Amos 4:1-13

4  “Pakinggan ninyo ang salitang ito, kayong mga baka ng Basan,Na nasa bundok ng Samaria,+Kayong mga babae na nandaraya sa mga hamak+ at nang-aapi sa mahihirapAt nagsasabi sa inyong mga asawa,* ‘Bigyan ninyo kami ng maiinom!’  2  Ipinanumpa ng Kataas-taasang Panginoong Jehova ang kabanalan niya,‘“Darating ang panahon na ibibitin niya kayo sa mga pangawit ng mataderoAt ang iba pa sa inyo ay sa mga kawil.  3  Bawat isa sa inyo ay deretsong lalabas sa mga butas sa pader;At itatapon kayo sa Harmon,” ang sabi ni Jehova.’  4  ‘Pumunta kayo sa Bethel at gumawa ng kasalanan,*+Sa Gilgal at gumawa ng mas marami pang kasalanan!+ Dalhin ninyo ang inyong mga hain+ sa umaga,At ang inyong ikapu*+ sa ikatlong araw.  5  Magsunog kayo ng tinapay na may pampaalsa bilang hain ng pasasalamat;+Ipagsigawan ninyo na mayroon kayong kusang-loob na mga handog! Dahil iyan ang gustong-gusto ninyong gawin, O bayang Israel,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.  6  ‘Ginawa kong malinis ang mga ngipin ninyo* sa lahat ng inyong lunsod,At nagpasapit ako ng kakapusan sa tinapay sa lahat ng inyong bahay;+Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.  7  ‘Pinagkaitan ko rin kayo ng ulan tatlong buwan bago ang pag-aani;+Nagpaulan ako sa isang lunsod pero hindi sa isa pang lunsod. Umuulan sa isang lupain,Pero ang isa pang lupain na hindi nauulanan ay natutuyo.  8  Ang mga tao sa dalawa o tatlong lunsod ay sumuray-suray papunta sa isang lunsod para uminom ng tubig,+At hindi sapat ang nakukuha nila;Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.  9  ‘Nagpasapit ako sa inyo ng matinding init at ng amag.+ Nagparami kayo ng hardin at ubasan,Pero nilamon ng mga balang ang inyong mga puno ng igos at olibo;+At hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova. 10  ‘Nagpadala ako sa inyo ng salot na kagaya ng sa Ehipto.+ Sa pamamagitan ng espada ay pinatay ko ang inyong mga kabataang lalaki+ at kinuha ko ang inyong mga kabayo.+ Pinaabot ko sa mga butas ng ilong ninyo ang baho ng inyong mga kampo;+Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’ ang sabi ni Jehova. 11  ‘Pinabagsak ko ang inyong lupain,Gaya ng pagpapabagsak ng Diyos sa Sodoma at Gomorra.+ At naging gaya kayo ng isang kahoy na inagaw sa apoy;Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova. 12  Kaya iyan ang gagawin ko sa iyo, O Israel. Dahil ito ang gagawin ko sa iyo,Humanda kang harapin ang iyong Diyos, O Israel. 13  Dahil siya ang gumawa sa mga bundok+ at lumalang* sa hangin;+Sinasabi niya sa tao ang iniisip Niya,Ginagawa niyang kadiliman ang bukang-liwayway,+At tinatapakan niya ang matataas na lugar sa lupa;+Jehova na Diyos ng mga hukbo ang pangalan niya.”

Talababa

O “panginoon.”
O “at magrebelde.”
O “ikasampung bahagi.”
O “Hindi ko kayo binigyan ng pagkain.”
O “lumikha.”

Study Notes

Media