Judas 1:1-25

 Si Judas, isang alipin ni Jesu-Kristo, ngunit kapatid ni Santiago,+ sa mga tinawag+ na iniibig may kaugnayan sa Diyos na Ama+ at iniingatan+ para kay Jesu-Kristo:  Lumago nawa sa inyo+ ang awa+ at kapayapaan+ at pag-ibig.+  Mga minamahal,+ bagaman ginawa ko ang bawat pagsisikap na sulatan kayo tungkol sa kaligtasan na pinanghahawakan nating lahat,+ nasumpungan kong kinakailangang sulatan kayo upang payuhan kayo na puspusang makipaglaban ukol sa pananampalataya+ na minsanang ibinigay sa mga banal.+  Ang dahilan ko ay sapagkat may mga taong nakapuslit sa loob+ na matagal nang itinalaga+ ng Kasulatan sa hatol na ito,+ mga taong di-makadiyos,+ na ginagawang dahilan ang di-sana-nararapat na kabaitan ng ating Diyos para sa mahalay na paggawi+ at nagbubulaan+ sa ating tanging May-ari+ at Panginoon,+ si Jesu-Kristo.  Nais kong paalalahanan kayo, sa kabila ng inyong pagkaalam sa lahat ng mga bagay+ nang minsanan, na bagaman iniligtas ni Jehova ang isang bayan mula sa lupain ng Ehipto,+ pagkatapos naman ay pinuksa niya yaong mga hindi nagpakita ng pananampalataya.+  At ang mga anghel na hindi nag-ingat ng kanilang orihinal na kalagayan kundi nag-iwan ng kanilang sariling wastong tahanang dako+ ay kaniyang itinaan sa mga gapos na walang hanggan+ sa ilalim ng pusikit na kadiliman ukol sa paghuhukom sa dakilang araw.+  Gayundin ang Sodoma at Gomorra at ang mga lunsod sa palibot nila,+ pagkatapos na sila sa katulad na paraan gaya ng mga nauna ay makiapid nang labis-labis at sumunod sa laman sa di-likas na paggamit,+ ay nakalagay sa harap natin bilang isang babalang halimbawa+ sa pagdanas ng parusang hatol na walang-hanggang apoy.+  Gayunman, sa katulad na paraan, ang mga taong ito rin naman, na mahilig managinip,+ ay nagpaparungis sa laman at nagwawalang-halaga sa pagkapanginoon+ at nagsasalita nang may pang-aabuso tungkol sa mga maluwalhati.+  Ngunit nang si Miguel+ na arkanghel+ ay magkaroon ng pakikipaghidwaan+ sa Diyablo at makipagtalo tungkol sa katawan ni Moises,+ hindi siya nangahas na magpataw ng hatol laban sa kaniya sa mapang-abusong mga salita,+ kundi nagsabi: “Sawayin ka nawa ni Jehova.”+ 10  Gayunman ang mga taong ito ay nagsasalita nang may pang-aabuso tungkol sa lahat ng mga bagay na talagang hindi nila alam;+ ngunit ang lahat ng mga bagay na likas nilang nauunawaan tulad ng walang-katuwirang mga hayop,+ sa mga bagay na ito ay patuloy nilang pinasasamâ+ ang kanilang sarili. 11  Sa aba nila, sapagkat sila ay lumakad sa landas ni Cain,+ at sumugod sa maling landasin ni Balaam+ dahil sa gantimpala, at nalipol sa mapaghimagsik na salita+ ni Kora!+ 12  Ito ang mga batong nakatago sa ilalim ng tubig sa inyong mga piging+ ng pag-ibig habang sila ay nakikipagpiging sa inyo, mga pastol na walang-takot na pinakakain ang kanilang sarili;+ mga ulap na walang tubig na ipinapadpad+ nang paroo’t parito ng hangin;+ mga punungkahoy sa pagtatapos ng taglagas, ngunit walang bunga, na namatay nang makalawang ulit, na binunot;+ 13  nagngangalit na mga alon sa dagat na nagpapaalimbukay ng kanilang sariling mga sanhi ng kahihiyan;+ mga bituin na walang takdang landasin, na sa mga ito ay nananatiling nakataan magpakailanman ang kaitiman ng kadiliman.+ 14  Oo, ang ikapito sa linya mula kay Adan, si Enoc,+ ay nanghula rin may kinalaman sa kanila, nang sabihin niya: “Narito! Si Jehova ay dumating na kasama ang kaniyang laksa-laksang banal,+ 15  upang maglapat ng hatol laban sa lahat,+ at upang hatulan ang lahat ng di-makadiyos may kinalaman sa lahat ng kanilang di-makadiyos na mga gawa na kanilang ginawa sa di-makadiyos na paraan, at may kinalaman sa lahat ng nakapangingilabot na mga bagay na sinalita ng di-makadiyos na mga makasalanan laban sa kaniya.”+ 16  Ang mga taong ito ay mga mapagbulong,+ mga reklamador tungkol sa kanilang kalagayan sa buhay, lumalakad ayon sa kanilang sariling mga pagnanasa,+ at ang kanilang mga bibig ay nagsasalita ng mapagmalaking mga bagay,+ habang sila ay humahanga sa mga personalidad+ alang-alang sa kanilang sariling kapakinabangan. 17  Kung tungkol sa inyo, mga minamahal, alalahanin ninyo ang mga pananalita na sinalita na noong una ng mga apostol ng ating Panginoong Jesu-Kristo,+ 18  kung paanong sinasabi nila noon sa inyo: “Sa huling panahon ay magkakaroon ng mga manunuya, na lumalakad ayon sa kanilang sariling mga pagnanasa sa di-makadiyos na mga bagay.”+ 19  Ito ang mga gumagawa ng mga paghihiwalay,+ mga taong makahayop,+ na walang espirituwalidad.+ 20  Ngunit kayo, mga minamahal, sa pamamagitan ng pagpapatibay ng inyong sarili+ sa inyong kabanal-banalang pananampalataya,+ at pananalangin taglay ang banal na espiritu,+ 21  panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos,+ habang hinihintay ninyo ang awa+ ng ating Panginoong Jesu-Kristo tungo sa buhay na walang hanggan.+ 22  Gayundin, patuloy na magpakita ng awa+ sa ilan na may mga pag-aalinlangan;+ 23  iligtas ninyo sila+ sa pamamagitan ng pag-agaw sa kanila mula sa apoy.+ Ngunit patuloy na magpakita ng awa sa iba, na ginagawa iyon nang may takot, habang kinapopootan ninyo maging ang panloob na kasuutan na narumhan ng laman.+ 24  Ngayon sa isa na may kakayahang magbantay+ sa inyo mula sa pagkakatisod at magharap sa inyo nang walang dungis+ sa paningin ng kaniyang kaluwalhatian na may malaking kagalakan, 25  sa tanging Diyos na ating Tagapagligtas+ sa pamamagitan ni Jesu-Kristo+ na ating Panginoon, sumakaniya nawa ang kaluwalhatian,+ karingalan, kalakasan+ at awtoridad+ sa buong walang-hanggang nagdaan+ at ngayon at sa buong walang-hanggan.+ Amen.+

Talababa