Isaias 38:1-22

38  Nang panahong iyon, nagkasakit si Hezekias at malapit nang mamatay.+ Dumating ang propetang si Isaias+ na anak ni Amoz at sinabi nito sa kaniya, “Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Magbilin ka na sa sambahayan mo dahil mamamatay ka; hindi ka na gagaling.’”+ 2  Humarap si Hezekias sa dingding at nanalangin kay Jehova: 3  “Nakikiusap ako sa iyo, O Jehova, alalahanin+ mong lumakad ako sa harap mo* nang may katapatan at buong puso,+ at ginawa ko ang mabuti sa paningin mo.” At umiyak nang husto si Hezekias. 4  At sinabi ni Jehova kay Isaias: 5  “Bumalik ka at sabihin mo kay Hezekias,+ ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng ninuno mong si David: “Narinig ko ang panalangin mo.+ Nakita ko ang mga luha mo.+ Daragdagan ko ng 15 taon ang buhay* mo,+ 6  at ililigtas kita at ang lunsod na ito mula sa kamay ng hari ng Asirya, at ipagtatanggol ko ang lunsod na ito.+ 7  Ito ang tanda mula kay Jehova na magpapakitang gagawin ni Jehova ang sinabi niya:+ 8  Ang aninong nakababa na sa hagdan* ni Ahaz ay paaatrasin ko nang 10 baytang.”’”+ Kaya ang anino ay umatras nang 10 baytang sa hagdan na binabaan nito. 9  Sulat ni Haring Hezekias ng Juda nang magkasakit siya at gumaling. 10  Sinabi ko: “Sa kalagitnaan ng buhay koAy kailangan kong pumasok sa mga pintuang-daan ng Libingan.* Ipagkakait sa akin ang natitirang mga taon ko.” 11  Sinabi ko: “Hindi ko makikita si Jah,* si Jah sa lupain ng mga buháy.+ Hindi ko na makikita ang mga taoKapag kasama ko na ang mga nakatira sa lupain ng kamatayan. 12  Ang tirahan ko ay binunot at kinuha mula sa akin+Gaya ng tolda ng isang pastol. Inirolyo ko ang aking buhay gaya ng ginagawa ng manggagawa sa habihan;Pinutol niya ako na gaya ng mga hibla sa habihan. Mula araw hanggang gabi ay winawakasan mo ang buhay ko.+ 13  Ipinapanatag ko ang sarili ko hanggang umaga. Gaya ng leon, patuloy niyang binabali ang lahat ng aking buto;Mula araw hanggang gabi ay winawakasan mo ang buhay ko.+ 14  Umiiyak akong gaya ng humuhuning sibad o tarat;*+Dumaraing akong gaya ng kumukurukutok na kalapati.+ Nakatingin sa kaitaasan ang pagod kong mga mata:+ ‘O Jehova, hirap na hirap ako;Tulungan mo ako!’*+ 15  Ano ang masasabi ko? Sumagot siya at kumilos. Lalakad ako na may kapakumbabaan* habambuhayDahil sa naranasan kong hirap. 16  ‘O Jehova, dahil sa mga bagay na ito* ay nabubuhay ang bawat tao,At nasa mga bagay na ito ang buhay ko. Pagagalingin mo ako at iingatan mo ang aking buhay.+ 17  Sa halip na kapayapaan, pagdurusa ang dinanas ko;Pero dahil nalulugod ka sa akin,Iniligtas mo ako mula sa hukay ng kamatayan.+ Itinapon mo sa likuran mo* ang lahat ng kasalanan ko.+ 18  Dahil hindi ka maluluwalhati ng Libingan,*+Hindi ka mapupuri ng kamatayan.+ Ang mga bumababa sa hukay ay hindi na makaaasa sa iyong katapatan.+ 19  Ang buháy, ang buháy ang makapupuri sa iyo,Gaya ko sa araw na ito. Ang ama ay makapagbibigay ng kaalaman sa mga anak niya tungkol sa iyong katapatan.+ 20  O Jehova, iligtas mo ako,At tutugtugin namin ang mga awit ko sa mga instrumentong de-kuwerdas+Sa lahat ng araw ng aming buhay sa bahay ni Jehova.’”+ 21  Pagkatapos, sinabi ni Isaias: “Kumuha kayo ng kakaning gawa sa pinatuyong igos na pinipi at ilagay ninyo iyon sa pigsa para gumaling siya.”+ 22  Nagtanong noon si Hezekias: “Ano ang tanda na makakapunta ako sa bahay ni Jehova?”+

Talababa

O “namuhay ako.”
Lit., “mga araw.”
Malamang na ginagamit ang mga baytang na ito sa hagdan bilang orasan, gaya ng sundial.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O posibleng “tagak,” na sa Ingles ay crane.
Lit., “Ikaw ang maglaan ng panagot para sa akin.”
O “nang taimtim.”
Ang salita at mga gawa ng Diyos.
O “Inalis mo sa paningin mo.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

Study Notes

Media