Mikas 1:1-16

1  Ang mensahe ni Jehova na dumating kay Mikas*+ ng Moreset noong panahon ng mga hari ng Juda+ na sina Jotam,+ Ahaz,+ at Hezekias+ at nakita niya sa pangitain may kinalaman sa Samaria at Jerusalem:  2  “Pakinggan ninyo ito, lahat ng bayan! Magbigay-pansin ka, O lupa at ang lahat ng nasa iyo,At maging saksi nawa laban sa inyo ang Kataas-taasang Panginoong Jehova+—Si Jehova mula sa kaniyang banal na templo.  3  Dahil si Jehova ay lalabas mula sa kinaroroonan niya;Bababa siya at tatapak sa matataas na lugar sa lupa.  4  Ang mga bundok ay matutunaw sa ilalim niya,+At ang mga lambak* ay mabibiyakGaya ng pagkit* sa harap ng apoy,Gaya ng tubig na ibinubuhos sa matarik na dalisdis.  5  Nangyari ang lahat ng ito dahil sa paghihimagsik ng Jacob,Dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ng Israel.+ Sino ang dapat sisihin sa paghihimagsik ng Jacob? Hindi ba’t ang Samaria?+ At sino ang dapat sisihin sa matataas na lugar ng Juda?+ Hindi ba’t ang Jerusalem?  6  Ang Samaria ay gagawin kong isang wasak na lunsod,Isang taniman ng ubas;Ihahagis* ko ang mga bato niya pababa sa lambak,At ilalantad ko ang mga pundasyon niya.  7  Ang lahat ng kaniyang inukit na imahen ay pagdudurog-durugin,+At ang lahat ng regalong ibinigay sa kaniya kapalit ng pagpapagamit ng kaniyang sarili* ay susunugin.+ Wawasakin ko ang lahat ng kaniyang idolo. Dahil nakuha niya ang mga iyon mula sa kinita niya sa prostitusyon,At ngayon, magiging kita naman iyon ng ibang babaeng bayaran.”  8  Dahil dito ay hahagulgol ako at tatangis;+Maglalakad akong nakapaa at hubad.+ Hahagulgol akong gaya ng mga chakal,At magdadalamhating gaya ng mga avestruz.*  9  Dahil ang sugat niya ay hindi na gagaling;+Umabot na ito sa Juda.+ Ang salot ay kumalat na hanggang sa pintuang-daan ng aking bayan, sa Jerusalem.+ 10  “Huwag ninyo itong ibalita sa Gat;Huwag kayong tumangis. Sa Bet-apra* ay gumulong kayo sa alabok. 11  Tumawid kayong nakahubad at kahiya-hiya, O mga taga-Sapir. Ang mga taga-Zaanan ay hindi lumalabas. Maririnig ang mga hagulgol sa Bet-ezel, at hindi na kayo tutulungan nito. 12  Dahil mabuti ang hinihintay ng mga taga-Marot,Pero masama ang pinasapit ni Jehova sa pintuang-daan ng Jerusalem. 13  Ikabit ninyo ang karwahe* sa mga kabayo, O mga taga-Lakis.+ Sa iyo nagsimula ang kasalanan ng anak na babae ng Sion,Dahil naghimagsik ito gaya ng Israel.+ 14  Kaya magbibigay ka* ng kaloob bilang pamamaalam sa Moreset-gat. Ang mga bahay ng Aczib+ ay mapandaya sa mga hari ng Israel. 15  Ang mananakop* ay dadalhin ko pa sa inyo,+ O mga taga-Maresa.+ Hanggang sa Adulam+ ay darating ang kaluwalhatian ng Israel. 16  Kalbuhin ninyo ang inyong sarili at ahitin ang inyong buhok para sa inyong minamahal na mga anak. Kalbuhin ninyo ang inyong sarili na gaya ng agila,Dahil kinuha sila sa inyo at ipinatapon.”+

Talababa

Pinaikling Miguel (nangangahulugang “Sino ang Gaya ng Diyos?”) o Micaias (nangangahulugang “Sino ang Gaya ni Jehova?”).
O “mababang kapatagan.”
Sa Ingles, wax.
Lit., “Ibubuhos.”
O “At ang lahat ng kinita niya sa prostitusyon.”
Sa Ingles, ostrich.
O “bahay ng Apra.”
O “karo.”
Anak na babae ng Sion.
O “tagapagtaboy.”

Study Notes

Media