TANONG 5
Ano ang Gagawin Ko Kapag Binu-bully Ako sa School?
ANO ANG GAGAWIN MO?
Pag-isipan ang senaryong ito: Ayaw pumasok ni Thomas sa school ngayon, bukas, o kahit kailan. Nagsimula ito tatlong buwan na ang nakararaan nang kumalat ang masasamang kuwento tungkol sa kaniya mula sa mga kaeskuwela niya. Kung ano-ano ang ibinansag sa kaniya. Kung minsan, may tumatabig sa mga dala niyang libro at pinalalabas na hindi iyon sinasadya, o may tutulak sa kaniya, at paglingon ni Thomas, hindi na niya alam kung sino ang gumawa niyaon. Kahapon, mas grabeng pambu-bully ang dinanas ni Thomas nang pagbantaan siya sa social media . . .
Kung ikaw si Thomas, ano ang gagawin mo?
MAG-ISIP MUNA!
May magagawa ka! Ang totoo, puwede mong labanan ang bully nang hindi nakikipag-away. Paano?
-
Kawikaan 29:11, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Kung mananatili kang kalmado—kahit sa panlabas lang—baka tigilan ka na ng mga nambu-bully sa iyo.
HUWAG MAG-REACT. Ang sabi ng Bibliya: “Ibinubuhos ng mangmang ang labis niyang pagkagalit, ngunit ang sarili’y napipigil ng taong matuwid.” ( -
HUWAG GUMANTI. Ang sabi ng Bibliya: “Huwag gumanti kaninuman ng masama.” (Roma 12:17) Kapag gumanti ka, lalo lang lalalâ ang sitwasyon.
-
HUWAG LUMAPIT SA MGA BULLY. Ang sabi ng Bibliya: “Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli.” (Kawikaan 22:3) Hangga’t posible, iwasan ang mga bully at ang mga sitwasyon na puwede kang ma-bully.
-
SUMAGOT SA PARAANG DI-INAASAHAN NG NAMBU-BULLY. Ang sabi ng Bibliya: “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit.” (Kawikaan 15:1) Puwede ka pa ngang magpatawa. Halimbawa, kung inaasar ka ng isang bully at sinasabing mataba ka, bale-walain mo na lang at sabihin, “Oo nga, magpapayat na ako!”
-
UMALIS. “Ang pagtahimik ay nagpapakitang mature ka at na mas matatag ka kaysa sa nang-iinis sa iyo,” ang sabi ng 19-anyos na si Nora. “Ibig sabihin, may pagpipigil ka sa sarili—isang bagay na wala sa nambu-bully.”—2 Timoteo 2:24.
-
MAGKAROON NG KUMPIYANSA SA SARILI. Nahahalata ng bully kung sino ang may mababang tingin sa sarili at hindi lumalaban. Pero umuurong ang mga bully kapag nakita nilang hindi ka magpapatalo sa kanila.
-
MAGSUMBONG. Ang sabi ng isang dating titser: “Pinapayuhan ko ang sinumang binu-bully na magsumbong. Iyon ang tamang gawin, at makakatulong iyon para hindi na ma-bully ang iba.”