Mga Awit 106:1-48
106 Purihin ninyo si Jah!*
Magpasalamat kayo kay Jehova, dahil siya ay mabuti;+Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+
2 Sino ang lubusang makapaghahayag ng makapangyarihang mga gawa ni JehovaO makapaghahayag ng lahat ng kaniyang kapuri-puring gawa?+
3 Maligaya ang mga makatarungan,Na laging ginagawa kung ano ang tama.+
4 Alalahanin mo ako, O Jehova, kapag nagpakita ka ng kabutihang-loob sa bayan mo.+
Pangalagaan mo ako at iligtas,
5 Para maranasan ko ang kabutihang ipinapakita mo sa iyong mga pinili,+Para makapagsaya ako kasama ng iyong bansa,Para maipagmalaki kita at mapuri kasama ng iyong mana.
6 Nagkasala kami gaya ng mga ninuno namin;+Nagkamali kami; gumawa kami ng masama.+
7 Hindi pinahalagahan* ng mga ninuno namin sa Ehipto ang kamangha-mangha mong mga gawa.
Hindi nila inalaala ang iyong saganang tapat na pag-ibig,Kundi naghimagsik sila sa dagat, sa tabi ng Dagat na Pula.+
8 Pero iniligtas niya sila alang-alang sa pangalan niya,+Para maipakita sa lahat ang kalakasan niya.+
9 Sinaway niya ang Dagat na Pula, at natuyo ito;Inakay niya sila sa kalaliman nito na parang naglalakad sa disyerto;*+
10 Iniligtas niya sila mula sa kamay ng mga kalaban nila+At binawi sila mula sa kamay ng kaaway.+
11 Natabunan ng tubig ang mga kalaban nila;Walang isa man sa mga ito ang nakaligtas.*+
12 Dahil dito ay nanampalataya sila sa pangako niya;+Umawit sila ng papuri sa kaniya.+
13 Pero nakalimutan nila agad ang ginawa niya;+Hindi nila hinintay ang payo niya.
14 Nagpadala sila sa kanilang makasariling mga pagnanasa sa ilang;+Sinubok nila ang Diyos sa disyerto.+
15 Ibinigay niya ang hiniling nila,Pero pagkatapos ay binigyan niya sila ng nakapanghihinang sakit.+
16 Nainggit sila kay Moises sa kampo,Pati kay Aaron,+ na banal na lingkod ni Jehova.+
17 At bumuka ang lupa at nilulon si DatanAt tinabunan ang mga sumama kay Abiram.+
18 Lumagablab ang apoy sa pangkat nilaAt tinupok ang masasama.+
19 Gumawa sila ng guya* sa HorebAt yumukod sa metal na estatuwa;+
20 Ipinagpalit nila ang kaluwalhatian koSa imahen ng torong kumakain ng damo.+
21 Kinalimutan nila ang Diyos+ na kanilang Tagapagligtas,Na gumawa ng dakilang mga bagay sa Ehipto,+
22 Kamangha-manghang mga gawa sa lupain ni Ham,+Kagila-gilalas na mga gawa sa Dagat na Pula.+
23 Iuutos na sana niyang lipulin sila,Pero si Moises na pinili niya ay nakiusap sa kaniya*Para pigilan ang mapamuksa niyang galit.+
24 At hinamak nila ang kanais-nais na lupain;+Hindi sila nanampalataya sa pangako niya.+
25 Patuloy silang nagbulong-bulungan sa mga tolda nila;+Hindi sila nakinig sa tinig ni Jehova.+
26 Kaya itinaas niya ang kamay niya para sumumpaNa ibubuwal niya sila sa ilang;+
27 Ibubuwal niya ang mga inapo nila sa gitna ng mga bansa,At pangangalatin niya sila sa mga lupain.+
28 At sumama sila sa pagsamba kay Baal ng Peor+At kumain ng mga inihandog sa mga patay.*
29 Ginalit nila Siya sa mga ginawa nila,+At sumapit sa kanila ang isang salot.+
30 Pero nang tumayo at mamagitan si Pinehas,Natigil ang salot.+
31 At itinuring siyang matuwid sa ginawa niyang iyonSa lahat ng henerasyon magpakailanman.+
32 Ginalit nila Siya sa tubig ng Meriba,*At napahamak si Moises dahil sa kanila.+
33 Inubos nila ang pasensiya niya,*At nagsalita siya nang padalos-dalos.+
34 Hindi nila nilipol ang mga bayan,+Gaya ng iniutos ni Jehova sa kanila.+
35 Sa halip, nakisalamuha sila sa mga bansa+At sumunod sa* kaugalian ng mga ito.+
36 Patuloy silang naglingkod sa mga idolo ng mga ito,+At ang mga iyon ay naging bitag sa kanila.+
37 Inihahandog nila ang mga anak nilang lalakiAt ang mga anak nilang babae sa mga demonyo.+
38 Patuloy silang nagpadanak ng dugo ng mga inosente,+Ng dugo ng sarili nilang mga anakNa inihandog nila sa mga idolo ng Canaan;+At ang lupain ay narumhan ng dugo.
39 Naging marumi sila dahil sa kanilang mga gawain;Nagtaksil sila sa Diyos* sa mga ginawa nila.+
40 Kaya ang galit ni Jehova ay lumagablab sa bayan niya,At kinasuklaman niya ang kaniyang mana.
41 Paulit-ulit niya silang ibinigay sa kamay ng mga bansa,+Para mapamunuan sila ng mga napopoot sa kanila.+
42 Pinahirapan sila ng mga kaaway nila,At napasailalim sila sa kapangyarihan* ng mga ito.
43 Maraming ulit niya silang iniligtas,+Pero nagrerebelde sila at sumusuway,+At nalalagay sila sa kahihiyan dahil sa kasalanan nila.+
44 Pero nakikita niya ang pagdurusa nila+At naririnig ang paghingi nila ng tulong.+
45 Alang-alang sa kanila ay inaalaala niya ang kaniyang tipan,At naaawa siya sa kanila dahil sa kaniyang masidhi* at tapat na pag-ibig.+
46 Inuudyukan niyang maawa sa kanilaAng lahat ng bumihag sa kanila.+
47 Iligtas mo kami, O Jehova na aming Diyos,+At tipunin mo kami mula sa mga bansa+Para makapagpasalamat kami sa banal mong pangalanAt magalak sa pagpuri sa iyo.+
48 Purihin nawa si Jehova, ang Diyos ng Israel,Magpakailanman.*+
At sabihin nawa ng buong bayan, “Amen!”*
Purihin si Jah!*
Talababa
^ O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
^ O “naintindihan.”
^ O “ilang.”
^ O “natira.”
^ O “batang baka.”
^ Lit., “ay tumayo sa puwang sa harap niya.”
^ Patay na mga tao o walang-buhay na mga diyos.
^ Ibig sabihin, “Pakikipag-away.”
^ Lit., “Pinapait nila ang espiritu niya.”
^ O “natuto ng.”
^ O “Nagkasala sila ng espirituwal na prostitusyon.”
^ Lit., “kamay.”
^ O “sagana.”
^ O “Mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas.”
^ O “Mangyari nawa!”
^ O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.