Mga Panaghoy 3:1-66

א [Alep] 3  Ako ang taong nakakita ng pagdurusa dahil sa hampas ng poot niya.  2  Itinaboy niya ako at pinalakad sa dilim, hindi sa liwanag.+  3  Paulit-ulit niya akong hinahampas buong araw.+ ב [Bet]  4  Inubos niya ang laman at balat ko;Binali niya ang mga buto ko.  5  Kinubkob niya ako; pinalibutan niya ako ng nakalalasong halaman+ at ng paghihirap.  6  Pinaupo niya ako sa madidilim na lugar, gaya ng mga taong matagal nang patay. ג [Gimel]  7  Pinalibutan niya ako ng pader, para hindi ako makatakas;Iginapos niya ako ng mabigat na kadenang tanso.+  8  At kapag sumisigaw ako at humihingi ng tulong, hindi niya pinakikinggan* ang panalangin ko.+  9  Hinarangan niya ng tinabas na mga bato ang daan ko;Ginawa niyang liko-liko ang landas ko.+ ד [Dalet] 10  Inaabangan niya akong gaya ng oso, gaya ng leon na nagtatago.+ 11  Nalihis ako ng daan dahil sa kaniya at pinagluray-luray niya ako;*Ginawa niya akong tiwangwang.+ 12  Binaluktot* niya ang búsog niya, at ginawa niya akong puntirya ng mga palaso niya. ה [He] 13  Pinatama niya sa mga bato ko ang mga palaso* mula sa lalagyan niya. 14  Naging katatawanan ako ng lahat ng bayan, ang laman ng awit nila sa buong araw. 15  Binusog niya ako ng mapapait na bagay at pinainom ng ahenho.+ ו [Waw] 16  Binasag niya ang mga ngipin ko sa pamamagitan ng graba;Pinasubsob niya ako sa abo.+ 17  Pinagkaitan mo ako ng kapayapaan; nalimutan ko na kung ano ang mabuti. 18  Kaya sinabi ko: “Naglaho na ang karilagan ko, at hindi na ako umaasa kay Jehova.” ז [Zayin] 19  Alalahanin mong nagdurusa ako at wala akong tahanan;+ alalahanin mo ang ahenho at ang nakalalasong halaman.+ 20  Tiyak na maaalaala mo ito at yuyuko ka para sa akin.+ 21  Naaalaala ko ito sa puso ko; kaya matiyaga akong maghihintay.*+ ח [Het] 22  Dahil sa tapat na pag-ibig ni Jehova kaya hindi pa tayo nalilipol,+Dahil walang hanggan ang awa niya.+ 23  Ang mga iyon ay bago sa bawat umaga;+ ang katapatan mo ay sagana.+ 24  “Si Jehova ang bahagi ko,”+ ang sabi ko, “kaya matiyaga akong maghihintay sa kaniya.”+ ט [Tet] 25  Mabuti si Jehova sa umaasa sa kaniya,+ sa taong patuloy na humahanap sa kaniya.+ 26  Mabuting maghintay nang tahimik*+ sa pagliligtas ni Jehova.+ 27  Mabuti sa isang tao na magdala ng pasanin sa panahon ng kabataan niya.+ י [Yod] 28  Maupo siyang mag-isa at manatiling tahimik kapag inilagay ng Diyos ang pasaning iyon sa kaniya.+ 29  Isubsob niya ang bibig niya sa mismong alabok;+ baka sakaling may pag-asa pa.+ 30  Iharap niya ang pisngi niya sa nananakit sa kaniya; tanggapin niya ang lahat ng pang-iinsulto. כ [Kap] 31  Dahil hindi tayo habang panahong itatakwil ni Jehova.+ 32  Kahit na pinagdusa niya tayo, maaawa siya sa atin dahil sagana ang kaniyang tapat na pag-ibig.+ 33  Dahil wala sa puso niya na pahirapan o saktan ang mga anak ng tao.+ ל [Lamed] 34  Ang tapakan at durugin ang lahat ng bilanggo sa lupa,+ 35  Ang pagkaitan ng katarungan ang isang tao sa harap ng Kataas-taasan,+ 36  Ang dayain ang isang tao sa kaso niya—Hindi kinukunsinti ni Jehova ang ganitong mga bagay. מ [Mem] 37  Kaya sino ang makapagsasabi ng isang bagay at makagagawa nito kung hindi si Jehova ang nag-utos nito? 38  Mula sa bibig ng Kataas-taasanAy hindi parehong lumalabas ang masasamang bagay at ang mabubuting bagay. 39  Bakit magrereklamo ang isang tao sa ibinunga ng kasalanan niya?+ נ [Nun] 40  Suriin natin at siyasatin ang landasin natin,+ at manumbalik tayo kay Jehova.+ 41  Itaas natin ang ating puso at mga kamay sa Diyos na nasa langit:+ 42  “Nagkasala kami at nagrebelde,+ at hindi mo pa kami pinatatawad.+ ס [Samek] 43  Sa galit mo ay hinadlangan mo ang paglapit namin;+Tinugis mo kami at pinatay nang walang awa.+ 44  Hinarangan mo ng ulap ang lumalapit sa iyo, para ang panalangin namin ay hindi makarating sa iyo.+ 45  Ginawa mo kaming dumi at basura sa gitna ng mga bayan.” פ [Pe] 46  Ibinuka ng lahat ng kaaway namin ang bibig nila laban sa amin.+ 47  Pangingilabot at hukay ang inabot namin,+ pagkatiwangwang at pagkawasak.+ 48  Bumubukal ang tubig mula sa mga mata ko dahil sa pagbagsak ng anak na babae ng bayan ko.+ ע [Ayin] 49  Lumuluha ang mga mata ko nang tuloy-tuloy, walang tigil,+ 50  Hanggang sa tumingin si Jehova mula sa langit+ at makita ang nangyayari. 51  Ang mga mata ko ay nagdulot sa akin ng pighati dahil sa lahat ng anak na babae ng lunsod ko.+ צ [Tsade] 52  Hinahabol akong parang ibon ng mga kaaway ko nang walang dahilan. 53  Pinatahimik nila ako sa hukay; pinagbabato nila ako. 54  Lumubog ako sa tubig, at nasabi ko: “Katapusan ko na!” ק [Kop] 55  Tinawag ko ang pangalan mo, O Jehova, mula sa kailaliman ng hukay.+ 56  Dinggin mo ang tinig ko; huwag mong isara ang tainga mo sa paghingi ko ng tulong, ng saklolo. 57  Lumapit ka nang araw na tumawag ako sa iyo. Sinabi mo: “Huwag kang matakot.” ר [Res] 58  Ipinagtanggol mo ang kaso ko, O Jehova, tinubos mo ang buhay ko.+ 59  Nakita mo, O Jehova, ang kamaliang ginawa sa akin; pakisuyong bigyan mo ako ng katarungan.+ 60  Nakita mo ang lahat ng paghihiganti nila, ang lahat ng pakana nila laban sa akin. ש [Sin] o [Shin] 61  Narinig mo ang pandurusta nila, O Jehova, ang lahat ng pakana nila laban sa akin,+ 62  Ang sinasabi ng mga kaaway ko at ang ibinubulong nila laban sa akin buong araw. 63  Tingnan mo sila; nakaupo man sila o nakatayo, hinahamak nila ako sa mga awit nila! ת [Taw] 64  Pagbabayarin mo sila, O Jehova, sa mga ginagawa nila. 65  Patitigasin mo ang puso nila bilang sumpa mo sa kanila. 66  Sa galit mo ay tutugisin mo sila at lilipulin sa silong ng langit ni Jehova.

Talababa

O “hinahadlangan niya.”
O posibleng “at ginawa niya akong walang silbi.”
Lit., “Tinapakan.”
Lit., “anak.”
O “kaya magpapakita ako ng mapaghintay na saloobin.”
O “matiyaga.”

Study Notes

Media