Isaias 47:1-15

47  Bumaba ka at umupo sa alabok,O anak na dalaga ng Babilonya.+ Umupo ka sa lupa kung saan walang trono,+O anak na babae ng mga Caldeo,Dahil hindi ka na ituturing ng mga tao na parang prinsesa.  2  Kumuha ka ng gilingan* at maggiling ka ng harina. Alisin mo ang iyong talukbong. Hubarin mo ang palda mo at ilantad ang iyong mga binti. Tawirin mo ang mga ilog.  3  Malalantad ang iyong kahubaran. Mabubunyag ang iyong kahihiyan. Maghihiganti ako,+ at walang sinumang tao ang makahahadlang sa akin.*  4  “Ang tumutubos sa atin—Jehova ng mga hukbo ang pangalan niya—Ay ang Banal ng Israel.”+  5  Umupo kang tahimik at pumasok sa kadiliman,O anak na babae ng mga Caldeo;+Hindi ka na nila tatawaging Reyna ng mga Kaharian.+  6  Nagalit ako sa bayan ko.+ Hinayaan kong lapastanganin ang aking mana,+At ibinigay ko sila sa kamay mo.+ Pero hindi ka naawa sa kanila.+ Kahit ang matatanda ay binigyan mo ng mabigat na pasan.+  7  Sinabi mo: “Ako ang Reyna magpakailanman.”+ Hindi mo isinapuso ang mga ito;Hindi mo pinag-isipan kung ano ang kahihinatnan ng mga bagay-bagay.  8  Ngayon ay pakinggan mo ito, ikaw na mahilig sa kaluguran,+Na panatag na nakaupo at nagsasabi sa sarili: “Ako lang, at wala nang iba.+ Hindi ako magiging biyuda. Hindi ako mawawalan ng mga anak.”+  9  Pero biglang mangyayari sa iyo ang dalawang bagay na ito, sa isang araw:+ Ang mawalan ng anak at mabiyuda. Mararanasan mo ang lupit ng mga trahedyang ito+Dahil sa* dami ng iyong pangkukulam* at sa lahat ng iyong mahika.+ 10  Nagtiwala ka sa kasamaan mo. Sinabi mo: “Walang nakakakita sa akin.” Ang karunungan at kaalaman mo ang nagligaw sa iyo,At sinabi mo sa sarili: “Ako lang, at wala nang iba.” 11  Pero mapapahamak ka,At hindi ito mapipigilan ng mga mahika mo. Magdurusa ka; hindi mo ito maiiwasan. Biglang darating sa iyo ang kapahamakang hindi mo akalaing mangyayari.+ 12  Sige, ipagpatuloy mo ang mga mahika mo at pangkukulam,+Na pinagkakaabalahan mo mula pagkabata. Baka makinabang ka;Baka mapahanga mo ang mga tao. 13  Napagod ka sa dami ng mga tagapayo mo. Hayaan mo silang tumayo ngayon at iligtas ka,Ang mga sumasamba sa langit,* na tumitingin sa mga bituin,+Ang mga nagbibigay ng kaalaman kapag bagong buwanTungkol sa mga mangyayari sa iyo. 14  Gaya sila ng pinaggapasan. Masusunog sila sa apoy. Hindi nila maililigtas ang sarili nila mula sa lagablab ng apoy. Hindi baga ang mga ito na mapagpapainitan,At walang uupo sa harap ng apoy na ito. 15  Ganiyan ang mangyayari sa mga engkantador mo,Na kasama mo sa pinagkakaabalahan mo mula pagkabata. Magpapagala-gala sila, magkakaniya-kaniya ng daan.* Walang sinumang makapagliligtas sa iyo.+

Talababa

O “gilingang pangkamay.”
O posibleng “wala akong sasalubungin nang may kabaitan.”
O posibleng “Sa kabila ng.”
O “panggagaway.” Tingnan sa Glosari.
O posibleng “mga humahati sa langit; mga astrologo.”
Lit., “rehiyon.”

Study Notes

Media