Mga Awit 30:1-12
Awit ng pagpapasinaya ng bahay. Awit ni David.
30 Dadakilain kita, O Jehova, dahil iniahon mo ako;Hindi mo hinayaang pagtawanan ako ng mga kaaway ko.+
2 O Jehova na aking Diyos, humingi ako sa iyo ng tulong, at pinagaling mo ako.+
3 O Jehova, iniahon mo ako* mula sa Libingan.*+
Iningatan mo ang buhay ko; iniligtas mo ako sa paglubog sa hukay.*+
4 Umawit kayo ng papuri* kay Jehova, kayong tapat sa kaniya,+Magpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan;*+
5 Dahil ang mapasailalim sa galit niya ay panandalian,+Pero ang maranasan ang kabaitan* niya ay panghabambuhay.+
May pagluha man sa gabi, sa umaga naman ay may hiyaw ng kagalakan.+
6 Noong panatag ako, sinabi ko:
“Hindi ako matitinag.”*
7 O Jehova, noong kinalulugdan mo ako, ginawa mo akong sintatag ng bundok.+
Pero nang itago mo ang iyong mukha, natakot ako.+
8 O Jehova, patuloy akong tumawag sa iyo;+Patuloy akong nagmakaawa kay Jehova.
9 Ano ang pakinabang sa kamatayan* ko, sa pagbaba ko sa hukay?*+
Pupurihin ka ba ng alabok?+ Sasabihin ba nito ang tungkol sa katapatan mo?+
10 Pakinggan mo ako, O Jehova, at maawa ka sa akin.+
O Jehova, tulungan mo ako.+
11 Pinalitan mo ng pagsasayaw ang pagdadalamhati ko;Inalis mo ang aking telang-sako, at binihisan mo ako ng pagsasaya,
12 Para ako* ay makaawit sa iyo ng papuri at hindi manatiling tahimik.
O Jehova na aking Diyos, pupurihin kita magpakailanman.
Talababa
^ O “libingan.”
^ O “Umawit kayo at tumugtog para.”
^ Lit., “alaala.”
^ O “kabutihang-loob.”
^ O “susuray.”
^ Lit., “dugo.”
^ O “libingan.”
^ O “ang kaluwalhatian ko.”