Job 30:1-31
30 “Ngayon ay pinagtatawanan nila ako+—Mga lalaking mas bata sa akin,Na anak ng mga taongHindi ko man lang patutulungin sa mga asong nagbabantay sa kawan ko.
2 Ano ang silbi sa akin ng lakas nila?
Wala na silang sigla.
3 Nanghihina sila dahil sa kakapusan at gutom;Ngumunguya sila ng buhangin sa tuyot na lupainNa wasak na at tiwangwang.
4 Nangunguha sila ng maalat na dahon* mula sa mga palumpongAt mapapait na ugat ng puno* para makain.
5 Pinalalayas sila sa komunidad;+Sinisigawan sila ng mga tao na parang magnanakaw sila.
6 Nakatira sila sa dalisdis ng mga bangin,*Sa mga lungga sa lupa at mga uka sa malalaking bato.
7 Dumaraing sila mula sa mga palumpongAt nagsisiksikan sa mga halamang kulitis.
8 Dahil anak sila ng mga mangmang at walang kabuluhan,*Itinataboy sila mula sa* lupain.
9 Pero ngayon, tinutuya nila ako kahit sa mga kanta nila;+Naging tampulan ako ng panlalait nila.*+
10 Kinasusuklaman nila ako at nilalayuan;+Hindi sila nagdadalawang-isip na duraan ako sa mukha.+
11 Dahil ginawa akong walang kalaban-laban ng Diyos* at ibinaba niya ako,Hindi na sila nagpipigil* sa harap ko.
12 Sama-sama silang sumasalakay mula sa kanan ko;Pinatakas nila ako,Pero naglagay naman sila ng mga bitag* sa daan para ipahamak ako.
13 Sinisira nila ang dadaanan koAt pinalalala ang paghihirap ko;+Walang pumipigil* sa kanila.
14 Pumapasok sila na parang may malaking butas sa pader;Sumusugod sila sa kabila ng pagkawasak.
15 Nababalot ako ng takot;Ang dangal ko ay tinatangay na gaya ng hangin,At ang kaligtasan ko ay naglalahong gaya ng ulap.
16 Ngayon ay malapit na akong mamatay;+Hindi ako iniwan ng mga araw ng paghihirap ko.+
17 Tumatagos sa buto ko ang kirot* kapag gabi;+Ayaw akong tigilan ng sakit.+
18 Napipilipit ang kasuotan ko dahil sa malakas na puwersa;*Naging gaya ito ng masikip na kuwelyong sumasakal sa akin.
19 Inihagis ako ng Diyos sa putikan;Naging gaya na lang ako ng alabok at abo.
20 Humihingi ako sa iyo ng tulong, pero hindi ka sumasagot;+Tumayo ako, pero tiningnan mo lang ako.
21 Naging malupit ka sa akin;+Ginamit mo ang buong lakas ng kamay mo para saktan ako.
22 Binubuhat mo ako at pinatatangay sa hangin;Pagkatapos ay inihahagis mo ako sa bagyo.*
23 Dahil alam kong ibababa mo ako sa libingan,*Sa bahay na pupuntahan ng lahat ng nabubuhay.
24 Pero walang magpapabagsak sa taong walang kalaban-laban*+Habang humihingi siya ng tulong sa panahon ng paghihirap niya.
25 Hindi ba umiyak ako para sa mga nagdurusa?
Hindi ba nalungkot ako para sa mahihirap?+
26 Kabutihan ang inaasahan ko, pero kasamaan ang dumating;Liwanag ang hinihintay ko, pero kadiliman ang dumating.
27 Laging balisa ang puso ko;Sinalubong ako ng mga araw ng paghihirap.
28 Naglalakad ako nang malungkot;+ walang sikat ng araw.
Tumayo ako sa gitna ng mga tao at humingi ng tulong.
29 Naging kapatid ako ng mga chakalAt kasamahan ng mga avestruz.*+
30 Nangitim ang balat ko at nabakbak;+Nag-iinit* ang mga buto ko.
31 Ang alpa ko ay nagagamit lang para sa pagdadalamhati,At ang plawta* ko para sa pagtugtog sa mga umiiyak.
Talababa
^ O “punong retama.”
^ O “ng halamang asin.”
^ O “wadi.”
^ O “walang pangalan.”
^ Lit., “Nilalatigo sila palabas ng.”
^ Lit., “Naging kasabihan ako sa kanila.”
^ Lit., “Dahil kinalag niya ang bagting ng búsog ko.”
^ O “Nagtanggal sila ng renda.”
^ O “harang.”
^ O posibleng “tumutulong.”
^ Lit., “Binabarena ang buto ko.”
^ O posibleng “Nag-iiba ang hitsura ko dahil sa tindi ng paghihirap ko.”
^ O posibleng “ay pinaglalaho mo ako sa dagundong.”
^ Lit., “kamatayan.”
^ Lit., “sa bunton ng guho.”
^ Sa Ingles, ostrich.
^ O posibleng “Nag-iinit dahil sa lagnat.”
^ O “tipano.”