Mga Awit 12:1-8
Sa direktor; nakatono sa Seminit.* Awit ni David.
12 Iligtas mo ako, O Jehova, dahil ang mga tapat ay wala na;Naglaho na ang mga tapat sa sangkatauhan.
2 Nagsisinungaling sila sa isa’t isa;Nambobola sila* at nagsasalita nang may mapandayang puso.*+
3 Puputulin ni Jehova ang dilang nagyayabangAt ang mga labing nambobola.+
4 Pupuksain niya ang mga nagsasabi: “Magtatagumpay kami sa pamamagitan ng mga dila namin.
Sasabihin ng mga labi namin ang gusto naming sabihin;
Sino ang makapagdidikta sa amin?”+
5 “Dahil inaapi ang mahihina,Dahil nagbubuntonghininga ang mga dukha,+Kikilos ako,” ang sabi ni Jehova.
“Ililigtas ko sila sa mga humahamak sa kanila.”
6 Ang mga salita ni Jehova ay dalisay;+Gaya ito ng pilak na dinalisay sa hurnong luwad,* nilinis nang pitong ulit.
7 Babantayan mo sila, O Jehova;+Poprotektahan mo ang bawat isa sa kanila magpakailanman mula sa henerasyong ito.
8 Ang masasama ay malayang gumagalaDahil itinataguyod ng mga anak ng tao ang kasamaan.+
Talababa
^ Lit., “Nagsasalita sila nang may madulas na labi.”
^ Lit., “nang may isang puso at isang puso.”
^ O posibleng “tunawang hurno na nasa lupa.”