Mga Panaghoy 4:1-22
א [Alep]
4 Nawala ang kinang ng ginto, ng purong ginto!+
Nagkalat ang mga banal na bato+ sa kanto ng bawat kalye!*+
ב [Bet]
2 Ang minamahal na mga anak ng Sion, na dating kasinghalaga ng dinalisay na ginto,Ay itinuturing nang gaya ng bangang luwad,Na gawa ng mga kamay ng magpapalayok!
ג [Gimel]
3 Maging ang mga chakal ay nagpapasuso sa mga anak nila,Pero ang anak na babae ng bayan ko ay naging malupit,+ gaya ng mga avestruz* sa ilang.+
ד [Dalet]
4 Ang dila ng sanggol ay dumikit na sa ngalangala dahil sa uhaw.
Ang mga bata ay namamalimos ng tinapay,+ pero walang nagbibigay sa kanila.+
ה [He]
5 Ang mga dating kumakain ng masasarap na pagkain ay nakahandusay sa mga lansangan dahil sa gutom.+
Ang mga dating nakadamit ng iskarlata*+ ay nakahiga sa mga bunton ng abo.
ו [Waw]
6 Ang parusa sa* anak na babae ng bayan ko ay mas mabigat kaysa sa parusa sa kasalanan ng Sodoma,+Na nawasak sa isang iglap at walang sinumang tumulong.+
ז [Zayin]
7 Ang mga Nazareo niya+ ay mas dalisay sa niyebe, mas maputi sa gatas.
Sila ay mas mapula sa korales; gaya sila ng makinang na safiro.
ח [Het]
8 Ang hitsura nila ay naging mas maitim pa sa uling;*Hindi na sila makilala sa mga lansangan.
Ang balat nila ay nanguluntoy sa mga buto nila;+ naging gaya iyon ng tuyong kahoy.
ט [Tet]
9 Napabuti pa ang mga namatay sa espada kumpara sa mga namatay sa gutom,+Sa mga unti-unting nanghina na para bang sinaksak dahil sa kawalan ng pagkain.
י [Yod]
10 Pinakuluan ng mahabaging mga babae ang sarili nilang mga anak.+
Naging pagkain sila sa panahon ng pagdadalamhati dahil sa pagkawasak ng anak na babae ng bayan ko.+
כ [Kap]
11 Inilabas ni Jehova ang galit niya;Ibinuhos niya ang kaniyang nag-aapoy na galit.+
At nagpaningas siya ng apoy sa Sion na tumupok sa mga pundasyon nito.+
ל [Lamed]
12 Ang mga hari sa lupa at ang lahat ng nakatira sa mabungang lupain ay hindi naniwalaNa ang kalaban at ang kaaway ay papasok sa mga pintuang-daan ng Jerusalem.+
מ [Mem]
13 Iyon ay dahil sa mga kasalanan ng mga propeta niya, sa mga pagkakamali ng mga saserdote niya,+Na nagpadanak ng dugo ng mga matuwid sa gitna niya.+
נ [Nun]
14 Pagala-gala sila sa lansangan na parang mga bulag.+
Narumhan sila ng dugo,+Kaya walang makahipo sa damit nila.
ס [Samek]
15 “Lumayo kayo! Marurumi!” ang isinisigaw sa kanila. “Lumayo kayo! Lumayo kayo! Huwag ninyo kaming hahawakan!”
Dahil wala na silang bahay at nagpapagala-gala na lang.
Sinasabi ng mga tao ng mga bansa: “Hindi sila puwedeng tumira dito kasama natin.*+
פ [Pe]
16 Pinangalat sila ni Jehova;+Hindi na siya magmamalasakit sa kanila.
Hindi igagalang ng mga tao ang mga saserdote,+ at hindi pahahalagahan ang matatandang lalaki.”+
ע [Ayin]
17 Kahit ngayon, ang mga mata namin ay pagod na sa paghahanap ng tulong, pero walang tumutulong.+
Patuloy kaming naghahanap ng tulong mula sa isang bansa na hindi makapagliligtas sa amin.+
צ [Tsade]
18 Hinahanap kami ng mga kaaway+ kaya hindi kami makapaglakad sa mga liwasan.*
Malapit na ang katapusan namin; nagwakas na ang mga araw namin, dahil dumating na ang katapusan namin.
ק [Kop]
19 Ang mga tumutugis sa amin ay mas matulin pa sa mga agila sa langit.+
Hinahabol nila kami sa mga bundok; inaabangan nila kami sa ilang.
ר [Res]
20 Ang aming hininga, ang inatasan* ni Jehova,+ ay nahuli sa kanilang malaking hukay;+Tungkol sa kaniya ay sinasabi namin: “Sa lilim niya ay mabubuhay kami kasama ng mga bansa.”
ש [Sin]
21 Magalak ka at magsaya, O anak na babae ng Edom,+ ikaw na nakatira sa lupain ng Uz.
Pero sa iyo rin ay ipapasa ang kopa,+ at malalasing ka at mahuhubaran.+
ת [Taw]
22 Ang parusa sa pagkakamali mo, O anak na babae ng Sion, ay natapos na.
Hindi ka na niya muling ipatatapon.+
Pero ibabaling niya ang kaniyang pansin sa pagkakamali mo, O anak na babae ng Edom.
Ilalantad niya ang mga kasalanan mo.+
Talababa
^ Lit., “sa ulo ng lahat ng kalye!”
^ Sa Ingles, ostrich.
^ O “matingkad na pula.”
^ Lit., “pagkakamali ng.”
^ Lit., “kaitiman.”
^ O “bilang mga dayuhan.”
^ O “plaza.”