Jeremias 10:1-25
10 Pakinggan ninyo ang sinabi ni Jehova laban sa inyo, O sambahayan ng Israel.
2 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Huwag ninyong tularan ang kaugalian ng mga bansa,+At huwag kayong matakot sa mga tanda sa langitGaya ng mga bansang natatakot sa mga iyon.+
3 Dahil ang kaugalian ng mga bansa ay walang kabuluhan.
Isa lang itong pinutol na puno sa gubatAt gawa ng bihasang manggagawa gamit ang kasangkapan niya.+
4 Nilalagyan nila ito ng palamuting pilak at ginto+At ipinapako para hindi mabuwal.+
5 Gaya ng panakot ng ibon sa taniman ng pipino, hindi sila makapagsalita;+Kailangan silang buhatin, dahil hindi sila makalakad.+
Huwag kayong matakot sa kanila, dahil hindi sila makapananakit,At hindi rin sila makagagawa ng anumang mabuti.”+
6 Wala kang katulad, O Jehova.+
Ikaw ay dakila, at ang pangalan mo ay dakila at makapangyarihan.
7 Sino ang hindi matatakot sa iyo, O Hari ng mga bansa?+ Nararapat lang na katakutan ka.Dahil walang sinumang marunong sa lahat ng kaharianAng makapapantay sa iyo.+
8 Silang lahat ay mangmang at walang unawa.+
Ang tagubilin mula sa isang puno ay walang kabuluhan.+
9 Ang mga laminang pilak ay inaangkat mula sa Tarsis+ at ang ginto mula sa Upaz,Gawa ng bihasang manggagawa, ng mga kamay ng platero;
Ang damit ng mga iyon ay asul na sinulid at purpurang* lana.
Lahat ng iyon ay gawa ng mga taong dalubhasa.
10 Pero si Jehova ay tunay na Diyos.
Siya ang Diyos na buháy+ at ang walang-hanggang Hari.+
Sa galit niya ay mayayanig ang lupa,+At walang bansang makatatagal sa kaniyang poot.
11 * Ito ang sasabihin ninyo sa kanila:
“Ang mga diyos na hindi gumawa ng langit at ng lupaAy maglalaho sa lupa at sa silong ng langit.”+
12 Siya ang Maylikha ng lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan niya;Ginawa niyang matatag ang mabungang lupa gamit ang karunungan niya,+At inilatag niya ang langit gamit ang kaunawaan niya.+
13 Kapag nagsalita siya,Naliligalig ang tubig sa langit,+At nagpapailanlang siya ng mga ulap* mula sa mga dulo ng lupa.+
Gumagawa siya ng kidlat* para sa ulan,At inilalabas niya ang hangin mula sa mga imbakan niya.+
14 Ang bawat tao ay kumikilos nang di-makatuwiran at walang kaalaman.
Ang bawat platero ay mapapahiya dahil sa inukit na imahen;+Dahil ang kaniyang metal na imahen ay kasinungalingan,At walang hininga* ang mga ito.+
15 Walang kabuluhan ang mga ito, isang gawang katawa-tawa.+
Pagdating ng araw ng paghatol sa mga ito, maglalaho ang mga ito.
16 Ang Diyos* ng Jacob ay hindi gaya ng mga bagay na ito,Dahil siya ang gumawa ng lahat ng bagay,At ang Israel ang baston ng kaniyang mana.+
Jehova ng mga hukbo ang pangalan niya.+
17 Kunin mo sa lupa ang dala-dalahan mo,O babaeng napapalibutan ng mga kaaway.
18 Dahil ito ang sinabi ni Jehova:
“Ihahagis* ko sa labas ang mga nakatira sa lupain sa pagkakataong ito,+At pararanasin ko sila ng hirap.”
19 Kaawa-awa ako dahil sa pagbagsak* ko!+
Hindi na gagaling ang sugat ko.
At sinabi ko: “Sakit ko na ito, at dapat ko itong tiisin.
20 Nawasak ang tolda ko, at naputol ang lahat ng aking panaling pantolda.+
Iniwan ako ng mga anak ko, at wala na sila.+
Wala nang natira para magladlad ng aking mga telang pantolda o magtayo ng tolda ko.
21 Dahil ang mga pastol ay gumawi nang di-makatuwiran,+At hindi sila sumangguni kay Jehova.+
Kaya hindi sila kumilos nang may unawa,At nangalat ang lahat ng kanilang kawan.”+
22 Makinig kayo sa balita!
Isang malakas na pagdagundong ang dumating mula sa lupain ng hilaga,+Para gawing tiwangwang ang mga lunsod ng Juda, tirahan ng mga chakal.+
23 Alam na alam ko, O Jehova, na ang landasin ng isang tao ay hindi sa kaniya.
Hindi para sa taong lumalakad ang ituwid* man lang ang sarili niyang hakbang.+
24 Ituwid mo ako, O Jehova, ayon sa nararapat,Hindi sa galit mo,+ para hindi mo ako puksain.+
25 Ibuhos mo ang iyong galit sa mga bansang bumabale-wala sa iyo+At sa mga pamilyang hindi tumatawag sa pangalan mo.
Dahil nilamon nila ang Jacob,+Oo, nilamon nila siya hanggang sa malipol,+At ginawa nilang tiwangwang ang lupain niya.+
Talababa
^ Ang tal. 11 ay unang isinulat sa wikang Aramaiko.
^ O posibleng “agusan.”
^ O “singaw.”
^ Lit., “Bahagi.”
^ O “Patatalsikin.”
^ O “bali.”
^ O “gabayan; kontrolin.”