Ayon kay Lucas 5:1-39
Talababa
Study Notes
lawa ng Genesaret: Iba pang tawag sa Lawa ng Galilea, tubig-tabang sa hilagang bahagi ng Israel. (Mat 4:18) Tinawag din itong Lawa ng Kineret (Bil 34:11) at Lawa ng Tiberias. (Tingnan ang study note sa Ju 6:1.) Mga 210 m (700 ft) ang baba nito mula sa lebel ng dagat. May haba itong 21 km (13 mi) mula hilaga hanggang timog at lapad na 12 km (8 mi) mula silangan hanggang kanluran, at ang pinakamalalim na bahagi nito ay mga 48 m (160 ft). Genesaret ang pangalan ng maliit na kapatagan na umaabot sa hilagang-kanlurang baybayin ng lawa. Sinasabi ng ilang iskolar na ang Genesaret ay posibleng anyong Griego ng sinaunang pangalang Hebreo na Kineret.—Tingnan ang study note sa Mat 14:34 at Ap. A7, Mapa 3B, “Mga Pangyayari sa May Lawa ng Galilea.”
nagturo sa mga tao mula sa bangka: Tingnan ang study note sa Mat 13:2.
isang lalaking punô ng ketong: Sa Bibliya, ang ketong ay isang malubhang sakit sa balat, pero hindi lang ito tumutukoy sa ketong na alam natin sa ngayon. Sinumang napatunayang may ketong ay mamumuhay malayo sa mga tao hanggang sa gumaling siya. (Lev 13:2, tlb., 45, 46; tingnan sa Glosari, “Ketong; Ketongin.”) Sa mga Ebanghelyo nina Mateo at Marcos, tinawag lang nila ang lalaki na isang “ketongin.” (Mat 8:2; Mar 1:40) Pero ipinakita ni Lucas, na isang doktor, na lumalala ang sakit na ito. (Col 4:14) Sinabi niya na ang lalaki ay “punô ng ketong,” na nagpapakitang malala na ang kondisyon ng lalaki.—Tingnan ang study note sa Luc 4:38, kung saan ipinakita ni Lucas kung gaano kalubha ang isa pang sakit.
hinipo niya siya: Tingnan ang study note sa Mat 8:3.
Gusto ko: Tingnan ang study note sa Mat 8:3.
Humarap ka sa saserdote: Tingnan ang study note sa Mar 1:44.
madalas siyang pumunta sa liblib na mga lugar para manalangin: Isa ito sa mga pagkakataong nanalangin si Jesus na si Lucas lang ang bumanggit. (Tingnan ang study note sa Luc 3:21; 9:28.) Ang anyo ng mga pandiwang Griego na ginamit sa talatang ito ay nagpapakitang laging nananalangin si Jesus. Ang salitang Griego na isinaling “liblib na mga lugar” (eʹre·mos) ay madalas na tumutukoy sa isang disyerto o ilang, pero puwede rin itong tumukoy sa anumang “liblib na lugar.” (Mat 14:13; Mar 1:45; 6:31; Luc 4:42; 8:29) Hindi naman mapagsarili si Jesus; gustong-gusto nga niyang may kasama. (Mat 9:35, 36; Luc 8:1; 19:7-10; Ju 11:5) Pero madalas siyang bumubukod dahil mas gusto niyang kasama ang kaniyang Ama. Gusto niyang mapag-isa para malaya niyang makausap si Jehova sa panalangin.—Mat 14:23; Mar 1:35.
kapangyarihan ni Jehova: Kyʹri·os (Panginoon) ang mababasa sa mga manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Malinaw sa konteksto na ang Kyʹri·os ay tumutukoy sa Diyos, at ang salitang Griego na dyʹna·mis, na puwedeng isaling “kapangyarihan” o “lakas,” ay ginamit sa Septuagint, kung saan ang tekstong Hebreo ay tumutukoy sa kapangyarihan, o lakas, ni Jehova at makikita ang Tetragrammaton sa konteksto.—Aw 21:1, 13; 93:1; 118:15; tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Luc 5:17.
inalis ang mga tisa nito, at ibinaba ang higaan ng lalaki: Ang ulat tungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa isang lalaking paralitiko ay mababasa sa mga Ebanghelyo nina Mateo (9:1-8), Marcos (2:1-12), at Lucas. Magkakaibang detalye ang ipinapakita sa mga ulat nila. Hindi sinabi ni Mateo na idinaan sa bubong ang lalaki, pero ipinaliwanag ni Marcos na inalis ng mga kaibigan ng lalaki ang bubong, binutas ito, at ibinaba ang higaan ng lalaki. Sinabi naman ni Lucas na “inalis ang mga tisa” ng bubong para maibaba ang lalaki. (Tingnan ang study note sa Mar 2:4.) Ang salitang Griego na keʹra·mos ay puwedeng tumukoy sa “luwad,” ang materyal na ginagamit sa paggawa ng tisa, pero ang anyong pangmaramihan na ginamit dito ay posibleng tumutukoy sa mismong “tisa ng bubong.” May ebidensiya na ginagamit sa Israel noon ang mga tisa para sa bubong. Hindi natin masasabi kung ano talagang klase ng bubong ang tinutukoy sa mga ulat nina Marcos at Lucas, pero posibleng ang mga tisa ay nakalagay sa luwad na bubong o nakabaon dito. Alinman diyan ang totoo, ipinapakita lang ng mga ulat na nagsikap nang husto ang mga kaibigan ng lalaking paralitiko para madala siya kay Jesus. Ipinapakita ng mga ginawa nila kung gaano kalaki ang kanilang pananampalataya dahil binanggit sa tatlong ulat na ‘nakita ni Jesus ang pananampalataya nila.’—Luc 5:20.
makita niya ang pananampalataya nila: Tingnan ang study note sa Mat 9:2.
Anak ng tao: Tingnan ang study note sa Mat 8:20.
magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa—: Tingnan ang study note sa Mat 9:6.
Levi: Sa kaparehong ulat sa Mat 9:9, tinawag na Mateo ang alagad na ito. Kapag tinutukoy siya na dating maniningil ng buwis, ginagamit nina Marcos at Lucas ang pangalang Levi (Mar 2:14), pero Mateo ang ginagamit nila kapag tinutukoy siya bilang isang apostol (Mar 3:18; Luc 6:15; Gaw 1:13). Hindi sinasabi ng Kasulatan kung dati nang pangalan ni Levi ang Mateo bago pa siya maging alagad ni Jesus.—Tingnan ang study note sa Mar 2:14.
tanggapan ng buwis: Tingnan ang study note sa Mar 2:14.
Maging tagasunod kita: Tingnan ang study note sa Mar 2:14.
maniningil ng buwis: Tingnan ang study note sa Mat 5:46.
kumakaing: Tingnan ang study note sa Mar 2:15.
mag-ayuno: Tingnan ang study note sa Mat 6:16.
mga kaibigan ng lalaking ikakasal: Tingnan ang study note sa Mat 9:15.
alak sa . . . sisidlang balat: Tingnan ang study note sa Mat 9:17.
Masarap: O posibleng “Mas masarap,” ayon sa ilang manuskrito.