Mga Awit 54:1-7
Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Maskil.* Awit ni David noong dumating ang mga Zipeo at sabihin nila kay Saul: “Doon sa amin nagtatago si David.”+
54 O Diyos, iligtas mo ako sa pamamagitan ng pangalan mo,+At ipagtanggol mo ako*+ sa pamamagitan ng kapangyarihan mo.
2 O Diyos, dinggin mo ang panalangin ko;+Pakinggan mo ang pananalita ng aking bibig.
3 Dahil sinasalakay ako ng mga estranghero,At gusto akong patayin ng mga taong malulupit.+
Hindi nila kinikilala ang Diyos.+ (Selah)
4 Ang Diyos ang tumutulong sa akin;+Si Jehova ay kasama ng mga sumusuporta sa akin.
5 Ibabalik niya sa mga kalaban ko+ ang sarili nilang kasamaan;Alang-alang sa iyong katapatan, lipulin* mo sila.+
6 Buong puso akong maghahandog sa iyo.+
Pupurihin ko ang pangalan mo, O Jehova, dahil ito ay mabuti.+
7 Dahil inililigtas niya ako mula sa bawat pagdurusa,+At pagmamasdan ko ang pagkatalo ng mga kaaway ko.+