Mga Awit 69:1-36
Sa direktor; sa himig ng “Mga Liryo.” Awit ni David.
69 Iligtas mo ako, O Diyos, dahil nanganganib ang buhay ko sa tubig.+
2 Lumubog ako sa malalim na lusak, kung saan walang matutuntungan.+
Napunta ako sa malalim na katubigan,At tinangay ako ng rumaragasang tubig.+
3 Napagod ako sa katatawag;+Namaos na ako.
Napagod ang mga mata ko sa paghihintay sa aking Diyos.+
4 Ang mga napopoot sa akin nang walang dahilan+Ay mas marami pa kaysa sa mga buhok sa ulo ko.
Ang mga gustong pumatay sa akin,Ang mapanlinlang kong mga kaaway,* ay dumami.
Napilitan akong ibigay ang hindi ko naman ninakaw.
5 O Diyos, alam mo ang kamangmangan ko,At hindi lingid sa iyo ang kasalanan ko.
6 Ang mga umaasa sa iyo ay huwag nawang mapahiya dahil sa akin,O Kataas-taasang Panginoon, Jehova ng mga hukbo.
Ang mga humahanap sa iyo ay huwag nawang mapahiya dahil sa akin,O Diyos ng Israel.
7 Nagtiis ako ng pang-iinsulto dahil sa iyo;+Nababalot ng kahihiyan ang aking mukha.+
8 Naging estranghero ako sa mga kapatid ko,Isang dayuhan sa mga anak ng aking ina.+
9 Nag-aalab ang sigasig ko para sa iyong bahay,+At napunta sa akin ang pang-iinsulto ng mga umiinsulto sa iyo.+
10 Nang magpakumbaba* ako at mag-ayuno,Hinamak ako.
11 Nang magsuot ako ng telang-sako,Naging tampulan ako ng panlalait nila.*
12 Ako ang pinag-uusapan ng mga nakaupo sa pintuang-daan,At ako ang laman ng kanta ng mga lasinggero.
13 Pero makarating nawa sa iyo ang panalangin koSa kaayaayang panahon, O Jehova.+
Dahil sagana ang iyong tapat na pag-ibig, O Diyos,Dinggin mo ako at ipakita mong ikaw ang tunay na tagapagligtas.+
14 Iligtas mo ako mula sa lusak;Huwag mo akong hayaang lumubog.
Iligtas mo ako sa mga napopoot sa akinAt mula sa malalim na tubig.+
15 Huwag mong hayaang tangayin ako ng rumaragasang tubig,+O lamunin ako ng kalaliman,O matabunan ako sa loob ng hukay.*+
16 Sagutin mo ako, O Jehova, dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay mabuti.+
Dahil sagana ang iyong awa, bigyang-pansin mo ako,+
17 At huwag mong itago ang iyong mukha sa lingkod mo.+
Sagutin mo ako agad, dahil nahihirapan ako.+
18 Lumapit ka sa akin at iligtas mo ako;Tubusin mo ako sa mga kaaway ko.
19 Alam mo ang aking kadustaan at ang aking kahihiyan.+
Nakikita mo ang lahat ng kaaway ko.
20 Winasak ng kadustaan ang puso ko, at ang sugat ay hindi mapagaling.*
Umaasa akong may dadamay, pero wala,+At may magpapatibay ng loob ko, pero wala akong nakita.+
21 Sa halip na pagkain ay binigyan nila ako ng lason,*+At nang mauhaw ako, sukà ang ibinigay nila sa akin.+
22 Maging bitag nawa sa kanila ang mesa nila,At maging silo nawa sa kanila ang kasaganaan nila.+
23 Magdilim nawa ang mga mata nila para hindi sila makakita,At lagi mong panginigin ang mga balakang nila.
24 Ibuhos mo sa kanila ang iyong poot,At matikman nawa nila ang iyong nag-aapoy na galit.+
25 Maging tiwangwang nawa ang kampo* nila;Wala nawang manirahan sa mga tolda nila.+
26 Dahil tinutugis nila ang sinaktan mo,At lagi nilang ikinukuwento ang pagdurusa ng mga sinugatan mo.
27 Dagdagan mo ng kasalanan ang kasalanan nila,At huwag mo nawa silang ituring na matuwid.
28 Mabura nawa sila sa aklat ng mga buháy,*+At huwag nawa silang mapabilang sa talaan ng mga matuwid.+
29 Pero ako ay nagdurusa at nasasaktan.+
Ingatan nawa ako ng kapangyarihan mong magligtas, O Diyos.
30 Aawit ako ng mga papuri sa pangalan ng Diyos,At dadakilain ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.
31 Mas malulugod dito si Jehova kaysa sa isang toro,Kaysa sa isang batang toro na may mga sungay at kuko.+
32 Makikita iyon ng maaamo at magsasaya sila.
Kayong mga humahanap sa Diyos, maging matatag nawa ang puso ninyo.
33 Dahil nakikinig si Jehova sa mga dukha,+At hindi niya hahamakin ang kaniyang bayan na binihag.+
34 Purihin nawa siya ng langit at lupa,+Ng mga dagat at ng lahat ng gumagalaw roon.
35 Dahil ililigtas ng Diyos ang Sion+At muli niyang itatayo ang mga lunsod ng Juda,At maninirahan sila roon at magiging kanila iyon.*
36 Mamanahin iyon ng mga inapo ng mga lingkod niya,+At titira doon ang mga umiibig sa pangalan niya.+
Talababa
^ O “Ang mga umaaway sa akin nang walang dahilan.”
^ O posibleng “umiyak.”
^ Lit., “Naging kasabihan nila ako.”
^ O “balon.”
^ O “at malapit na akong sumuko.”
^ O “nakalalasong halaman.”
^ O “napapaderang kampo.”
^ O “aklat ng buhay.”
^ Ang lupain.