Mga Awit 36:1-12
Sa direktor. Awit ni David na lingkod ni Jehova.
36 Ang pagsuway ay nakikipag-usap sa masama mula sa kaloob-looban ng puso niya;Hindi siya natatakot sa Diyos.+
2 Labis ang paghanga niya sa sarili,Kaya hindi niya nakikita at hindi niya kinapopootan ang pagkakamali niya.+
3 Ang mga salita ng bibig niya ay nakasasakit at mapandaya;Wala siyang kaunawaan para gawin ang mabuti.
4 Nagpaplano siya ng masama kahit nasa higaan siya.
Desidido siyang tumahak sa landas na hindi mabuti;Hindi niya itinatakwil ang kasamaan.
5 O Jehova, ang iyong tapat na pag-ibig ay umaabot sa langit,+Ang katapatan mo ay hanggang sa mga ulap.
6 Ang katuwiran mo ay tulad ng mariringal na bundok;*+Ang mga kahatulan mo ay gaya ng malawak at malalim na karagatan.+
Iniingatan* mo ang tao at hayop, O Jehova.+
7 Napakahalaga ng iyong tapat na pag-ibig, O Diyos!+
Sa lilim ng iyong mga pakpak nanganganlong ang mga anak ng tao.+
8 Nabubusog sila sa saganang pagkain sa* bahay mo,+At pinaiinom mo sila sa iyong ilog ng kasiyahan.+
9 Nasa iyo ang bukal ng buhay;+Sa pamamagitan ng liwanag mo ay nakakakita kami ng liwanag.+
10 Patuloy mong ipakita ang iyong tapat na pag-ibig sa mga nakakakilala sa iyo,+At ang iyong katuwiran sa mga matuwid ang puso.+
11 Huwag mong hayaang tapakan ako ng paa ng mapagmataasO itaboy ng kamay ng masasama.
12 Bumagsak ang mga gumagawa ng masama;Pinabagsak sila at hindi na makabangon.+