Josue 1:1-18

1  Pagkamatay ni Moises na lingkod ni Jehova, sinabi ni Jehova kay Josue*+ na anak ni Nun at lingkod+ ni Moises: 2  “Ang lingkod kong si Moises ay patay na.+ Ngayon, maghanda ka, tawirin ninyo ang Jordan, ikaw at ang buong bayang ito, papunta sa lupain na ibibigay ko sa kanila, sa bayan ng Israel.+ 3  Ibibigay ko sa inyo ang lahat ng lupaing lalakaran ninyo, gaya ng ipinangako ko kay Moises.+ 4  Ang magiging teritoryo ninyo ay mula sa ilang hanggang sa Lebanon at sa malaking ilog, ang Eufrates—ang buong lupain ng mga Hiteo+—at hanggang sa Malaking Dagat* sa kanluran.*+ 5  Walang sinuman ang magtatagumpay laban sa iyo habang nabubuhay ka.+ Kung paanong tinulungan ko si Moises, tutulungan din kita.+ Hindi kita iiwan o pababayaan.+ 6  Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka,+ dahil ikaw ang aakay sa bayang ito para manahin ang lupaing ipinangako* ko sa kanilang mga ninuno.+ 7  “Lakasan mo lang ang loob mo at magpakatatag ka, at sundin mong mabuti ang buong Kautusan na ibinigay sa iyo ng lingkod kong si Moises. Huwag kang lilihis doon,*+ para maging marunong ka sa mga gagawin mo saan ka man magpunta.+ 8  Ang aklat na ito ng Kautusan ay dapat na maging bukambibig mo,+ at dapat mo itong basahin nang pabulong* araw at gabi, para masunod mong mabuti ang lahat ng nakasulat dito;+ sa gayon ay magtatagumpay ka at magiging marunong ka sa mga gagawin mo.+ 9  Hindi ba inutusan na kita? Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka. Huwag kang masindak o matakot, dahil kasama mo si Jehova na iyong Diyos saan ka man magpunta.”+ 10  Pagkatapos, inutusan ni Josue ang mga opisyal ng bayan: 11  “Lumibot kayo sa kampo at utusan ang bayan, ‘Maghanda kayo ng mga kailangan ninyo, dahil tatlong araw mula ngayon ay tatawirin ninyo ang Jordan para pasukin at kunin ang lupain na ibibigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.’”+ 12  At sa mga Rubenita, mga Gadita, at sa kalahati ng tribo ni Manases ay sinabi ni Josue: 13  “Alalahanin ninyo ang iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova:+ ‘Binibigyan kayo ni Jehova na inyong Diyos ng kapahingahan at ibinigay na niya sa inyo ang lupaing ito. 14  Ang inyong mga asawa, mga anak, at mga alagang hayop ay titira sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa panig* na ito ng Jordan;+ pero lahat kayong malalakas na mandirigma+ ay tatawid na nakahanay gaya ng isang hukbo sa unahan ng inyong mga kapatid.+ Tutulungan ninyo sila 15  hanggang sa bigyan ni Jehova ng kapahingahan ang mga kapatid ninyo, gaya ng ibinigay niya sa inyo, at makuha rin nila ang lupaing ibibigay sa kanila ni Jehova na inyong Diyos. Pagkatapos, bumalik kayo sa lupaing ibinigay sa inyo para tirhan at ariin ninyo iyon, ang lupain sa silangan ng Jordan na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova.’”+ 16  Sumagot sila kay Josue: “Gagawin namin ang lahat ng iniutos mo, at pupunta kami saan mo man kami isugo.+ 17  Kung paanong nakinig kami sa lahat ng sinabi ni Moises, makikinig din kami sa iyo. Tulungan ka nawa ni Jehova na iyong Diyos gaya ng pagtulong niya kay Moises.+ 18  Sinumang sasalungat sa salita mo at susuway sa bawat iutos mo sa kaniya ay papatayin.+ Lakasan mo lang ang loob mo at magpakatatag ka.”+

Talababa

O “Jehosua,” ibig sabihin, “Si Jehova ay Kaligtasan.”
Dagat Mediteraneo.
O “lubugan ng araw.”
O “isinumpa.”
Lit., “lilihis doon, papunta sa kanan o sa kaliwa.”
O “bulay-bulayin.”
Sa silangan.

Study Notes

Media