Mga Awit 139:1-24

Para sa direktor. Awit ni David. 139  O Jehova, sinuri mo ako, at kilala mo ako.+  2  Alam mo kapag umuupo ako at kapag tumatayo ako.+ Mula sa malayo ay alam mo ang mga iniisip ko.+  3  Pinagmamasdan* mo ako kapag naglalakbay ako at kapag humihiga ako;Pamilyar ka sa lahat ng ginagawa ko.+  4  Bago pa man lumabas ang salita sa bibig ko,O Jehova, alam na alam mo na iyon.+  5  Sa likod at sa harap ko, pinalibutan mo ako;At ipinatong mo sa akin ang kamay mo.  6  Ang gayong kaalaman ay hindi ko kayang unawain.* Iyon ay napakataas at hindi ko maabot.*+  7  Saan ako makatatakas mula sa iyong espiritu,At saan ako tatakbo para makapagtago mula sa iyo?+  8  Kung aakyat ako sa langit, naroon ka,At kung hihiga ako sa Libingan,* naroon ka.+  9  Kung lilipad ako gamit ang mga pakpak ng bukang-liwaywayPara manirahan sa pinakamalayong dagat, 10  Doon man ay papatnubayan ako ng kamay moAt hahawakan ako ng iyong kanang kamay.+ 11  Kung sasabihin ko: “Tiyak na itatago ako ng kadiliman!” Ang gabi ay magiging liwanag sa palibot ko. 12  Kahit ang kadiliman ay hindi magiging napakadilim para sa iyo,Kundi ang gabi ay magiging kasinliwanag ng araw;+Ang kadiliman ay kapareho ng liwanag para sa iyo.+ 13  Dahil nilikha mo ang aking mga bato;Iningatan* mo ako sa sinapupunan ng aking ina.+ 14  Pinupuri kita dahil sa kahanga-hangang paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin.+ Kamangha-mangha ang iyong mga gawa,+Alam na alam ko ito. 15  Ang mga buto ko ay hindi tago sa iyoNang gawin ako sa lihim,Nang habihin ako sa kailaliman ng lupa.+ 16  Nakita ako ng mga mata mo kahit noong binhi pa lang ako;Ang lahat ng bahagi ko ay nakasulat sa iyong aklatTungkol sa mga araw nang mabuo ang mga iyon,Bago pa mabuo ang alinman sa mga iyon. 17  Kaya napakahalaga sa akin ng mga kaisipan mo!+ O Diyos, pagkarami-rami ng mga iyon!+ 18  Kung susubukan kong bilangin, mas marami pa ang mga iyon sa mga butil ng buhangin.+ Paggising ko, kasama pa rin kita.*+ 19  O Diyos, kung papatayin mo lang sana ang masasama,+ Hihiwalay na sa akin ang mararahas,* 20  Ang mga nagsasalita laban sa iyo nang may masamang intensiyon;*Sila ang mga kalaban mo na gumagamit ng pangalan mo sa walang-kabuluhang paraan.+ 21  Hindi ba napopoot ako sa mga napopoot sa iyo, O Jehova,+At namumuhi ako sa mga lumalaban sa iyo?+ 22  Puro poot ang nararamdaman ko sa kanila;+Talagang naging mga kaaway ko sila. 23  Siyasatin mo ako, O Diyos, at alamin mo ang laman ng puso ko.+ Suriin mo ako, at alamin mo ang mga ikinababahala* ko.+ 24  Tingnan mo kung mayroon akong anumang masamang saloobin,*+At akayin mo ako+ sa landas ng walang hanggan.

Talababa

Lit., “Sinusukat.”
O “ay lubhang kamangha-mangha para sa akin.”
O “ay napakalalim para maintindihan ko.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O posibleng “Hinabi.”
O posibleng “binibilang ko pa rin ang mga iyon.”
O “may pagkakasala sa dugo.”
O “ayon sa kaisipan nila.”
O “gumugulo sa isip.”
O “tendensiya.”

Study Notes

Media