Mga Awit 76:1-12

Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Awit ni Asap.+ 76  Ang Diyos ay kilala sa Juda;+Dakila+ ang pangalan niya sa Israel.  2  Nasa Salem+ ang pahingahan niya,At nasa Sion ang tirahan niya.+  3  Doon niya winasak ang nagliliyab na mga palaso ng pana,Ang kalasag at ang espada at ang mga sandatang pandigma.+ (Selah)  4  Nagniningning ka sa* liwanag;Mas maringal ka kaysa sa mga bundok ng maiilap na hayop.  5  Ang matatapang ay sinamsaman.+ Nakatulog* sila;Ang lahat ng mandirigma ay walang kalaban-laban.+  6  Dahil sa pagsaway mo, O Diyos ni Jacob,Ang tagapagpatakbo ng karwahe at ang kabayo ay nakatulog nang mahimbing.*+  7  Ikaw lang ang kasindak-sindak.+ Sino ang makatatagal sa iyong matinding galit?+  8  Mula sa langit ay inihayag mo ang hatol mo;+Ang lupa ay natakot at tumahimik+  9  Nang maglapat ng hatol ang Diyos,Para iligtas ang lahat ng maaamo sa lupa.+ (Selah) 10  Dahil ang pagngangalit ng tao ay magiging kapurihan sa iyo;+Papalamutian mo ang iyong sarili ng natitira nilang galit. 11  Manata kayo kay Jehova na inyong Diyos at tuparin ninyo iyon,+Lahat ng nasa palibot niya ay magdala nawa ng kaloob nang may takot.+ 12  Ibababa niya ang hambog na mga pinuno;*Kinatatakutan siya ng mga hari sa lupa.

Talababa

O “Nababalutan ka ng.”
Ibig sabihin, namatay.
Ibig sabihin, namatay.
Lit., “ang espiritu ng mga pinuno.”

Study Notes

Media