Isaias 37:1-38

37  Nang marinig iyon ni Haring Hezekias, pinunit niya ang damit niya at nagsuot siya ng telang-sako at pumasok sa bahay ni Jehova.+ 2  Pagkatapos, si Eliakim na namamahala sa sambahayan,* ang kalihim na si Sebna, at ang nakatatandang mga saserdote, na lahat ay nakasuot ng telang-sako, ay isinugo niya sa propetang si Isaias+ na anak ni Amoz. 3  Sinabi nila sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Hezekias, ‘Ang araw na ito ay isang araw ng pagdurusa, ng pagsaway,* at ng kahihiyan; dahil handa nang lumabas* ang sanggol, pero walang lakas ang ina para isilang ito.+ 4  Baka sakaling marinig ni Jehova na iyong Diyos ang mga sinabi ng Rabsases, na isinugo ng hari ng Asirya na kaniyang panginoon para insultuhin ang Diyos na buháy,+ at panagutin niya ito sa mga salitang narinig ni Jehova na iyong Diyos. Kaya manalangin ka+ alang-alang sa mga natitira pang buháy.’”+ 5  Nang pumunta kay Isaias ang mga lingkod ni Haring Hezekias,+ 6  sinabi ni Isaias sa kanila: “Ito ang sabihin ninyo sa inyong panginoon, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Huwag kang matakot+ dahil sa mga salitang narinig mo, sa mga pamumusong* sa akin ng mga lingkod ng hari ng Asirya.+ 7  May ilalagay ako sa isip niya, at makaririnig siya ng isang ulat at babalik siya sa sarili niyang lupain;+ at pababagsakin ko siya sa pamamagitan ng espada sa sarili niyang lupain.”’”+ 8  Matapos marinig ng Rabsases na ang hari ng Asirya ay umalis na sa Lakis, bumalik siya sa hari at nakita itong nakikipagdigma sa Libna.+ 9  May nag-ulat sa hari tungkol kay Haring Tirhaka ng Etiopia: “Parating na siya para makipagdigma sa iyo.” Nang marinig niya ito, nagpadala siya ulit ng mga mensahero kay Hezekias.+ Sinabi niya sa mga ito: 10  “Ito ang sasabihin ninyo kay Haring Hezekias ng Juda, ‘Huwag kang magpaloko sa pinagtitiwalaan mong Diyos na nagsasabi sa iyo: “Ang Jerusalem ay hindi ibibigay sa kamay ng hari ng Asirya.”+ 11  Nabalitaan mo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asirya sa lahat ng bansa—pinuksa nila ang mga iyon.+ Sa tingin mo ba, makaliligtas ka? 12  Iniligtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa na winasak ng mga ninuno ko?+ Nasaan ang Gozan, ang Haran,+ ang Rezep, at ang mga taga-Eden na nasa Tel-asar? 13  Nasaan ang hari ng Hamat, ang hari ng Arpad, at ang hari ng mga lunsod ng Separvaim,+ at ng Hena, at ng Iva?’” 14  Kinuha ni Hezekias ang mga liham mula sa mga mensahero at binasa ang mga iyon. Pagkatapos, pumunta si Hezekias sa bahay ni Jehova at inilatag ang mga iyon* sa harap ni Jehova.+ 15  At nanalangin si Hezekias kay Jehova:+ 16  “O Jehova ng mga hukbo,+ ang Diyos ng Israel, na nakaupo sa trono sa ibabaw* ng mga kerubin, ikaw lang ang tunay na Diyos ng lahat ng kaharian sa lupa. Ikaw ang gumawa ng langit at ng lupa. 17  O Jehova, pakinggan mo ako!+ Buksan mo ang mga mata mo, O Jehova, at tingnan mo!+ Pakinggan mo ang mensaheng ipinadala ni Senakerib para insultuhin ang Diyos na buháy.+ 18  Totoo, O Jehova, na nawasak ng mga hari ng Asirya ang lahat ng lupain,+ pati ang sarili nilang lupain. 19  At naihagis nila sa apoy ang mga diyos ng mga ito,+ dahil hindi diyos ang mga iyon kundi mga gawa ng kamay ng tao,+ mga kahoy at bato. Kaya nawasak nila ang mga iyon. 20  Pero ngayon, O Jehova na aming Diyos, iligtas mo kami mula sa kamay niya, para malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw lang ang Diyos, O Jehova.”+ 21  Pagkatapos, ipinadala ni Isaias na anak ni Amoz ang mensaheng ito kay Hezekias: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Dahil nanalangin ka sa akin tungkol kay Haring Senakerib ng Asirya,+ 22  ito ang sinabi ni Jehova laban sa kaniya: “Hinahamak ka ng anak na dalaga ng Sion, nilalait ka niya. Pailing-iling sa iyo ang anak na babae ng Jerusalem. 23  Sino ang ininsulto mo+ at kanino ka namusong?* Sino ang sinigawan mo+At tiningnan nang may kayabangan? Hindi ba ang Banal ng Israel?+ 24  Sa pamamagitan ng mga lingkod mo ay ininsulto mo si Jehova+ at sinabi mo,‘Gamit ang napakarami kong karwaheng pandigma,Aakyatin ko ang taluktok ng mga bundok,+Ang pinakamalalayong bahagi ng Lebanon. Puputulin ko ang matatayog nitong sedro, ang pinakamagaganda nitong puno ng enebro. Pupuntahan ko ang pinakatuktok nito, ang pinakamakakapal nitong kagubatan. 25  Huhukay ako ng mga balon at iinom ng tubig;Tutuyuin ko ang mga ilog* ng Ehipto sa pamamagitan ng talampakan ko.’ 26  Hindi mo ba narinig? Naipasiya* na ito noong unang panahon. Matagal ko na itong inihanda.*+ Ngayon ay gagawin ko na ito.+ Gagawin mong mga bunton ng guho ang mga napapaderang* lunsod.+ 27  Ang mga tagaroon ay walang magagawa;Matatakot sila at mapapahiya. Magiging gaya sila ng mga pananim sa parang at ng berdeng damo,Gaya ng damo sa mga bubong na natuyot dahil sa hanging silangan. 28  Pero alam na alam ko kapag umuupo ka, kapag lumalabas ka, kapag pumapasok ka,+At kapag galit na galit ka sa akin,+ 29  Dahil narinig ko ang matinding galit mo sa akin+ at ang pag-ungal mo.+ Kaya ilalagay ko ang pangawit ko sa ilong mo at ang renda ko+ sa pagitan ng mga labi mo,At ibabalik kita sa pinagmulan mo.” 30  “‘At ito ang magiging tanda para sa iyo:* Sa taóng ito, kakainin mo ang mga kusang sumibol;* at sa ikalawang taon, kakainin mo ang mga butil na sumibol mula roon; pero sa ikatlong taon, maghahasik ka ng binhi, at magtatanim ka ng ubas at kakainin mo ang bunga ng mga ito.+ 31  Ang mga nasa sambahayan ng Juda na makatatakas, ang mga matitira,+ ay mag-uugat sa ilalim at mamumunga sa itaas. 32  Dahil isang maliit na grupo ang matitira at lalabas mula sa Jerusalem, at lalabas mula sa Bundok Sion ang mga makaliligtas.+ Mangyayari ito dahil sa sigasig ni Jehova ng mga hukbo.+ 33  “‘Kaya ito ang sinabi ni Jehova tungkol sa hari ng Asirya:+ “Hindi siya papasok sa lunsod na ito;+Hindi rin niya iyon papanainO lulusubin nang may kalasagO lalagyan ng rampang pangubkob.”’+ 34  ‘Babalik siya sa daan na pinanggalingan niya;Hindi siya papasok sa lunsod na ito,’ ang sabi ni Jehova. 35  ‘Ipagtatanggol ko ang lunsod na ito+ at ililigtas ito alang-alang sa pangalan ko+At alang-alang sa lingkod kong si David.’”+ 36  At pinatay ng anghel ni Jehova ang 185,000 sundalo sa kampo ng mga Asiryano. Paggising ng mga tao kinaumagahan, nakita nila ang lahat ng bangkay.+ 37  Kaya si Haring Senakerib ng Asirya ay umalis at bumalik sa Nineve+ at nanatili roon.+ 38  At habang yumuyukod siya sa bahay* ng diyos niyang si Nisroc, pinatay siya ng sarili niyang mga anak na sina Adramelec at Sarezer sa pamamagitan ng espada,+ at tumakas sila papunta sa lupain ng Ararat.+ At ang anak niyang si Esar-hadon+ ang naging hari kapalit niya.

Talababa

O “palasyo.”
O “pang-iinsulto.”
Lit., “nasa bukana na ng sinapupunan.”
O “pang-iinsulto.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “inilatag iyon.”
O posibleng “pagitan.”
Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”
O “mga kanal ng Nilo.”
Lit., “Ginawa.”
O “binuo.”
O “nakukutaang.”
O “tumubo mula sa mga natapong butil.”
Si Hezekias.
O “templo.”

Study Notes

Media