Oseas 1:1-11
1 Ito ang salita ni Jehova na dumating kay Oseas* na anak ni Beeri noong panahon nina Uzias,+ Jotam,+ Ahaz,+ at Hezekias,+ na mga hari ng Juda,+ at noong panahon ng anak ni Joas+ na si Jeroboam,+ na hari ng Israel.
2 Nang simulang ipaalám ni Jehova ang kaniyang salita sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ni Jehova kay Oseas: “Kumuha ka ng isang babaeng mapakiapid* bilang asawa, at magkaroon ka ng mga anak na bunga ng pakikiapid.* Dahil sa pamamagitan ng pakikiapid,* lubusang tinalikuran ng lupain ang pagsunod kay Jehova.”+
3 Kaya kinuha niya bilang asawa si Gomer na anak ni Diblaim. Nagdalang-tao ito, at nagkaanak sila ng lalaki.
4 At sinabi ni Jehova sa kaniya: “Pangalanan mo siyang Jezreel,* dahil sandali na lang at pananagutin ko ang sambahayan ni Jehu+ dahil sa pagpapadanak nila ng dugo sa Jezreel, at wawakasan ko ang pamamahala ng sambahayan ng Israel.+
5 Sa araw na iyon, babaliin ko ang pana ng Israel sa Lambak* ng Jezreel.”
6 Muling nagdalang-tao si Gomer at nagsilang ng babae. At sinabi Niya kay Oseas: “Pangalanan mo siyang Lo-ruhama,* dahil hindi ko na kaaawaan+ ang sambahayan ng Israel; itataboy ko sila.+
7 Pero kaaawaan ko ang sambahayan ng Juda,+ at ako mismong si Jehova na kanilang Diyos ang magliligtas sa kanila;+ hindi ako gagamit ng pana, espada, digmaan, mga kabayo, o mga mangangabayo para iligtas sila.”+
8 Nang maawat na sa pagsuso si Lo-ruhama, nagdalang-tao ulit si Gomer at nagsilang ng lalaki.
9 At sinabi Niya: “Pangalanan mo siyang Lo-ami,* dahil hindi ko kayo bayan at ako ay hindi magiging sa inyo.
10 “At ang bayang Israel ay magiging kasindami ng mga butil ng buhangin sa dagat, na hindi matatakal o mabibilang.+ At sa lugar kung saan sinabi ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo bayan,’+ doon ay sasabihin ko sa kanila, ‘Kayo ang mga anak ng Diyos na buháy.’+
11 At ang mga taga-Juda at taga-Israel ay titipunin at pagkakaisahin,+ at pipili sila ng isang pinuno* at aalis sila sa lupain, dahil magiging dakila ang araw ng Jezreel.+
Talababa
^ Pinaikling anyo ng Hosaias na ang ibig sabihin ay “Iniligtas ni Jah; Si Jah ay Nagligtas.”
^ O “bayaran; imoral.”
^ O “prostitusyon; imoralidad.”
^ O “prostitusyon; imoralidad.”
^ Ibig sabihin, “Ang Diyos ay Maghahasik ng Binhi.”
^ O “Mababang Kapatagan.”
^ Ibig sabihin, “Hindi Kinaawaan.”
^ Ibig sabihin, “Hindi Ko Bayan.”
^ Lit., “ulo.”