Job 24:1-25

24  “Bakit ba hindi nagtakda ng oras ang Makapangyarihan-sa-Lahat?+ Bakit hindi nakikita ng mga nakakakilala sa kaniya ang araw ng paghatol niya?  2  Ang mga tao ay nag-uusod ng muhon;*+Nagnanakaw sila ng kawan para sa sarili nilang pastulan.  3  Itinataboy nila ang asno ng mga batang walang amaAt inaagaw ang toro ng biyuda bilang prenda.*+  4  Pinaaalis nila sa kalsada ang mga dukha;Kailangan silang taguan ng mga walang kalaban-laban.+  5  Naghahagilap ng pagkain ang mga dukha, gaya ng maiilap na asno+ sa ilang;Naghahanap sila ng pagkain sa disyerto para sa mga anak nila.  6  Kailangan nilang mag-ani sa bukid ng iba*At mamulot ng tira-tira* sa ubasan ng masasama.  7  Nagpapalipas sila ng gabi nang walang damit;+Wala silang maisuot para sa lamig.  8  Nababasâ sila ng ulan sa kabundukan;Pilit silang nanganganlong sa malalaking bato dahil wala silang ibang masilungan.  9  Ang anak ng biyuda ay inaagaw mula sa dibdib niya;+At kinukuha bilang prenda ang damit ng dukha,+ 10  Kaya naman naglalakad sila nang walang suot,At gutom silang nagbubuhat ng mga tungkos ng butil. 11  Nagtatrabaho sila sa tabi ng mga pader ng ubasan sa kainitan ng araw;*Nagtatrabaho sila sa pisaan ng ubas, pero nauuhaw sila.+ 12  Dumaraing sa lunsod ang mga naghihingalo;Humihingi ng tulong ang mga nasugatan nang malubha,+Pero hindi nababahala ang Diyos.* 13  May mga naghihimagsik sa liwanag;+Hindi nila kinikilala ang mga daan nito,At hindi nila nilalakaran ang mga landas nito. 14  Maagang bumabangon ang mamamatay-tao;Pinapatay niya ang walang kalaban-laban at dukha,+At sa gabi naman ay nagnanakaw siya. 15  Hinihintay ng mata ng mangangalunya ang takipsilim;+Sinasabi niya, ‘Walang makakakita sa akin!’+ At tinatakpan niya ang kaniyang mukha. 16  Sa dilim ay pinapasok nila ang* mga bahay;Kung araw ay nagkukulong sila. Nilalayuan nila ang liwanag.+ 17  Dahil ang umaga ay tulad ng matinding kadiliman para sa kanila;Alam nila ang kinatatakutan ng mga tao sa matinding kadiliman. 18  Pero mabilis silang aanurin ng tubig.* Susumpain ang kanilang lupain.+ Hindi sila babalik sa ubasan nila. 19  Kung paanong kinukuha ng tagtuyot at init ang natunaw na niyebe,Kinukuha ng Libingan* ang mga nagkasala!+ 20  Kalilimutan siya ng kaniyang ina;* kakainin siya ng mga uod. Hindi na siya maaalaala pa.+ At ang kasamaan ay ibabagsak na tulad ng puno. 21  Binibiktima niya ang babaeng baogAt minamaltrato ang biyuda. 22  Gagamitin ng Diyos* ang lakas niya para puksain ang mga makapangyarihan;Umangat man sila, wala pa ring katiyakan ang buhay nila. 23  Hinahayaan ng Diyos* na maging kampante sila at panatag,+Pero nakatingin siya sa lahat ng ginagawa nila.*+ 24  Pansamantala silang nagiging mataas, at pagkatapos ay wala na sila.+ Puputulin sila at titipunin gaya ng mga uhay ng butil;Babagsak sila+ at mamamatay gaya ng iba. 25  Kaya sino ang magpapatunay na sinungaling ako,At sino ang tututol sa sinabi ko?”

Talababa

Tanda ng hangganan.
O “panagot.”
O posibleng “mag-ani ng pagkain ng hayop sa bukid.”
O “At maghimalay.”
O posibleng “Nagpipiga sila ng olibo sa tabi ng pader ng hagdan-hagdang lupain para makuha ang langis nito.”
O posibleng “walang pinananagot ang Diyos.”
Lit., “humuhukay siya papasók sa.”
Lit., “Siya ay matulin sa ibabaw ng tubig.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “ng sinapupunan.”
Lit., “niya.”
Lit., “niya.”
Lit., “sa mga daan nila.”

Study Notes

Media