Mga Bilang 28:1-31

28  Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 2  “Utusan mo ang mga Israelita, ‘Tiyakin ninyong magdadala kayo sa akin ng handog, ang tinapay ko. Dapat ihain sa mga takdang panahon nito+ ang mga handog sa akin na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para sa akin.’ 3  “At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang handog na pinaraan sa apoy na iaalay ninyo kay Jehova: dalawang malulusog at isang-taóng-gulang na lalaking kordero* na regular ninyong iaalay bilang handog na sinusunog araw-araw.+ 4  Ang isang lalaking kordero ay ihahandog mo sa umaga, at ang isa pang lalaking kordero ay ihahandog mo sa takipsilim,*+ 5  kasama ang ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng sangkapat na hin* ng langis mula sa napigang olibo bilang handog na mga butil.+ 6  Ito ay regular na handog na sinusunog,+ gaya ng iniutos sa Bundok Sinai, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, 7  kasama ng handog na inumin nito na sangkapat na hin para sa bawat lalaking kordero.+ Ibuhos mo sa banal na lugar ang inuming de-alkohol bilang handog na inumin para kay Jehova. 8  At ihahandog mo ang isa pang lalaking kordero sa takipsilim.* Kasama ng gayon ding handog na mga butil na iniaalay sa umaga at ng gayon ding handog na inumin nito, ihahandog mo iyon bilang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+ 9  “‘Pero sa araw ng Sabbath,+ ang ihahandog ay dalawang malulusog at isang-taóng-gulang na lalaking kordero at dalawang-ikasampu ng isang takal na epa ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil, kasama ng handog na inumin nito. 10  Ito ang handog na sinusunog para sa Sabbath, kasama ng regular na handog na sinusunog at ng handog na inumin nito.+ 11  “‘Sa simula ng bawat buwan,* mag-aalay kayo bilang handog na sinusunog para kay Jehova ng dalawang batang toro,* isang lalaking tupa, at pitong lalaking kordero na malulusog at isang taóng gulang,+ 12  at tatlong-ikasampu ng isang takal ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil+ para sa bawat toro at dalawang-ikasampu ng isang takal ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil para sa lalaking tupa,+ 13  at ikasampu ng isang takal ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil para sa bawat lalaking kordero, bilang handog na sinusunog, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+ 14  Ang handog na inumin ng mga ito ay kalahating hin ng alak para sa isang toro+ at sangkatlong hin para sa lalaking tupa+ at sangkapat na hin para sa isang lalaking kordero.+ Ito ang handog na sinusunog bawat buwan para sa buong taon. 15  Dapat ding maghandog kay Jehova ng isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan bukod pa sa regular na handog na sinusunog kasama ng handog na inumin nito. 16  “‘Ang ika-14 na araw ng unang buwan ay Paskuwa ni Jehova.+ 17  At sa ika-15 araw ng buwang ito, magkakaroon ng kapistahan. Tinapay na walang pampaalsa ang kakainin nang pitong araw.+ 18  Sa unang araw ay magkakaroon ng isang banal na kombensiyon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho. 19  At ihahandog ninyo kay Jehova bilang handog na sinusunog ang dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking kordero na isang taóng gulang. Dapat na malulusog ang hayop na ihahandog ninyo.+ 20  Dapat ninyong ihandog ang mga iyon kasama ang handog na mga butil na magandang klase ng harina na hinaluan ng langis,+ tatlong-ikasampu ng isang takal para sa isang toro at dalawang-ikasampu ng isang takal para sa lalaking tupa. 21  Maghahandog ka ng ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa pitong lalaking kordero, 22  at ng isang kambing na handog para sa kasalanan bilang pambayad-sala para sa inyo. 23  Ihahandog ninyo ang mga ito bukod pa sa pang-umagang handog na sinusunog na kasama sa regular ninyong inihahandog. 24  Ihahandog ninyo ang mga ito sa gayon ding paraan araw-araw sa loob ng pitong araw bilang pagkain,* isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova. Dapat itong ihandog kasama ng regular na handog na sinusunog at ng handog na inumin nito. 25  Sa ikapitong araw ay magdaos kayo ng isang banal na kombensiyon.+ Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho.+ 26  “‘Sa araw ng mga unang hinog na bunga,+ kapag nag-alay kayo kay Jehova ng bagong handog na mga butil,+ dapat kayong magdaos ng banal na kombensiyon sa inyong kapistahan ng mga sanlinggo.+ Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho.+ 27  Mag-alay kayo bilang handog na sinusunog, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ng dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking kordero na isang taóng gulang,+ 28  kasama ang handog na mga butil na magandang klase ng harina na hinaluan ng langis, tatlong-ikasampu ng isang takal para sa bawat toro, dalawang-ikasampu ng isang takal para sa lalaking tupa, 29  ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa pitong lalaking kordero, 30  at ng isang batang kambing bilang pambayad-sala para sa inyo.+ 31  Bukod sa regular na handog na sinusunog at handog na mga butil nito, iaalay mo ang mga iyon kasama ang handog na inumin nito. Dapat na malulusog ang hayop.+

Talababa

O “batang tupa.”
Lit., “sa pagitan ng dalawang gabi.”
Ang ikasampu ng isang epa ay 2.2 L. Tingnan ang Ap. B14.
Ang isang hin ay 3.67 L. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “sa pagitan ng dalawang gabi.”
Lit., “ng inyong mga buwan.”
O “lalaking baka.”
Lit., “tinapay.”

Study Notes

Media