Isaias 2:1-22

2  Ito ang nakita ni Isaias na anak ni Amoz may kinalaman sa Juda at Jerusalem:+  2  Sa huling bahagi ng mga araw,*Ang bundok ng bahay ni JehovaAy itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,+At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,At dadagsa roon ang lahat ng bansa.+  3  At maraming bayan ang magpupunta roon at magsasabi: “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova,Sa bahay ng Diyos ni Jacob.+ Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+ Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.+  4  Siya ay hahatol sa mga bansaAt magtutuwid ng mga bagay-bagay may kinalaman sa maraming bayan. Pupukpukin nila ang kanilang mga espada para gawin itong araro*At ang kanilang mga sibat para gawin itong karit.+ Walang bansa na magtataas ng espada laban sa ibang bansa,At hindi na rin sila mag-aaral ng pakikipagdigma.+  5  O sambahayan ni Jacob, halikayo,Lumakad tayo sa liwanag ni Jehova.+  6  Pinabayaan mo ang iyong bayan, ang sambahayan ni Jacob,+Dahil napuno sila ng mga bagay mula sa Silangan;Nagsasagawa sila ng mahika+ gaya ng mga Filisteo,At marami silang mga anak ng banyaga.  7  Ang lupain nila ay punô ng pilak at ginto,At hindi mabilang ang kayamanan nila. Ang lupain nila ay punô ng kabayo,At hindi mabilang ang karwahe* nila.+  8  Ang lupain nila ay punô ng walang-silbing mga diyos.+ Yumuyukod sila sa gawa ng sarili nilang mga kamay,Sa ginawa ng sarili nilang mga daliri.  9  Kaya ibinababa niya ang sarili niya at ginagawang hamak,At talagang hindi mo sila mapatatawad. 10  Pumasok kayo sa mga bitak ng malaking bato at magtago kayo sa alabokDahil sa nakakatakot na presensiya ni JehovaAt sa kaniyang maluwalhating kadakilaan.+ 11  Ang mapagmataas na mga mata ng tao ay ibababa,At ang kahambugan ng mga tao ay yuyuko.* Si Jehova lang ang dadakilain sa araw na iyon. 12  Dahil ang araw na iyon ay kay Jehova ng mga hukbo.+ Darating iyon sa lahat ng mapagmataas at hambog,Sa lahat, dakila man o nakabababa,+ 13  Sa lahat ng punong sedro ng Lebanon na matayog at mataasAt sa lahat ng punong ensina ng Basan, 14  Sa lahat ng matatayog na bundokAt sa lahat ng matataas na burol, 15  Sa bawat mataas na tore at matibay na pader, 16  Sa lahat ng barko ng Tarsis+At sa lahat ng kanais-nais na bangka. 17  Ang pagmamataas ng tao ay ibababa,At ang kahambugan ng mga tao ay yuyuko.* Si Jehova lang ang dadakilain sa araw na iyon. 18  Ang walang-silbing mga diyos ay lubusang maglalaho.+ 19  At ang mga tao ay magtatago sa mga kuweba sa batuhanAt sa mga hukay sa lupa,+Dahil sa nakakatakot na presensiya ni JehovaAt sa kaniyang marilag na kadakilaan,+Kapag kumilos siya para panginigin sa takot ang lupa. 20  Sa araw na iyon ay kukunin ng mga tao ang kanilang walang-silbing mga diyos na pilak at ginto,Na ginawa nila para yukuran,At itatapon nila ang mga iyon sa mga daga* at paniki,+ 21  Para makapasok sila sa mga butas ng batoAt sa mga bitak ng malalaking bato,Dahil sa nakakatakot na presensiya ni JehovaAt sa kaniyang marilag na kadakilaan,Kapag kumilos siya para panginigin sa takot ang lupa. 22  Para sa sarili ninyong kapakanan, huwag na kayong magtiwala sa hamak na tao,Na nabubuhay lang dahil sa hininga sa kaniyang ilong.* Bakit kayo aasa sa kaniya?

Talababa

O “Sa mga huling araw.”
O “tagubilin.”
Lit., “talim ng araro.”
O “karo.”
O “ibabagsak.”
O “ibabagsak.”
Matatakaw na maliliit na mamalya.
O “Na ang hininga ay nasa kaniyang ilong.”

Study Notes

Media