Mga Awit 102:1-28
Panalangin ng nagdurusa noong pinanghihinaan siya ng loob* at nagsasabi kay Jehova ng ikinababahala niya.+
102 O Jehova, dinggin mo ang panalangin ko;+Makarating nawa sa iyo ang paghingi ko ng tulong.+
2 Huwag mong itago sa akin ang iyong mukha sa panahon ng paghihirap ko.+
Pakinggan mo ako;*Sagutin mo ako agad kapag tumawag ako.+
3 Dahil ang mga araw ko ay unti-unting naglalaho na parang usok,At ang mga buto ko ay parang nasusunog sa hurno.+
4 Ang puso ko ay parang damong natuyot sa init ng araw,+Dahil nakalimutan ko nang kumain.
5 Sa tindi ng pagdurusa ko,*+Naging buto’t balat ako.+
6 Katulad ako ng pelikano sa ilang;Para akong maliit na kuwago sa mga guho.
7 Nakahiga ako pero gisíng;*Para akong ibong nag-iisa sa bubong.+
8 Buong araw akong hinahamak ng mga kaaway ko.+
Ang pangalan ko ay ginagamit sa pagsumpa ng mga nanunuya sa akin.*
9 Dahil kinakain ko ang abo na parang tinapay,+At ang iniinom ko ay may kasamang luha,+
10 Dahil sa iyong galit at poot,Dahil binuhat mo ako para lang itapon.
11 Ang mga araw ko ay tulad ng aninong naglalaho,*+At natutuyot ako na parang damo.+
12 Pero mananatili ka magpakailanman, O Jehova,+At mananatili ang katanyagan* mo sa lahat ng henerasyon.+
13 Tiyak na kikilos ka at magpapakita ng awa sa Sion,+Dahil panahon na para ipakita mo ang iyong kagandahang-loob sa kaniya;+Dumating na ang takdang panahon.+
14 Dahil ang mga lingkod mo ay nalulugod sa mga bato ng mga pader niya,+At mahalaga sa kanila kahit ang mga alabok niya.+
15 Matatakot ang mga bansa sa pangalan ni Jehova,At ang lahat ng hari sa lupa sa iyong kaluwalhatian.+
16 Dahil muling itatayo ni Jehova ang Sion;+Ipapakita niya ang kaluwalhatian niya.+
17 Pakikinggan niya ang panalangin ng mga naghihirap;+Hindi niya hahamakin ang panalangin nila.+
18 Isinulat ito para sa darating na henerasyon,+Para ang bayang isisilang* pa lang ay pumuri kay Jah.
19 Dahil dumudungaw siya mula sa kaniyang banal at mataas na kinaroroonan,+Mula sa langit ay tumitingin si Jehova sa lupa,
20 Para dinggin ang pagbubuntonghininga ng bilanggo,+Para palayain ang mga hinatulan ng kamatayan,+
21 Para maipahayag sa Sion ang pangalan ni Jehova+At purihin siya sa Jerusalem,
22 Kapag ang mga bayan at kaharianAy nagtitipon para maglingkod kay Jehova.+
23 Maaga niya akong inalisan ng lakas;Pinaikli niya ang mga araw ko.
24 Sinabi ko: “O Diyos ko,Huwag mong putulin ang buhay ko sa kalagitnaan nito,Ikaw na nananatiling buháy sa lahat ng henerasyon.+
25 Noong unang panahon, inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa,At ang langit ay gawa ng mga kamay mo.+
26 Maglalaho ang mga ito, pero ikaw ay mananatili;Gaya ng isang kasuotan, lahat ng ito ay maluluma.
Gaya ng damit, papalitan mo ang mga ito at mawawala na.
27 Pero ikaw ay hindi nagbabago, at hindi magwawakas ang mga taon mo.+
28 Ang mga anak ng mga lingkod mo ay mabubuhay nang panatag,At ang mga supling nila ay mananatili magpakailanman sa harap mo.”+
Talababa
^ O “noong nanghihina siya.”
^ O “Yumuko ka at makinig sa akin.”
^ O “Sa lakas ng pagdaing ko.”
^ O posibleng “Nangangayayat ako.”
^ O “mga taong ginagawa akong katatawanan.”
^ O “humahaba.”
^ O “pangalan.” Lit., “alaala.”
^ Lit., “lalalangin.”