Mga Awit 25:1-22

Awit ni David. א [Alep] 25  O Jehova, sa iyo ako lumalapit. ב [Bet]  2  Diyos ko, nagtitiwala ako sa iyo;+Huwag mong hayaang mapahiya ako.+ Huwag mong hayaang magsaya ang mga kaaway ko sa pagdurusa ko.+ ג [Gimel]  3  Walang sinumang nagtitiwala sa iyo ang mapapahiya,+Pero mapapahiya ang mga nagtataksil nang walang dahilan.+ ד [Dalet]  4  Ipaalám mo sa akin ang iyong mga daan, O Jehova;+Ituro mo sa akin ang iyong mga landas.+ ה [He]  5  Tulungan mo akong lumakad sa iyong daan ng katotohanan at turuan mo ako,+Dahil ikaw ang aking Diyos ng kaligtasan. ו [Waw] Sa iyo ako umaasa buong araw. ז [Zayin]  6  Alalahanin mo ang iyong awa, O Jehova, at ang iyong tapat na pag-ibig,+Na lagi mong ipinapakita.*+ ח [Het]  7  Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ko noong kabataan ako at ang mga pagkakamali ko. Alalahanin mo ako ayon sa iyong tapat na pag-ibig,+Dahil ikaw ay mabuti, O Jehova.+ ט [Tet]  8  Mabuti at matuwid si Jehova.+ Kaya itinuturo niya sa mga makasalanan ang daan na dapat nilang lakaran.+ י [Yod]  9  Gagabayan niya ang maaamo para magawa nila ang tama,+At ituturo niya sa maaamo ang kaniyang daan.+ כ [Kap] 10  Makikita sa lahat ng daan ni Jehova ang tapat na pag-ibig at katapatan niyaSa mga tumutupad sa kaniyang tipan+ at mga paalaala.+ ל [Lamed] 11  Alang-alang sa iyong pangalan, O Jehova,+Patawarin mo ang pagkakamali ko, kahit na mabigat iyon. מ [Mem] 12  Sino ang natatakot kay Jehova?+ Ituturo Niya sa kaniya ang daan na dapat niyang piliin.+ נ [Nun] 13  Mapapabuti siya,+At mamanahin ng mga inapo* niya ang lupa.+ ס [Samek] 14  Ang mga natatakot kay Jehova ang nagiging matalik niyang kaibigan,+At ipinaaalam niya sa kanila ang kaniyang tipan.+ ע [Ayin] 15  Ang mga mata ko ay laging nakatingin kay Jehova,+Dahil aalisin niya ang mga paa ko sa bitag.*+ פ [Pe] 16  Tingnan mo ako at kaawaanDahil nag-iisa ako at mahina. צ [Tsade] 17  Dumami ang ikinababahala ng puso ko;+Palayain mo ako sa pagdurusa ko. ר [Res] 18  Tingnan mo ang mga problema at paghihirap ko,+At patawarin mo ang lahat ng kasalanan ko.+ 19  Tingnan mo kung gaano karami ang mga kaaway koAt kung gaano katindi ang galit nila sa akin. ש [Shin] 20  Ingatan mo ang buhay ko at iligtas mo ako.+ Huwag mong hayaang mapahiya ako, dahil nanganganlong ako sa iyo. ת [Taw] 21  Ingatan nawa ako ng aking katapatan at pagiging matuwid,+Dahil sa iyo ako umaasa.+ 22  O Diyos, iligtas* mo ang Israel sa lahat ng paghihirap niya.

Talababa

O “Na mula pa noong unang panahon.”
Lit., “ng binhi.”
Lit., “lambat.”
Lit., “tubusin.”

Study Notes

Media