Jeremias 6:1-30

6  O mga anak ni Benjamin, tumakas kayo mula sa Jerusalem at pumunta sa ligtas na lugar. Hipan ninyo ang tambuli+ sa Tekoa;+Sa Bet-hakerem ay magsindi kayo ng apoy bilang hudyat! Dahil mula sa hilaga ay may paparating na sakuna, isang malaking kapahamakan.+  2  Ang anak na babae ng Sion ay gaya ng maganda at maselang babae.+  3  Ang mga pastol at ang mga kawan nila ay darating. Magtatayo sila ng mga tolda nila sa palibot niya,+At pakakainin nila ang mga kawan na nasa pangangalaga nila.+  4  “Maghanda kayo sa* pakikipagdigma sa kaniya! Tayo na at salakayin natin siya sa katanghaliang-tapat!” “Kaawa-awa tayo dahil patapos na ang araw,Dahil ang mga anino sa dapit-hapon ay humahaba na!”  5  “Maghanda kayo at sumalakay tayo sa gabi.Gibain natin ang matitibay niyang tore.”+  6  Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Pumutol kayo ng kahoy at maglagay ng rampang pangubkob laban sa Jerusalem.+ Siya ang lunsod na dapat panagutin;Walang makikita roon kundi pagmamalupit.+  7  Kung paanong pinananatiling malamig* ng imbakan ng tubig ang tubig nito,Gayon niya pinananatiling malamig* ang kaniyang kasamaan. Karahasan at pagkawasak ang naririnig sa kaniya;+Sakit at salot ang laging nasa harap ko.  8  Makinig ka sa babala, O Jerusalem, para hindi kita talikuran at kasuklaman+At gawing tiwangwang, isang lupaing walang naninirahan.”+  9  Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Sisimutin nila ang natira sa Israel gaya ng pagsimot sa natitirang ubas sa mga sanga. Iunat mong muli ang kamay mo na parang namimitas ng ubas sa mga sanga.” 10  “Sino ang kakausapin ko at bibigyan ng babala? Sino ang makikinig? Sarado* ang mga tainga nila, kaya hindi sila makarinig.+ Hinahamak nila ang salita ni Jehova;+Hindi sila nalulugod dito. 11  Kaya napuno ako ng poot ni Jehova,At pagod na ako sa kapipigil.”+ “Ibuhos mo iyon sa batang nasa lansangan,+Sa grupo ng nagtitipong mga kabataang lalaki. Lahat sila ay mabibihag, ang lalaki at ang asawa niya,Ang matatandang lalaki pati ang mga napakatanda na.+ 12  Ibibigay sa iba ang mga bahay nila,Pati na ang mga bukid at asawa nila.+ Dahil iuunat ko ang kamay ko laban sa mga nakatira sa lupain,” ang sabi ni Jehova. 13  “Dahil mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay di-tapat at sakim sa pakinabang;+Mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay nandaraya.+ 14  At sinisikap nilang pagalingin ang sugat* ng bayan ko sa basta pagsasabing‘May kapayapaan! May kapayapaan!’ Kahit wala namang kapayapaan.+ 15  Nahihiya ba sila sa kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa nila? Hindi sila nahihiya! Hindi nga nila alam kung paano mahiya!+ Kaya babagsak sila gaya ng mga bumagsak na. Mabubuwal sila kapag pinarusahan ko sila,” ang sabi ni Jehova. 16  Ito ang sinabi ni Jehova: “Tumayo kayo sa sangandaan at magmasid. Magtanong kayo kung nasaan ang sinaunang mga landas,Magtanong kayo kung nasaan ang magandang daan, at lumakad kayo roon,+At makapagpapahinga kayo.” Pero sinabi nila: “Hindi kami lalakad doon.”+ 17  “At nag-atas ako ng mga bantay+ para sabihin,‘Magbigay-pansin kayo sa tunog ng tambuli!’”+ Pero sinabi nila: “Hindi kami magbibigay-pansin.”+ 18  “Kaya makinig kayo, O mga bansa! At alamin ninyo, O kapulungan,Kung ano ang mangyayari sa kanila. 19  Makinig ka, O lupa! Magdadala ako ng kapahamakan sa bayang ito+Bilang bunga ng sarili nilang mga pakana,Dahil hindi sila nagbigay-pansin sa mga sinabi koAt itinakwil nila ang kautusan* ko.” 20  “Ano ang pakialam ko kung nagdadala ka ng olibano mula sa ShebaAt ng mabangong tambo mula sa isang malayong lupain? Hindi katanggap-tanggap ang inyong mga buong handog na sinusunog,At hindi ako nalulugod sa mga hain ninyo.”+ 21  Kaya ito ang sinabi ni Jehova: “Maglalagay ako ng katitisuran para sa bayang ito,At matitisod sila sa mga iyon,Ang mga ama, kasama ang mga anak nila,Ang bawat isa at ang kasama niya,At lahat sila ay malilipol.”+ 22  Ito ang sinabi ni Jehova: “Isang bayan mula sa lupain sa hilaga ang darating,At isang malaking bansa mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa ang magigising.+ 23  Hahawak sila ng pana at diyabelin.* Malupit sila at walang awa. Aalingawngaw ang tinig nila na parang dagat,At sasakay sila sa mga kabayo.+ Maghahanda sila sa pakikipaglaban sa iyo gaya ng isang lalaking mandirigma, O anak na babae ng Sion.” 24  Narinig namin ang balita tungkol doon. Nanghina ang mga kamay namin;+Napuno kami ng takot,Ng paghihirap,* gaya ng babaeng nanganganak.+ 25  Huwag kang lumabas papunta sa parang,At huwag kang lumakad sa lansangan,Dahil ang kaaway ay may espada;Naghahari ang takot sa buong palibot. 26  O anak na babae ng bayan ko,Magsuot ka ng telang-sako+ at gumulong ka sa abo. Magdalamhati ka na parang nawalan ng kaisa-isang anak, at humagulgol ka,+Dahil biglang darating sa atin ang tagapuksa.+ 27  “Ginawa kitang* tagasuri ng metal sa gitna ng bayan koNa gumagawa ng masinsinang pagsusuri;Magbigay-pansin ka at suriin mo ang kanilang daan. 28  Silang lahat ang pinakasutil sa mga tao,+At nagpaparoo’t parito sila para manirang-puri.+ Para silang tanso at bakal;Lahat sila ay masasama. 29  Ang mga bulusan* ay nasunog. Tingga ang lumalabas mula sa apoy nila. Walang saysay ang patuloy at matinding pagdadalisay,+Dahil ang masasama ay hindi nahihiwalay.+ 30  Pilak na itinakwil ang tiyak na itatawag sa kanila ng mga tao,Dahil itinakwil sila ni Jehova.”+

Talababa

Lit., “Magpabanal kayo ng.”
O “sariwa.”
O “sariwa.”
Lit., “Di-tuli.”
O “bali.”
O “tagubilin.”
Maikling sibat.
Lit., “hapdi.”
Si Jeremias.
Mekanismong panghihip ng hangin na ginagamit ng tagapagdalisay ng metal para patuloy na mag-alab ang baga.

Study Notes

Media