na maabot ang layunin mo.
-
Idiin ang tema ng iyong pahayag. Banggitin ang tema sa buong pahayag; ulit-ulitin ang mahahalagang salita ng tema o gumamit ng mga salitang kasingkahulugan ng mga ito.
-
Gawing simple at malinaw ang pangunahing mga punto. Piliin lang ang mga punto na may kaugnayan sa tema mo at maituturo mo nang epektibo sa loob ng itinakdang oras. Huwag tumalakay ng maraming pangunahing punto, sabihin nang malinaw ang bawat pangunahing punto, huminto sandali bago talakayin ang kasunod, at gawing malinaw ang paglipat mula sa isang pangunahing punto papunta sa kasunod.