Unang Cronica 10:1-14

10  Ang mga Filisteo ngayon ay nakikipagdigma sa Israel. At tumakas ang mga mandirigmang Israelita mula sa mga Filisteo, at marami ang namatay sa Bundok Gilboa.+ 2  Pinuntirya ng mga Filisteo si Saul at ang mga anak niya, at napatay ng mga Filisteo sina Jonatan, Abinadab, at Malki-sua,+ na mga anak ni Saul. 3  Napasabak si Saul sa matinding labanan, at nakita siya ng mga mamamanà, at nasugatan siya ng mga ito.+ 4  Kaya sinabi ni Saul sa tagapagdala niya ng sandata: “Hugutin mo ang espada mo at saksakin mo ako, para hindi ako mapahirapan ng mga di-tuling lalaking iyon.”+ Pero ayaw itong gawin ng tagapagdala niya ng sandata, dahil takot na takot ito. Kaya kinuha ni Saul ang espada at sinaksak ang sarili.+ 5  Nang makita ng tagapagdala ng sandata na patay na si Saul, sinaksak din nito ang sarili gamit ang sariling espada at namatay. 6  Kaya namatay si Saul at ang tatlo niyang anak na lalaki, at ang lahat sa sambahayan niya ay pare-parehong namatay.+ 7  Nang malaman ng lahat ng Israelitang nasa lambak* na tumakas na ang lahat at si Saul at ang mga anak niya ay patay na, iniwan nila ang mga lunsod nila at tumakas; pagkatapos, dumating ang mga Filisteo at nanirahan doon. 8  Kinabukasan, nang dumating ang mga Filisteo para hubaran ang mga napatay, nakita nila sa Bundok Gilboa ang bangkay ni Saul at ng mga anak nito.+ 9  Hinubaran nila si Saul, pinugutan ng ulo, at kinuha ang kasuotang pandigma nito, at nagpadala sila ng mensahe sa buong lupain ng mga Filisteo para ibalita sa mga idolo nila+ at sa mga tao ang nangyari. 10  Pagkatapos, inilagay nila ang kaniyang kasuotang pandigma sa bahay* ng diyos nila at ibinitin ang bungo niya sa bahay ni Dagon.+ 11  Nang mabalitaan ng lahat ng nasa Jabes+ sa Gilead ang lahat ng ginawa ng mga Filisteo kay Saul,+ 12  kumilos ang lahat ng mandirigma at kinuha ang bangkay ni Saul at ang mga bangkay ng mga anak nito. Dinala nila ang mga iyon sa Jabes at inilibing ang mga buto ng mga ito sa ilalim ng malaking puno sa Jabes,+ at nag-ayuno* sila nang pitong araw. 13  Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat kay Jehova; hindi siya sumunod sa utos ni Jehova+ at sumangguni siya sa isang espiritista+ 14  sa halip na kay Jehova. Kaya pinatay niya si Saul at ibinigay ang paghahari kay David na anak ni Jesse.+

Talababa

O “mababang kapatagan.”
O “templo.”
Tingnan sa Glosari, “Pag-aayuno.”

Study Notes

Media