Mga Awit 3:1-8
Awit ni David noong tumatakas siya mula sa anak niyang si Absalom.+
3 O Jehova, bakit napakarami kong kaaway?+
Bakit napakaraming lumalaban sa akin?+
2 Sinasabi ng marami tungkol sa akin:
“Hindi siya ililigtas ng Diyos.”+ (Selah)*
3 Pero ikaw, O Jehova, ay isang kalasag sa palibot ko,+Ang kaluwalhatian ko+ at ang nagtataas ng aking ulo.+
4 Tatawag ako nang malakas kay Jehova,At sasagutin niya ako mula sa kaniyang banal na bundok.+ (Selah)
5 Hihiga ako at matutulog;At gigising ako nang panatag,Dahil patuloy akong tinutulungan ni Jehova.+
6 Hindi ako natatakot sa sampu-sampung liboNa nakaabang laban sa akin sa lahat ng panig.+
7 Kumilos ka, O Jehova! Iligtas mo ako,+ O Diyos ko!
Susuntukin mo sa panga ang lahat ng kaaway ko;Babasagin mo ang mga ngipin ng masasama.+
8 Si Jehova ang tagapagligtas.+
Pinagpapala mo ang iyong bayan. (Selah)