Isaias 5:1-30

5  Pakisuyo, hayaan ninyong umawit ako sa minamahal koNg isang awit tungkol sa kaniya at sa kaniyang ubasan.+ Ang minamahal ko ay may ubasan sa isang matabang lupain sa dalisdis ng burol.  2  Binungkal niya ito at inalisan ng bato. Tinamnan niya ito ng magandang klase ng pulang ubas,Nagtayo siya ng tore sa gitna nito,At gumawa rito ng isang pisaan ng ubas.+ At patuloy siyang umasa na mamumunga ito ng ubas,Pero ligáw na ubas lang ang naging bunga nito.+  3  “At ngayon, kayong mga nakatira sa Jerusalem at kayong mga taga-Juda,Pakisuyong hatulan ninyo ako at ang aking ubasan.+  4  Ano pa ba ang magagawa ko para sa ubasan koNa hindi ko pa nagagawa?+ Umaasa akong mamumunga ito ng ubas,Pero bakit ligáw na ubas ang naging bunga nito?  5  Ngayon, pakisuyo, hayaan ninyong sabihin ko sa inyoAng gagawin ko sa ubasan ko: Aalisin ko ang halamang-bakod nito,At susunugin iyon.+ Gigibain ko ang batong pader nito,At yuyurakan iyon.  6  Pababayaan ko iyon;+Hindi iyon tatabasan o aasarulin. Tutubuan iyon ng matitinik na halaman* at mga panirang-damo,+At uutusan ko ang mga ulap na huwag magbuhos ng ulan doon.+  7  Ang ubasan ni Jehova ng mga hukbo ay ang sambahayan ng Israel;+Ang mga taga-Juda ang taniman na kinagiliwan niya. Patuloy siyang umasa ng katarungan,+Pero kawalang-katarungan ang naroon;Ng katuwiran,Pero pagdaing ang maririnig doon.”+  8  Kaawa-awa ang mga nagdurugtong ng bahay sa ibang bahay+At ang mga nagdurugtong ng bukid sa ibang bukid+Hanggang sa wala nang lugar para sa ibaAt kayo na lang ang tumitira sa lupain!  9  Narinig kong sumumpa si JehovaNa maraming bahay, kahit na malalaki at magaganda,Ang katatakutanAt hindi na titirhan.+ 10  Ang 10 akre* ng ubasan ay mamumunga lang ng isang bat,*At ang isang homer* ng binhi ay mamumunga lang ng isang epa.*+ 11  Kaawa-awa ang mga maagang bumabangon para uminom ng alak,+Na inaabot ng gabi hanggang sa pagningasin sila ng alak! 12  Mayroon silang alpa at instrumentong de-kuwerdas,Tamburin, plawta, at alak sa mga handaan nila;Pero bale-wala sa kanila ang gawain ni Jehova,At hindi nila nakikita ang mga gawa ng mga kamay niya. 13  Kaya ang bayan ko ay ipatataponDahil sa kawalan ng kaalaman;+Ang mga dinadakila sa kanila ay magugutom,+At ang buong bayan ay matutuyot sa uhaw. 14  Kaya pinalaki ng Libingan* ang sarili nitoAt ibinukang mabuti ang bibig nito nang walang hangganan;+At ang kaniyang karilagan* at mga mamamayang maingay na nagsasayaAy tiyak na bababa rito. 15  At ang tao ay yuyuko,Ang tao ay ibababa,At ang mga mata ng mapagmataas ay ibababa. 16  Madadakila si Jehova ng mga hukbo dahil sa kaniyang paghatol;*Pababanalin ng tunay na Diyos, ng Banal na Diyos,+ ang sarili niya sa pamamagitan ng katuwiran.+ 17  At ang mga kordero* ay manginginain na parang nasa sarili nilang pastulan;Ang mga dayuhan ay kakain sa abandonadong mga lugar na dating tirahan ng mga pinatabang hayop. 18  Kaawa-awa ang mga humihila ng pagkakamali nila sa pamamagitan ng mga lubid ng kasinungalinganAt ng kasalanan nila sa pamamagitan ng mga panali ng karwahe; 19  Ang mga nagsasabi: “Madaliin Niya ang kaniyang gawain;Dumating sana iyon nang mabilis para makita namin. Mangyari sana ang layunin* ng Banal ng IsraelPara malaman namin iyon!”+ 20  Kaawa-awa ang mga nagsasabing ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti,+Ang mga nagsasabing ang kadiliman ay liwanag at ang liwanag ay kadiliman,Ang mga nagsasabing ang mapait ay matamis at ang matamis ay mapait! 21  Kaawa-awa ang marurunong sa sarili nilang mga mataAt matatalino sa sarili nilang paningin!+ 22  Kaawa-awa ang malalakas uminom ng alakAt ang magagaling magtimpla ng mga inuming de-alkohol,+ 23  Ang mga nagpapawalang-sala sa masasama dahil sa suhol+At nagkakait ng katarungan sa mga matuwid!+ 24  Kaya sila ay magiging gaya ng pinaggapasan na nilamon ng apoyAt ng tuyong damo na natupok sa apoy.Ang mga ugat nila ay mabubulok,At ang mga bulaklak nila ay kakalat na parang pulbos,Dahil itinakwil nila ang kautusan* ni Jehova ng mga hukboAt nilapastangan ang salita ng Banal ng Israel.+ 25  Kaya lumalagablab ang galit ni Jehova sa bayan niya,At iuunat niya ang kamay niya laban sa kanila at sasaktan sila.+ Mayayanig ang mga bundok,At ang mga bangkay nila ay magiging gaya ng basura sa lansangan.+ Dahil sa lahat ng ito,* hindi pa nawawala ang galit niya,At nakaunat pa rin ang kamay niya para saktan sila. 26  Naglagay siya ng palatandaan* para sa isang malayong bansa;+Sumipol siya para tawagin sila mula sa mga dulo ng lupa;+At dumarating sila nang napakabilis.+ 27  Walang pagod sa kanila o nadadapa. Walang inaantok o natutulog. Hindi maluwag ang sinturon nila,At hindi putol ang mga sintas ng sandalyas nila. 28  Matutulis ang lahat ng palaso nila.At nakabanat na* ang lahat ng búsog nila. Ang mga kuko ng mga kabayo nila ay gaya ng napakatigas na bato,*At ang mga gulong nila ay gaya ng buhawi.+ 29  Ang pag-ungal nila ay gaya ng sa leon;Umuungal silang gaya ng malalakas na leon.+ Uungol sila at manununggab ng biktimaAt tatangayin nila ito, at walang makapagliligtas dito. 30  Sa araw na iyon ay uungulan nila ito.Gaya ng pag-ugong ng dagat.+ Ang sinumang titingin sa lupain ay makakakita ng nakapanlulumong kadiliman;Kahit ang liwanag ay nagdilim dahil sa mga ulap.+

Talababa

O “palumpong.”
Lit., “10 pares,” na tumutukoy sa lawak ng lupain na naaararo sa isang araw ng 10 pares ng toro.
Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. B14.
O “mga prominente.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “katarungan.”
O “batang tupa.”
O “desisyon.”
O “tagubilin.”
Tumutukoy sa kasamaan ng bayan ng Diyos.
O “posteng pananda.”
O “handa na sa pagtira.”
O “ay gaya ng batong pingkian.”

Study Notes

Media