Mga Awit 143:1-12
Awit ni David.
143 O Jehova, dinggin mo ang panalangin ko;+Pakinggan mo ang paghingi ko ng tulong.
Ayon sa iyong katapatan at katuwiran,* sagutin mo ako.
2 Huwag mong dalhin sa hukuman mo ang iyong lingkod;Dahil walang sinumang nabubuhay ang maaaring maging matuwid sa harap mo.+
3 Tinutugis ako ng kaaway;Dinurog niya ako sa lupa.
Pinatira niya ako sa kadiliman gaya ng mga taong matagal nang patay.
4 Nanghihina ako;*+Wala nang maramdaman ang puso ko.+
5 Inaalaala ko ang mga pangyayari noon;Pinag-iisipan kong mabuti ang lahat ng ginagawa mo;+May pananabik kong binubulay-bulay* ang gawa ng mga kamay mo.
6 Itinataas ko sa iyo ang mga kamay ko;Para akong tuyong lupain na uhaw sa iyo.+ (Selah)
7 Sagutin mo ako agad, O Jehova;+Nasaid na ang lakas* ko.+
Huwag mong itago sa akin ang iyong mukha;+Kung hindi ay magiging gaya ako ng mga bumababa sa hukay.*+
8 Sa umaga ay iparinig mo sa akin ang tungkol sa iyong tapat na pag-ibig,Dahil nagtitiwala ako sa iyo.
Ipaalám mo sa akin ang daan na dapat kong lakaran,+Dahil sa iyo ako umaasa.
9 Iligtas mo ako sa mga kaaway ko, O Jehova.
Sa iyo ako nanganganlong.+
10 Turuan mo akong gawin ang kalooban mo,+Dahil ikaw ang aking Diyos.
Ang espiritu mo ay mabuti;Patnubayan nawa ako nito sa patag na lupa.*
11 Alang-alang sa pangalan mo, O Jehova, ingatan mo ang buhay ko.
Ayon sa iyong katuwiran, iligtas mo ako sa pagdurusa.+
12 Dahil sa iyong tapat na pag-ibig, lipulin* mo ang mga kaaway ko;+Puksain mo ang lahat ng nagpapahirap sa akin,+Dahil ako ay lingkod mo.+
Talababa
^ Lit., “ang espiritu ko.”
^ O “pinag-aaralan.”
^ O “libingan.”
^ Lit., “espiritu.”
^ O “sa lupain ng mga matuwid.”
^ Lit., “patahimikin.”