Mga Awit 50:1-23
Awit ni Asap.+
50 Ang Diyos ng mga diyos,* si Jehova,+ ay nagsalita;Tinatawag niya ang buong lupaMula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.*
2 Mula sa Sion, na sukdulan sa kagandahan,+ ay sumisinag ang Diyos.
3 Ang Diyos natin ay darating at hindi mananahimik lang.+
Sa harap niya ay may lumalamong apoy,+At isang malakas na bagyo ang nananalanta sa palibot niya.+
4 Tinatawag niya ang langit at ang lupa+Para hatulan ang bayan niya:+
5 “Tipunin ninyo sa harap ko ang mga tapat sa akin,Ang mga nakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng handog.”+
6 Ang langit ay naghahayag ng katuwiran niya,Dahil ang Diyos mismo ay Hukom.+ (Selah)
7 “Makinig ka, O bayan ko, at magsasalita ako;Israel, tetestigo ako laban sa iyo.+
Ako ang Diyos, ang iyong Diyos.+
8 Hindi kita sinasaway dahil sa mga handog mo,O dahil sa iyong mga buong handog na sinusunog na laging nasa harap ko.+
9 Hindi ko kailangang kumuha ng toro mula sa sambahayan mo,O ng mga kambing* mula sa mga kulungan mo.+
10 Dahil sa akin ang bawat hayop sa kagubatan,+Kahit ang mga hayop sa sanlibong bundok.
11 Alam ko ang lahat ng ibon sa kabundukan;+Ang di-mabilang na hayop sa parang ay akin.
12 Kung gutom ako, hindi ko sasabihin sa iyo,Dahil ang mabungang lupain at ang lahat ng naroon ay akin.+
13 Kakainin ko ba ang karne ng mga toroAt iinumin ang dugo ng mga kambing?+
14 Maghandog ka ng pasasalamat sa Diyos,+At tuparin mo ang mga panata mo sa Kataas-taasan;+
15 Tumawag ka sa akin sa panahon ng kagipitan.+
Ililigtas kita, at luluwalhatiin mo ako.”+
16 Pero sasabihin ng Diyos sa masama:
“Ano ang karapatan mong magsalita tungkol sa mga tuntunin ko+O tungkol sa tipan ko?+
17 Napopoot ka sa disiplina,*At lagi mong binabale-wala* ang mga salita ko.+
18 Kapag nakita mo ang isang magnanakaw, natutuwa* ka sa kaniya,+At sumasama ka sa mga mangangalunya.
19 Ginagamit mo ang bibig mo para magkalat ng masama,At nakakabit sa dila mo ang panlilinlang.+
20 Umuupo ka at nagsasalita laban sa sarili mong kapatid;+Ibinubunyag mo ang mga pagkakamali ng* anak ng sarili mong ina.
21 Nang gawin mo ang mga ito, nanahimik ako,Kaya inakala mong ako ay magiging gaya mo.
Pero sasawayin kita ngayon,At sasabihin ko ang mga pagkakamali mo.+
22 Pakisuyong pag-isipan ninyo ito, kayong mga lumilimot sa Diyos,+Para hindi ko kayo luray-lurayin at walang makapagligtas sa inyo.
23 Ang naghahandog ng pasasalamat bilang hain ay lumuluwalhati sa akin,+At sa patuloy na lumalakad sa tamang daan,Ipapakita ko sa kaniya ang pagliligtas ng Diyos.”+
Talababa
^ O “Ang Banal na Diyos.”
^ O “Mula sa silangan hanggang sa kanluran.”
^ O “lalaking kambing.”
^ Lit., “itinatapon sa likuran mo.”
^ O “tagubilin.”
^ O posibleng “sumasama.”
^ O “Sinisiraan mo ang.”