Mga Awit 79:1-13
Awit ni Asap.+
79 O Diyos, sinalakay ng mga bansa ang iyong mana;+Dinungisan nila ang iyong banal na templo;+Ginawa nilang bunton ng guho ang Jerusalem.+
2 Ang bangkay ng mga lingkod mo ay ipinakain nila sa mga ibon sa langitAt ang laman ng mga tapat sa iyo sa mababangis na hayop sa lupa.+
3 Ibinuhos nilang parang tubig sa palibot ng Jerusalem ang dugo ng mga tapat,At walang natira para maglibing sa kanila.+
4 Hinahamak kami ng kalapít na mga bansa;+Tinutuya kami at iniinsulto ng mga nasa palibot namin.
5 O Jehova, hanggang kailan ka mapopoot? Magpakailanman ba?+
Hanggang kailan magniningas na parang apoy ang galit mo?+
6 Ibuhos mo ang iyong galit sa mga bansang hindi nakakakilala sa iyoAt sa mga kahariang hindi tumatawag sa pangalan mo.+
7 Dahil nilamon nila ang JacobAt ginawang tiwangwang ang lupain niya.+
8 Huwag mo kaming panagutin sa mga pagkakamali ng mga ninuno namin.+
Magpakita ka agad ng awa sa amin,+Dahil lugmok na kami.
9 Tulungan mo kami, O Diyos na aming tagapagligtas,+Alang-alang sa iyong maluwalhating pangalan;Iligtas mo kami at patawarin* mo ang mga kasalanan namin alang-alang sa iyong pangalan.+
10 Bakit sasabihin ng mga bansa: “Nasaan ang Diyos nila?”+
Malaman nawa ng mga bansa na ang dumanak na dugo ng mga lingkod mo ay naipaghiganti,At masaksihan nawa namin iyon.+
11 Pakinggan mo nawa ang pagbubuntonghininga ng bilanggo.+
Gamitin mo ang iyong dakilang kapangyarihan* para iligtas ang buhay ng* mga nahatulan ng kamatayan.*+
12 Gantihan mo nang pitong ulit ang kalapít naming mga bansa+Dahil sa panghahamak nila sa iyo, O Jehova.+
13 At kami, ang iyong bayan at ang kawan ng iyong pastulan,+Ay magpapasalamat sa iyo magpakailanman;At pupurihin ka namin sa lahat ng henerasyon.+
Talababa
^ Lit., “takpan.”
^ Lit., “bisig.”
^ O posibleng “para palayain ang.”
^ Lit., “ang mga anak ng kamatayan.”