Ang Awit ni Solomon 8:1-14

8  “Kung gaya ka lang sana ng kapatid ko,Na sumuso sa dibdib ng aking ina, Mahahalikan kita+ kapag nakita kita sa labas,At walang kukutya sa akin.  2  Isasama kita;Dadalhin kita sa bahay ng aking ina+Na nagturo sa akin. Paiinumin kita ng tinimplahang alak,Ng sariwang katas ng mga granada.*  3  Hahaplusin ng kaliwang kamay niya ang ulo ko,At yayakap sa akin ang kanang kamay niya.+  4  Sumumpa kayo, O mga anak na babae ng Jerusalem: Huwag ninyong gisingin sa akin ang pag-ibig na hindi ko nararamdaman.”+  5  “Sino ang babaeng ito na paparating mula sa ilang,Na nakahilig sa kaniyang sinta?” “Ginising kita sa ilalim ng puno ng mansanas. Doon humilab ang tiyan ng iyong ina; Doon nahirapan sa panganganak ang nagsilang sa iyo.  6  Itatak mo ako* sa iyong pusoAt sa iyong bisig,Dahil ang pag-ibig ay sinlakas ng kamatayan,+At ang bukod-tanging debosyon ay hindi nagpapadaig gaya ng Libingan.* Ang mga lagablab nito ay lagablab ng apoy, ang liyab ni Jah.*+  7  Ang pag-ibig ay hindi mapapatay ng dumadaluyong na tubig+O matatangay man ng mga ilog.+ Kung iaalok ng isang lalaki ang lahat ng kayamanan sa bahay niya para ibigin siya,Hahamakin ito* ng mga tao.”  8  “Mayroon tayong nakababatang kapatid na babae,+At wala pa siyang dibdib.* Ano ang gagawin natin sa kaniyaKapag may gusto nang kumuha sa kaniya bilang asawa?”  9  “Kung isa siyang pader,Papalibutan natin ng pilak ang tuktok niya,Pero kung isa siyang pinto,Haharangan natin siya ng tablang sedro.” 10  “Isa akong pader,At ang dibdib ko ay gaya ng mga tore. Kaya ang tingin niya sa akinAy isang babaeng panatag. 11  May ubasan si Solomon+ sa Baal-hamon. Ipinagkatiwala niya ang ubasan sa mga tagapag-alaga. Bawat isa ay nagbibigay ng isang libong pirasong pilak para sa mga bunga nito. 12  May sarili akong ubasan, at akin lang iyon. Kaya sa iyo na ang sanlibong pirasong pilak,* O Solomon,At ang dalawang daan ay sa mga nag-aalaga sa mga bunga nito.” 13  “O ikaw na nakatira sa mga hardin,+Gustong marinig ng mga kasamahan ko* ang tinig mo. Iparinig mo iyon sa akin.”+ 14  “Magmadali ka, sinta ko,At maging kasimbilis ka ng gasela+O ng batang lalaking usaSa mga bundok ng mababangong halaman.”

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “Ilagay mo ako bilang tatak.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O posibleng “siya.”
O “mga suso.”
Lit., “ang sanlibo.”
O posibleng “mo.”

Study Notes

Media