KABANATA 17
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
“Patibayin ninyo ang inyong kabanal-banalang pananampalataya . . . para mapanatili ninyo ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos.”—JUDAS 20, 21.
1, 2. Ano ang puwede nating gawin para manatili sa pag-ibig ng Diyos?
GUSTO nating lahat na maging malakas at malusog. Kaya kumakain tayo ng masustansiyang pagkain, regular na nag-eehersisyo, at inaalagaan ang sarili natin. Kahit kailangan ng pagsisikap dito, sulit naman ang resulta, kaya hindi tayo sumusuko. Pero kailangan din nating maging malakas at malusog sa isa pang bagay.
2 Kahit nakilala na natin si Jehova, kailangan pa rin nating patuloy na patibayin ang kaugnayan natin sa kaniya. Nang pasiglahin ni Judas ang mga Kristiyano na ‘panatilihin ang sarili nila sa pag-ibig ng Diyos,’ ipinaliwanag niya kung paano nila ito magagawa. Sinabi niya: “Patibayin ninyo ang inyong kabanal-banalang pananampalataya.” (Judas 20, 21) Paano natin patitibayin ang pananampalataya natin?
PATULOY NA PATIBAYIN ANG PANANAMPALATAYA MO
3-5. (a) Ano ang gusto ni Satanas na isipin mo tungkol sa mga pamantayan ni Jehova? (b) Ano ang masasabi mo sa mga batas at prinsipyo ni Jehova?
3 Mahalagang kumbinsido ka na ang paraan ni Jehova ang pinakamabuting sundin. Gusto ni Satanas na isipin mong napakahirap sundin ng mga pamantayan ng Genesis 3:1-6) At ginagawa pa rin niya iyan hanggang ngayon.
Diyos at mas magiging masaya ka kung ikaw mismo ang magdedesisyon kung ano ang tama at mali. Mula pa sa hardin ng Eden, gusto na ni Satanas na iyan ang paniwalaan ng mga tao. (4 Tama ba si Satanas? Napakahigpit ba ng mga pamantayan ni Jehova? Hindi. Bilang halimbawa, isiping naglalakad ka sa isang magandang parke. May nakita kang mataas na bakod kaya hindi mapuntahan ang isang lugar. Baka maisip mo, ‘Bakit pa kasi may bakod?’ Pagkatapos, nakarinig ka ng ungal ng leon sa likod ng bakod. Ano na ang magiging tingin mo sa bakod? Magpapasalamat ka kasi proteksiyon ang bakod na iyon para hindi ka makain ng leon! Ang mga prinsipyo ni Jehova ay gaya ng bakod na iyon, at ang Diyablo ang leon. Nagbababala ang Salita ng Diyos: “Panatilihin ang inyong katinuan, maging mapagbantay! Ang kalaban ninyo, ang Diyablo, ay gumagala-gala gaya ng isang umuungal na leon, na naghahanap ng malalapa.”—1 Pedro 5:8.
5 Gusto ni Jehova na magkaroon tayo ng pinakamagandang buhay. Ayaw niyang madaya tayo ni Satanas. Kaya binigyan niya tayo ng mga batas at prinsipyo para protektahan tayo at maging maligaya. (Efeso 6:11) Sumulat si Santiago: “Ang tumitingin sa perpektong kautusan na umaakay sa kalayaan at patuloy na sumusunod dito ay . . . magiging maligaya . . . sa ginagawa niya.”—Santiago 1:25.
6. Paano tayo magiging kumbinsido na ang paraan ng Diyos ang pinakamabuting sundin?
6 Kapag sumusunod tayo sa patnubay ni Jehova, nagiging makabuluhan ang buhay natin at mas tumitibay ang kaugnayan natin sa kaniya. Halimbawa, Mateo 6:5-8; 1 Tesalonica 5:17) Masaya tayo kapag sinusunod natin ang utos niyang magtipon para sumamba sa kaniya at patibayin ang isa’t isa at kapag masigasig tayo sa pangangaral at pagtuturo. (Mateo 28:19, 20; Galacia 6:2; Hebreo 10:24, 25) Habang nakikita nating napapatibay ng mga gawaing ito ang pananampalataya natin, lalo tayong nakukumbinsi na ang paraan ni Jehova ang pinakamabuting sundin.
nakikinabang tayo kapag lagi tayong nananalangin sa kaniya. (7, 8. Bakit hindi tayo dapat mag-alala sa mga pagsubok sa hinaharap?
7 Baka mag-alala tayo kung makakayanan natin ang mga pagsubok sa hinaharap. Kung nadarama mo iyan, tandaan ang sinabi ni Jehova: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang nagtuturo sa iyo para makinabang ka, ang pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran. Kung magbibigay-pansin ka lang sa mga utos ko, ang kapayapaan mo ay magiging gaya ng ilog at ang katuwiran mo ay magiging gaya ng mga alon sa dagat.”—Isaias 48:17, 18.
“SUMULONG TAYO SA PAGIGING MAYGULANG”
9, 10. Ano ang ibig sabihin ng pagiging maygulang?
9 Habang pinapatibay mo ang kaugnayan mo kay Jehova, ‘susulong ka sa pagiging maygulang.’ (Hebreo 6:1) Ano ang ibig sabihin ng pagiging maygulang?
10 Hindi batayan ang edad para masabing may-gulang na Kristiyano tayo. Para maging maygulang, dapat nating gawing pinakamalapít na Kaibigan si Jehova at tularan ang pananaw niya sa mga bagay-bagay. (Juan 4:23) Sumulat si Pablo: “Ang pag-iisip ng mga namumuhay ayon sa laman ay nakatuon sa makalamang mga pagnanasa, pero ang mga namumuhay ayon sa espiritu, sa mga bagay na may kinalaman sa espiritu.” (Roma 8:5) Ang taong maygulang ay hindi nakapokus sa pagpapasarap sa buhay o sa materyal na mga bagay. Nakapokus siya sa paglilingkod kay Jehova at gumagawa ng tamang mga desisyon. (Kawikaan 27:11; basahin ang Santiago 1:2, 3.) Hindi niya hinahayaang maimpluwensiyahan siya na gumawa ng mali. Alam ng isang maygulang kung ano ang tama at desidido siyang gawin ito.
11, 12. (a) Ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa “kakayahang umunawa” ng isang Kristiyano? (b) Bakit may pagkakapareho ang pagiging may-gulang na Kristiyano at ang pagiging atleta?
11 Kailangan ang pagsisikap para maging maygulang. Hebreo 5:14) Ang salitang “sinanay” ay nagpapaalaala sa atin ng pagsasanay ng isang atleta.
Sumulat si apostol Pablo: “Ang matigas na pagkain ay para sa mga maygulang; sa paggamit sa kanilang kakayahang umunawa, sinanay nila itong makilala ang tama at mali.” (12 Kapag nakikita nating naglalaro ang isang mahusay na atleta, alam nating kinailangan ng panahon at pagsasanay para maging mahusay siya. Hindi siya ipinanganak na atleta. Kapag ipinanganak ang isang sanggol, hindi pa niya alam kung paano niya gagamitin ang mga kamay at paa niya. Pero sa paglipas ng panahon, natututo na siyang humawak at lumakad. Kapag sinanay, puwede siyang maging atleta. Kailangan din ng panahon at pagsasanay para maging may-gulang na Kristiyano tayo.
13. Ano ang tutulong sa atin na matularan ang pananaw ni Jehova?
13 Sa aklat na ito, pinag-aralan natin kung paano natin matutularan ang pag-iisip ni Jehova at ang pananaw niya sa mga bagay-bagay. Natutuhan nating pahalagahan at mahalin ang pamantayan ni Jehova. Kapag nagdedesisyon, tinatanong natin ang sarili natin: ‘Anong mga batas o prinsipyo sa Bibliya ang makakatulong sa sitwasyong ito? Paano ko masusunod ang mga ito? Ano kaya ang gusto ni Jehova na gawin ko?’—Basahin ang Kawikaan 3:5, 6; Santiago 1:5.
14. Ano ang kailangan nating gawin para tumibay ang pananampalataya natin?
14 Kailangang patuloy nating patibayin ang pananampalataya natin kay Jehova. Kung nagiging malakas ang katawan natin kapag kumakain tayo ng masustansiyang pagkain, nagiging matibay naman ang pananampalataya natin kapag nag-aaral tayo tungkol kay Jehova. Nang mag-aral tayo ng Bibliya, natutuhan natin ang pangunahing Kawikaan 4:5-7; 1 Pedro 2:2.
mga katotohanan tungkol kay Jehova at sa mga daan niya. Pero sa paglipas ng panahon, kailangan nating maintindihan ang mas malalalim na bagay. Iyan ang ibig sabihin ni Pablo nang sabihin niya: “Ang matigas na pagkain ay para sa mga maygulang.” Kapag isinasabuhay natin ang natututuhan natin, nagiging marunong tayo. Sinasabi ng Bibliya: “Karunungan ang pinakamahalagang bagay.”—15. Bakit mahalaga na talagang mahal natin si Jehova at ang mga kapatid?
15 Kahit malakas at malusog ang isang tao, kailangan pa rin niyang ingatan ang sarili niya para manatiling ganoon. Alam din ng isang maygulang na kailangan niyang panatilihing matibay ang kaugnayan niya kay Jehova. Sinabi ni Pablo: “Patuloy na subukin kung kayo ay nasa pananampalataya; patuloy na patunayan kung ano nga kayo.” (2 Corinto 13:5) Pero hindi lang matibay na pananampalataya ang kailangan. Dapat ding patuloy na lumalim ang pag-ibig natin kay Jehova at sa mga kapatid. Sinabi ni Pablo: “Kung [nasa] akin ang lahat ng kaalaman, at sa laki ng pananampalataya ko ay makapaglilipat ako ng mga bundok, pero wala akong pag-ibig, wala pa rin akong kabuluhan.”—1 Corinto 13:1-3.
MAGPOKUS SA PAG-ASA MO
16. Ano ang gusto ni Satanas na isipin natin?
16 Gusto ni Satanas na isipin nating hinding-hindi natin mapapasaya si Jehova. Gusto niyang masiraan tayo ng loob at isiping wala nang solusyon sa mga problema natin. Ayaw niyang magtiwala tayo sa mga kapatid, at ayaw niyang maging masaya tayo. (Efeso 2:2) Alam ni Satanas na kapag naging negatibo tayo, maaapektuhan tayo at ang kaugnayan natin sa Diyos. Pero para malabanan ang negatibong kaisipan, may ibinigay si Jehova sa atin—ang pag-asa.
17. Gaano kahalaga ang pag-asa?
17 Sa 1 Tesalonica 5:8, ikinukumpara ng Bibliya ang pag-asa sa helmet na pumoprotekta sa ulo ng isang sundalo sa labanan. Sinasabi roon na gaya ng helmet na iyon ang “pag-asa nating maligtas.” Kapag umaasa tayo sa mga pangako ni Jehova, mapoprotektahan nito ang isip natin para hindi tayo makapag-isip ng negatibo.
18, 19. Paano napatibay si Jesus ng pag-asa?
18 Napatibay si Jesus ng pag-asa niya. Noong huling gabi niya sa lupa, napaharap siya sa sunod-sunod na mahihirap na sitwasyon. Tinraidor siya ng isang malapít na kaibigan. Itinanggi naman siya ng isa pa. Iniwan siya ng iba at tumakas. Inusig siya ng mga kababayan niya at hiniling na pahirapan siya hanggang mamatay. Ano ang nakatulong sa kaniya na matiis ang lahat ng ito? “Dahil Hebreo 12:2.
sa kagalakang inilagay sa harap niya ay tiniis niya ang pahirapang tulos at binale-wala ang kahihiyan, at umupo siya sa kanan ng trono ng Diyos.”—19 Alam ni Jesus na kapag nanatili siyang tapat, mapaparangalan niya ang kaniyang Ama at mapapatunayang sinungaling si Satanas. Napakasaya niya dahil sa pag-asang ito. Alam din niya na malapit na niyang makasama ulit ang kaniyang Ama sa langit. Nakapagtiis siya dahil sa pag-asang ito. Gaya ni Jesus, dapat din tayong magpokus sa pag-asa natin para makapagtiis tayo anuman ang mangyari.
20. Ano ang makakatulong sa iyo na maging positibo?
20 Nakikita ni Jehova ang pananampalataya at pagtitiis mo. (Isaias 30:18; basahin ang Malakias 3:10.) Nangangako siyang “ibibigay niya sa iyo ang mga kahilingan ng puso mo.” (Awit 37:4) Kaya panatilihing nakapokus ang isip mo sa pag-asa. Gusto ni Satanas na mawalan ka ng pag-asa at maramdaman mong hindi na mangyayari ang mga pangako ni Jehova. Pero hindi ka dapat magpadala sa negatibong kaisipan! Kung napapansin mong lumalabo na ang pag-asa mo, humingi ng tulong kay Jehova. Tandaan ang sinasabi sa Filipos 4:6, 7: “Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay; sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ang magbabantay sa inyong puso at isip sa pamamagitan ni Kristo Jesus.”
21, 22. (a) Ano ang layunin ni Jehova para sa lupa? (b) Ano ang determinado mong gawin?
21 Laging bulay-bulayin ang napakagandang kinabukasan natin. Malapit nang sambahin ng lahat ng nabubuhay si Jehova. (Apocalipsis 7:9, 14) Isipin na lang ang buhay sa bagong sanlibutan. Magiging mas maganda pa ito kaysa sa maiisip natin! Mawawala na si Satanas, ang mga demonyo, at ang lahat ng kasamaan. Hindi ka na magkakasakit at mamamatay. Sa halip, gigising ka bawat araw na malakas at masaya. Magtutulungan ang lahat para gawing paraiso ang lupa. Magkakaroon ang lahat ng masasarap na pagkain at ligtas na tirahan. Hindi na magiging malupit o marahas ang mga tao kundi magiging mabait sila sa isa’t isa. Darating ang panahon, lahat ng tao ay masisiyahan sa “maluwalhating kalayaan bilang mga anak ng Diyos.”—Roma 8:21.
22 Gusto ni Jehova na maging pinakamalapít na Kaibigan mo siya. Kaya gawin ang buong makakaya mo para sundin si Jehova at mas mapalapít sa kaniya araw-araw. Oo, manatili nawa tayo sa pag-ibig ng Diyos magpakailanman!—Judas 21.