Awit ni Solomon 4:1-16
4 “Narito! Maganda ka,+ O kaibigan kong babae. Narito! Maganda ka. Ang iyong mga mata ay gaya niyaong sa mga kalapati,+ sa loob ng iyong talukbong.+ Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing+ na lumulusong mula sa bulubunduking pook ng Gilead.+
2 Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng mga tupang babae+ na bagong gupit na umahon mula sa paliligo, na lahat ay may mga anak na kambal, na sa kanila ay walang sinumang nawawalan ng kaniyang mga anak.
3 Ang iyong mga labi ay parang sinulid na iskarlata, at ang iyong pagsasalita ay kaayaaya.+ Gaya ng isang putol ng granada ang iyong mga pilipisan sa loob ng iyong talukbong.+
4 Ang iyong leeg+ ay gaya ng tore+ ni David, na itinayo sa patung-patong na mga bato, na kinasasabitan ng isang libong kalasag, ng lahat ng bilog na kalasag+ ng makapangyarihang mga lalaki.
5 Ang iyong dalawang suso+ ay gaya ng dalawang anak, ang kambal ng babaing gasela, na nanginginain sa gitna ng mga liryo.”+
6 “Hanggang sa humihip ang araw+ at tumakas ang mga anino, ako ay paroroon sa bundok ng mira at sa burol ng olibano.”+
7 “Lubos kang maganda,+ O kaibigan kong babae, at walang kapintasan sa iyo.+
8 Sumama ka sa akin mula sa Lebanon, O kasintahang babae,+ na kasama ko mula sa Lebanon.+ Bumaba ka mula sa taluktok ng Anti-Lebanon, mula sa taluktok ng Senir,+ na siyang Hermon,+ mula sa mga tirahan ng mga leon, mula sa mga bundok ng mga leopardo.
9 Pinatibok mo ang aking puso, O kapatid ko,+ kasintahan kong babae,+ pinatibok mo ang aking puso sa pamamagitan ng isa sa iyong mga mata,+ sa pamamagitan ng isang palawit ng iyong kuwintas.
10 Anong ganda ng iyong mga kapahayagan ng pagmamahal,+ O kapatid ko, kasintahan kong babae! Higit ngang mabuti ang iyong mga kapahayagan ng pagmamahal kaysa sa alak at ang bango ng iyong mga langis kaysa sa lahat ng uri ng pabango!+
11 Pulot ng bahay-pukyutan ang tumutulo mula sa iyong mga labi,+ O kasintahan kong babae. Pulot-pukyutan+ at gatas ang nasa ilalim ng iyong dila, at ang bango ng iyong mga kasuutan ay gaya ng bango+ ng Lebanon.
12 Isang hardin na nababakuran ang kapatid ko,+ ang kasintahan kong babae, isang hardin na nababakuran, isang bukal na natatakpan.
13 Ang iyong balat ay isang paraiso ng mga granada, na may pinakapiling mga bunga,+ mga halamang henna kasama ng mga halamang nardo;+
14 nardo+ at safron,+ kania+ at kanela,+ kasama ng lahat ng uri ng punungkahoy na olibano, mira at aloe,+ kasama ng lahat ng pinakamaiinam na pabango;+
15 at isang bukal ng mga hardin, isang balon ng sariwang tubig,+ at mga umaagos na batis mula sa Lebanon.+
16 Gumising ka, O hanging hilaga, at pumasok ka, O hanging timugan.+ Humihip kayo sa aking hardin.+ Hayaang tumulo ang mga pabango nito.”
“Hayaang pumasok ang mahal ko sa kaniyang hardin at kumain ng pinakapiling mga bunga nito.”