Deuteronomio 33:1-29

33  At ito ang pagpapala sa mga Israelita na binigkas ni Moises na lingkod ng tunay na Diyos bago siya mamatay.+ 2  Sinabi niya: “Si Jehova—nanggaling siya sa Sinai,+At suminag siya sa kanila mula sa Seir. Nagningning ang kaluwalhatian niya mula sa mabundok na rehiyon ng Paran,+At kasama niya ang napakaraming* banal;+Nasa kanan niya ang mga mandirigma niya.+  3  Mahal niya ang kaniyang bayan;+Lahat ng banal ay nasa iyong kamay, O Diyos.+ Nakaupo sila sa paanan mo;+Nakinig sila sa iyong mga salita.+  4  (Binigyan tayo ni Moises ng isang batas, isang kautusan,+Na pag-aari ng kongregasyon ni Jacob.)+  5  At naging hari Siya sa Jesurun,*+Nang magtipon ang mga pinuno ng bayan,+Kasama ang lahat ng tribo ng Israel.+  6  Patuloy nawang mabuhay si Ruben+At huwag kumaunti ang bilang niya.”+  7  At binigkas niya ang pagpapalang ito para kay Juda:+ “Pakinggan mo, O Jehova, ang tinig ni Juda,+At ibalik mo nawa siya sa kaniyang bayan. Ipinaglaban* niya* kung ano ang sa kaniya;Tulungan mo nawa siyang labanan ang mga kaaway niya.”+  8  Sinabi niya tungkol kay Levi:+ “Ang iyong* Tumim at Urim+ ay nasa taong tapat sa iyo,+Ang sinubok mo sa Masah.+ Nakipagtalo ka sa kaniya sa tabi ng tubig sa Meriba,+  9  Ang taong nagsabi sa kaniyang ama at ina, ‘Hindi ko sila iginalang.’ Hindi niya kinilala kahit ang mga kapatid niya,+At binale-wala niya ang sarili niyang mga anak. Dahil iningatan nila ang iyong salitaAt tinupad ang iyong tipan.+ 10  Ituturo nila kay Jacob ang iyong mga hudisyal na pasiya+At kay Israel ang iyong Kautusan.+ Maghahandog sila ng insenso, isang nakagiginhawang amoy sa iyo,*+At ng isang buong handog sa altar mo.+ 11  Palakasin mo siya, O Jehova,At masiyahan ka nawa sa mga ginagawa niya. Durugin mo ang mga binti* ng mga kaaway niya,Para hindi na makatayo ang mga napopoot sa kaniya.” 12  Sinabi niya tungkol kay Benjamin:+ “Ang mahal ni Jehova ay manirahan nawang panatag sa tabi niya;Habang iniingatan niya siya buong araw,Maninirahan siya sa pagitan ng mga balikat niya.” 13  Sinabi niya tungkol kay Jose:+ “Pagpalain nawa ni Jehova ang lupain niya+Ng mabubuting bagay ng langit,Ng hamog at ng tubig mula sa mga bukal,+ 14  Ng mabubuting bagay na tumutubo dahil sa arawAt ng magandang ani buwan-buwan,+ 15  Ng mabubuting bagay mula sa sinaunang mga bundok*+At ng mabubuting bagay mula sa matatagal nang burol, 16  Ng mabubuting bagay ng lupa at lahat ng narito,+At ng pagsang-ayon ng Isa na nanirahan sa palumpong.+ Mapunta nawa kay Jose ang mga ito,Sa tuktok ng ulo niya, na pinili mula sa mga kapatid niya.+ 17  Ang kaluwalhatian niya ay gaya ng sa panganay na toro,At ang mga sungay niya ay mga sungay ng torong-gubat. Gamit ang mga iyon, ang mga bayan ay itutulak* niyaNang sama-sama hanggang sa mga dulo ng lupa. Sila ang sampu-sampung libo ni Efraim,+At sila ang libo-libo ni Manases.” 18  Sinabi niya tungkol kay Zebulon:+ “Magsaya ka, O Zebulon, sa iyong mga paglalakbay,At ikaw, Isacar, sa iyong mga tolda.+ 19  Ang mga bayan ay aanyayahan nilang umakyat sa bundok. Iaalay nila roon ang mga handog ng katuwiran. Dahil kukunin* nila ang saganang yaman ng mga dagatAt ang nakatagong yaman sa buhanginan.” 20  Sinabi niya tungkol kay Gad:+ “Pagpalain ang nagpapalawak sa mga hangganan ni Gad.+ Nakahiga siya roon gaya ng leon,Na handang manakmal ng bisig, oo, ng tuktok ng ulo. 21  Kukunin niya ang unang bahagi,+Dahil inilaan ito sa kaniya ng tagapagbigay-batas.+ Magtitipon ang mga pinuno ng bayan. Ilalapat niya ang katarungan alang-alang kay JehovaAt ang Kaniyang mga hudisyal na pasiya para sa Israel.” 22  Sinabi niya tungkol kay Dan:+ “Si Dan ay batang leon.+ Lulukso siya mula sa Basan.”+ 23  Sinabi niya tungkol kay Neptali:+ “Si Neptali ay busog sa pagsang-ayonAt punô ng pagpapala ni Jehova. Kunin mo ang lupain sa kanluran at timog.” 24  Sinabi niya tungkol kay Aser:+ “Pagpapalain si Aser ng mga anak. Malugod nawa sa kaniya ang mga kapatid niya,At ilubog* nawa niya ang kaniyang mga paa sa langis. 25  Bakal at tanso ang mga trangka ng pintuang-daan mo,+At magiging panatag ka sa lahat ng araw mo.* 26  Walang sinuman ang gaya ng tunay na Diyos+ ni Jesurun,+Na nilalakbay ang langit para tulungan kaAt nakasakay sa mga ulap taglay ang kaluwalhatian niya.+ 27  Ang Diyos ay kanlungan mula pa nang unang panahon,+Nakasuporta sa iyo* ang walang-hanggang mga bisig niya.+ Itataboy niya mula sa harap mo ang kaaway,+At sasabihin niya, ‘Lipulin sila!’+ 28  Ang Israel ay maninirahan nang tiwasay,At ang bukal ni Jacob ay magiging panatagSa isang lupaing sagana sa butil at bagong alak,+Na dinidilig ng hamog sa kalangitan.+ 29  Maligaya ka, O Israel!+ Sino ang gaya mo,+Isang bayang inililigtas ni Jehova,+Na siyang kalasag na nagsasanggalang sa iyo+At ang makapangyarihang espada mo? Kaya manginginig sa harap mo ang iyong mga kaaway,+At tatapakan mo ang mga likod* nila.”

Talababa

O “laksa-laksang; sampu-sampung libong.”
Ibig sabihin, “Isa na Matuwid,” isang marangal na titulo para sa Israel.
Lit., “ng kaniyang mga bisig.”
O “Ipinagsanggalang.”
Tumutukoy sa Diyos ang “iyo,” “mo,” at “ka” sa talatang ito.
Lit., “sa ilong mo.”
O “balakang.”
O posibleng “mula sa mga bundok sa silangan.”
O “susuwagin.”
Lit., “sisipsipin.”
O “hugasan.”
Lit., “At ang iyong lakas ay magiging gaya ng mga araw mo.”
Lit., “Nasa ilalim mo.”
O posibleng “ang matataas na lugar.”

Study Notes

Media