Jeremias 30:1-24

30  Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova: 2  “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Isulat mo sa isang aklat ang lahat ng sasabihin ko sa iyo. 3  Dahil “darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na titipunin ko ang mga nabihag sa bayan kong Israel at Juda,”+ ang sabi ni Jehova, “at ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno nila, at iyon ay magiging kanila ulit.”’”+ 4  Ito ang mga salitang sinabi ni Jehova sa Israel at sa Juda.  5  Ito ang sinabi ni Jehova: “Narinig namin ang sigaw ng mga nasisindak;Natatakot ang lahat, at walang kapayapaan.  6  Pakisuyo, itanong mo kung nanganganak ba ang lalaki. Bakit nakahawak sa tiyan* ang lahat ng malalakas na lalakiGaya ng isang babaeng nanganganak?+ Bakit maputla ang mukha ng lahat?  7  Dahil ang araw na iyon ay kahila-hilakbot.*+ Iyon ay walang katulad.Isang panahon ng paghihirap para sa Jacob. Pero maliligtas siya mula roon.” 8  “At sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “aalisin ko ang pamatok sa leeg mo, at puputulin ko ang mga tali* mo; at hindi na siya* gagawing alipin ng mga estranghero.* 9  Maglilingkod sila sa kanilang Diyos na si Jehova at sa kanilang haring si David, na ibabangon ko para sa kanila.”+ 10  “At ikaw, Jacob na lingkod ko, huwag kang matakot,” ang sabi ni Jehova,“At huwag kang mangilabot, O Israel.+ Dahil ililigtas kita mula sa malayoAt ang mga supling mo mula sa lupain kung saan sila binihag.+ Babalik ang Jacob at magiging panatag at tiwasay,At walang sinumang tatakot sa kanila.”+ 11  “Dahil kasama mo ako,” ang sabi ni Jehova, “at ililigtas kita. Pero lilipulin ko ang lahat ng bansa kung saan kita pinangalat;+Gayunman, ikaw ay hindi ko lilipulin.+ Pero didisiplinahin* kita sa tamang antas,At titiyakin kong mapaparusahan ka.”+ 12  Dahil ito ang sinabi ni Jehova: “Walang lunas ang pagbagsak mo.+ Hindi na gagaling ang sugat mo. 13  Walang magtatanggol ng kaso mo,Hindi mapagagaling ang sugat mo. Walang lunas para sa iyo. 14  Nakalimutan ka na ng lahat ng kalaguyo mo.+ Hindi ka na nila hinahanap. Dahil hinagupit kita ng hagupit ng isang kaaway,+Gaya ng parusa mula sa taong malupit ang parusa ko sa iyo,Dahil sa malaking pagkakamali at marami mong kasalanan.+ 15  Bakit ka humihiyaw dahil sa pagbagsak mo? Walang makapagpapagaling sa kirot mo! Dahil sa malaking pagkakamali at marami mong kasalanan+Kaya ginawa ko ito sa iyo. 16  Kaya ang lahat ng lumalamon sa iyo ay lalamunin din,+At ang lahat ng kalaban mo ay mabibihag din.+ Ang mga nananamsam sa iyo ay sasamsaman,At hahayaan kong manakawan ang lahat ng nagnanakaw sa iyo.”+ 17  “Pero pagagalingin kita at paghihilumin ko ang mga sugat mo,”+ ang sabi ni Jehova,“Kahit na itinatakwil at tinatawag ka nilang ‘Ang Sion, na hindi hinahanap ninuman.’”+ 18  Ito ang sinabi ni Jehova: “Titipunin ko ang mga nabihag mula sa mga tolda ng Jacob,+At maaawa ako sa mga tabernakulo niya. Muling itatayo ang lunsod sa burol niya,+At ang matibay na tore ay ibabalik sa dating kinatatayuan nito. 19  At mula sa kanila ay maririnig ang pasasalamat at ang tawanan.+ Pararamihin ko sila, at hindi sila magiging kaunti;+Palalakihin ko ang bilang nila,*At hindi sila hahamakin.+ 20  Ang mga anak niya ay magiging gaya ng dati,At sila ay magiging isang malakas na bayan sa harap ko.+ Ako ang haharap sa lahat ng umaapi sa kaniya.+ 21  Ang kaniyang pinuno ay manggagaling sa kaniya,At mula sa kaniya ay lalabas ang tagapamahala niya. Palalapitin ko siya, at lalapit siya sa akin.” “Dahil kung hindi, sino ang maglalakas-loob na* lumapit sa akin?” ang sabi ni Jehova. 22  “At kayo ay magiging bayan ko,+ at ako ang magiging Diyos ninyo.”+ 23  Isang buhawi ni Jehova ang magngangalit,+Isang malakas na bagyo na iikot sa ulo ng masasama. 24  Ang naglalagablab na galit ni Jehova ay hindi huhupaHanggang sa matupad at magawa niya ang nasa puso niya.+ Sa huling bahagi ng mga araw ay mauunawaan ninyo ito.+

Talababa

O “balakang.”
Lit., “dakila.”
Lit., “gapos.”
O “sila.”
O “banyaga.”
O “itutuwid.”
O posibleng “Gagawin ko silang kagalang-galang.”
Lit., “ang magbibigay ng puso niya bilang panagot para.”

Study Notes

Media