Mga Awit 70:1-5
Sa direktor. Awit ni David, para magpaalaala.
70 O Diyos, iligtas mo ako;O Jehova, magmadali ka at tulungan mo ako.+
2 Mapahiya nawa at mawalan ng dangalAng mga nagtatangka sa buhay ko.
Umurong nawa sa kahihiyanAng mga gustong mapahamak ako.
3 Umurong nawa sa kahihiyanAng mga nagsasabi: “Buti nga sa iyo!”
4 Pero magalak nawa at magsayaAng mga humahanap sa iyo.+
Lagi nawang sabihin ng mga nananabik sa pagliligtas mo:
“Dakilain nawa ang Diyos!”
5 Pero ako ay walang kalaban-laban at dukha;+O Diyos, kumilos ka agad para sa akin.+
Ikaw ang tumutulong at nagliligtas sa akin;+O Jehova, huwag kang magtagal.+