Unang Cronica 27:1-34
27 Ito ang bilang ng mga Israelita, ang mga ulo ng mga angkan, ang mga pinuno ng libo-libo at ng daan-daan,+ at ang mga opisyal nila na naglilingkod sa hari+ may kaugnayan sa mga pangkat nila na naghahalinhinan* bawat buwan sa buong taon; may 24,000 sa bawat pangkat.
2 Ang namamahala sa unang pangkat para sa unang buwan ay si Jasobeam+ na anak ni Zabdiel, at 24,000 ang nasa pangkat niya.
3 Sa mga inapo ni Perez,+ siya ang ulo ng lahat ng pinuno ng mga grupo na inatasang maglingkod sa unang buwan.
4 Ang namamahala sa pangkat para sa ikalawang buwan ay si Dodai+ na Ahohita,+ at si Miklot ang lider, at 24,000 ang nasa pangkat niya.
5 Ang pinuno ng ikatlong grupo na inatasang maglingkod para sa ikatlong buwan ay si Benaias+ na anak ni Jehoiada+ na punong saserdote, at 24,000 ang nasa pangkat niya.
6 Ang Benaias na ito ay isang malakas na mandirigma mula sa tatlumpu at pinuno ng tatlumpu, at ang namamahala sa pangkat niya ay ang anak niyang si Amizabad.
7 Ang ikaapat para sa ikaapat na buwan ay si Asahel,+ na kapatid ni Joab,+ at ang anak niyang si Zebadias ang sumunod sa kaniya, at 24,000 ang nasa pangkat niya.
8 Ang ikalimang pinuno para sa ikalimang buwan ay si Samhut na Izrahita, at 24,000 ang nasa pangkat niya.
9 Ang ikaanim para sa ikaanim na buwan ay si Ira+ na anak ni Ikes na Tekoita,+ at 24,000 ang nasa pangkat niya.
10 Ang ikapito para sa ikapitong buwan ay si Helez+ na Pelonita ng mga Efraimita, at 24,000 ang nasa pangkat niya.
11 Ang ikawalo para sa ikawalong buwan ay si Sibecai+ na Husatita ng mga Zerahita,+ at 24,000 ang nasa pangkat niya.
12 Ang ikasiyam para sa ikasiyam na buwan ay si Abi-ezer+ na Anatotita+ ng mga Benjaminita, at 24,000 ang nasa pangkat niya.
13 Ang ika-10 para sa ika-10 buwan ay si Maharai+ na Netopatita ng mga Zerahita,+ at 24,000 ang nasa pangkat niya.
14 Ang ika-11 para sa ika-11 buwan ay si Benaias+ na Piratonita ng mga Efraimita, at 24,000 ang nasa pangkat niya.
15 Ang ika-12 para sa ika-12 buwan ay si Heldai na Netopatita, inapo ni Otniel, at 24,000 ang nasa pangkat niya.
16 Ito ang mga pinuno ng mga tribo ng Israel: Sa mga Rubenita, si Eliezer na anak ni Zicri; sa mga Simeonita, si Sepatias na anak ni Maaca;
17 sa mga Levita, si Hasabias na anak ni Kemuel; sa mga inapo ni Aaron, si Zadok;
18 sa Juda, si Elihu,+ na isa sa mga kapatid ni David; sa Isacar, si Omri na anak ni Miguel;
19 sa Zebulon, si Ismaias na anak ni Obadias; sa Neptali, si Jerimot na anak ni Azriel;
20 sa mga Efraimita, si Hosea na anak ni Azazias; sa kalahati ng tribo ni Manases, si Joel na anak ni Pedaias;
21 sa kalahati ng tribo ni Manases sa Gilead, si Ido na anak ni Zacarias; sa Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner;+
22 sa Dan, si Azarel na anak ni Jeroham. Ito ang matataas na opisyal ng mga tribo ng Israel.
23 Hindi binilang ni David ang mga 20 taóng gulang pababa, dahil nangako si Jehova na pararamihin niya ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit.+
24 Sinimulan ni Joab na anak ni Zeruias ang pagbilang, pero hindi niya tinapos; at nagalit ang Diyos sa Israel dahil dito,+ at ang bilang ay hindi itinala sa ulat ng kasaysayan ni Haring David.
25 Ang namamahala sa mga kabang-yaman ng hari+ ay si Azmavet na anak ni Adiel. Si Jonatan na anak ni Uzias ang namamahala sa mga imbakan* sa mga bukid, lunsod, nayon, at tore.
26 Ang namamahala sa mga magsasaka ay si Ezri na anak ni Kelub.
27 Si Simei na Ramatita ang namamahala sa mga ubasan; ang namamahala sa ani ng mga ubasan para sa suplay ng alak ay si Zabdi na Sipmita.
28 Ang namamahala sa mga taniman ng olibo at sa mga puno ng sikomoro+ sa Sepela+ ay si Baal-hanan na Gederita; si Joas ang namamahala sa suplay ng langis.
29 Ang namamahala sa mga kawan na nanginginain sa Saron+ ay si Sitrai na Saronita, at si Sapat na anak ni Adlai ang namamahala sa mga kawan sa lambak.*
30 Ang namamahala sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita; ang namamahala sa mga asno* ay si Jedeias na Meronotita.
31 Ang namamahala sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita. Ang lahat ng ito ang namamahala sa mga pag-aari ni Haring David.
32 Si Jonatan,+ na pamangkin ni David, ay isang tagapayo, isang lalaking may kaunawaan at isang kalihim, at si Jehiel na anak ni Hacmoni ang nag-aasikaso sa mga anak ng hari.+
33 Si Ahitopel+ ay tagapayo ng hari, at si Husai+ na Arkita ay kaibigan* ng hari.
34 Ang pumalit kay Ahitopel ay si Jehoiada na anak ni Benaias+ at si Abiatar;+ at si Joab+ ang pinuno ng hukbo ng hari.
Talababa
^ Lit., “na pumapasok at lumalabas.”
^ O “kabang-yaman.”
^ O “mababang kapatagan.”
^ Lit., “asnong babae.”
^ O “napagsasabihan ng niloloob.”