Josue 16:1-10
16 At ang lupaing napunta sa mga inapo ni Jose+ sa pamamagitan ng palabunutan*+ ay mula sa Jordan sa Jerico hanggang sa bukal sa silangan ng Jerico, at tatawid ng ilang sa tapat ng Jerico papunta sa mabundok na rehiyon ng Bethel.+
2 At mula sa Bethel na malapit sa Luz, nagpatuloy ito sa Atarot, na hangganan ng mga Arkita,
3 at ito ay nagpatuloy pababa sa kanluran sa hangganan ng mga Japleteo hanggang sa hangganan ng Mababang Bet-horon+ at ng Gezer,+ at ang dulo nito ay sa dagat.
4 Kaya kinuha ng tribo ni Manases at ng tribo ni Efraim, mga inapo ni Jose,+ ang kanilang lupain.+
5 Ito ang hangganan ng mga pamilya sa tribo ni Efraim: Ang hangganan ng kanilang mana sa silangan ay ang Atarot-addar,+ hanggang sa Mataas na Bet-horon,+
6 at hanggang sa dagat. Ang Micmetat+ ay nasa hilaga, at ang hangganan ay umikot pasilangan sa Taanat-shilo, at tumawid pasilangan sa Janoa.
7 At mula sa Janoa, bumaba ito papuntang Atarot at Naara hanggang sa Jerico+ at umabot sa Jordan.
8 Mula sa Tapua,+ ang hangganan ay nagpatuloy pakanluran sa Wadi ng Kana, at ang dulo nito ay sa dagat.+ Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Efraim;
9 ang mga inapo ni Efraim ay nagkaroon din ng mga lunsod sa loob ng minanang lupain ni Manases,+ ang lahat ng lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.
10 Pero hindi nila itinaboy ang mga Canaanita na nakatira sa Gezer,+ kaya ang mga Canaanita ay naninirahang kasama ng tribo ni Efraim hanggang sa araw na ito,+ at ang mga ito ay puwersahang pinagtrabaho.+
Talababa
^ O “ang lupaing ibinigay sa mga inapo ni Jose.”